Chereads / Sweet Second Chance / Chapter 5 - Welcome

Chapter 5 - Welcome

Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nito ang daan. Naka-focus ang mga mata ni Jason sa kalsada pero hindi mapakali ang utak nya. Hindi sya makapaniwalang nasa pasenger seat si Carlee. Inches away. Gusto nyang kausapin ito pero hindi sya makaisip ng topic. Bakit ba bigla nalang syang natameme sa presensya nito. Kanina lang ay kausap nya ito ng casual. Parang di gumagana ang utak nya. Pinipiga na nya ang utak nya ng kahit anong pwdeng pagsimulan ng convo nila dahil unti unti na syang nakakasense ng awkwardness nang bigla itong nagsalita. Pero di agad yon nagregister sa brains nya.

"What? May sinabi ka?" Lingon nya sa dalaga. Pagsisiguro nya kung tama bang nagsalita ito.

"Kumusta naman ang naging biyahe?" paguulit nito sa sinabi.

"It was okay, di naman ako naligaw." Agad nyang sagot

"Mabuti naman." Tugon nito

Silence again....

Nagtataka si Carlee kung bakit biglang nakaramdam sya ng nerbiyos. Parang naiilang sya na di nya maintindihan. Kanina nang si Jason ang nakita nyang nakatayo sa lobby ng munisipyo ay kakaibang kaba ang naramdaman nya. Dati-rati naman ay hindi sya ganon pag nakikita ito. Minsan pa nga ay naiinis pa sya pag nakakasalubong ang lalaki.

Di nya inaasahan na ito ang mararatnan nya doon kanina. Hindi rin nabanggit sa kanya ng boss nya kung sino ang player na dadating. Pero pilit na hindi nya in-entertain ang kaba dahil sa totoo lang wala naman syang dahilan para makaramdam ng ganon. Hindi nya ito crush o kung ano paman. Kaya kaswal nya itong kinausap. Ex-manliligaw lang nya ito, nothing more nothing less. He's just someone from work at trabaho ang pakay nito doon. Kaya magpapaka-professional din sya. Sa naisip ay parang bolang nawala ang nerbiyos nya. Sumulyap sya sa daan at napamulagat sya nang makitang lagpas na sila sa dapat na lilikuan.

"Wait, stop!" Sabay tapik sa balikat ni Jason.

Automatically Jason obliged. Itinabi nito ang sasakyan saka itinigil.

"Why? Dito naba?" Lingon nito sa kanya bago inilinga ang paningin sa paligid. Kita ang pagtataka nito.

"Hindi, actually lumagpas tayo. Sorry. Di ko napansin." Sabay dikit ng mga palad sa tapat ng mukha nya. masyado syang na-engrossed sa iniisip nya kaya nawala sa kalasada ang attention nya.

"It's okay. Let's go back then." pinaandar nito ulit ang sasakyan saka nag-u-turn.

"Pasensya na talaga." Paghingi niya ulit ng paumanhin.

"Okay lang talaga. Wala yong problema." Ngumuti ito sa kanya saka ibinalik ang atensyon sa kalsada.

After fifteen minutes ay narating din nila ang bahay nila Carlee.

Simple lang ang structure nito pero hindi tulad ng sinabi ng dalaga na maliit. May kalakihan ang two story na bahay ng dalaga. Makikitaan ito ng katandaan pero pansin din na well maintained ito. May terrace sa second floor na tiyak na tanaw mula doon ang kalsada at ang buong harapan ng bahay. Maganda din ang pagkakapintura, maaliwalas. Sa tingin nya ay nasa anim o lima ang kwarto nito sa itaas. May malaking puno ng Kaimito sa may kanan na paniguradong tumatakip sa kabahayan pag nasa katirikan na ng araw sa hapon. Kapansin-pansin din ang ibat-ibang klase ng bulaklak sa buong paligid. Tipikal na bahay probinsya. sa gaya nyang halos buong buhay na ay tumira sa condo sa siyudad, ang ganitong bahay ay napaka payapa.

"Tuloy ka." Paanyaya ni Carlee sa bisita. Nkababa narin ito ng sasakyan at naglalakad na pababa ng kalsada papunta sa maindoor ng bahay. Nilingon sya nito.

"Sya nga pala, pagpasensyahan mo sana ang mga Tiyahin ko." apologetic nitong sabi

"I have a feeling na mag-o-OA sila kasi nga celebrity ka." Ngiti nito

Mag-aalas sais na kaya nagkulay ginto nag buong paligid. Hindi nya alam kung sa araw o sa mata lang talaga nya, paglingon ng dalaga sa kanya ay nagliwanag ang likod nito na para bang isang heavenly being. Napasinghap siya. Damn, sobrang ganda! Sa isip nya.