"Diretso ka lang. Tapos pagdating sa ikatlong kanto, kakanan tayo." Pagbibigay-direction ni Carlee kay Jason.
Nasa sasakyan sila nito papunta sa town plaza kung saan nandoon ang covered basketball court. Doon gaganapin ang basketball clinic.
After 10 minutes ay narating din na nila ang destinasyon. Ihininto ng binata ang sasakyan sa gilid ng plaza. pagkababa ng sasakyan ay tinawid nila ang court papunta sa grandstand. Naroon na ang mga humigit kumulang dalawampung kabataang lalaki na nasa eleven to sixteen years old.
Natutuwa syang malaman na kahit medyo last minute ay marami-rami din ang tumugon sa paanyaya nila through the Brgy Captains ng bawat baranggay.
Tumigil sa pagkukulitan ang mga kabataan nanng mapansin ang pagdating nila. Tumuwid ng upo ang mga ito sa mga bleachers at itinutok ang mga mata kay Jason.
"Kinakabahan ako." Bulong sa kanya ng binata.
Nagtatakang bumaling sya rito. Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito. Ito, kinakabahan? Bakit? Sanay itong makasagupa ng mga maaangas na basketball players sa mga laban nito. Nakapagtataka na kung kailan mga patpating totoy lamang ang makakaharap nito ay saka pa ito kinabahan.
Nabasa siguro nito ang nasa isip nya dahil nagpaliwanag ito.
"What if i mess up? Player ako, not an instructor or coach. Ano ba'ng malay ko sa ganito?" halatang nate-tense ito
Sabagay ang laki ng difference ng gagawin nito ngayon kumpara sa ginagawa nito bilang manalaro. Sinubukan nyang i-reassure ito.
"Huwag mong pakaisipin dahil lalo ka lang kakabahan. I'm sure everything is going to be alright."
Tumingin ito sa kanya na para bang sinasabing "sigurado ka?"
Tumango sya at saka pinisil ng bahagya ang braso nito to show him her support. Yumuko ito at tiningnan ang kamay nyang naka-dantay sa braso nito pagkatapos ay itinaas nito ang mata sa kanyang mukha. Their eyes met and at that very moment she felt that same feeling of connection between them.
Wala ni isa sa kanila ang nagtangka na basagin ang koneksyong 'yon. Hindi na nya namalayan kung ilang minuto ang lumipas. Kung hindi pa sila nakarinig ng mga kantiyaw mula sa mga bata sa harapan, marahil ay di mapuputol ang sandaling 'yon.
Parang napasong biglang inalis nya ang kamay sa braso ni Jason.
"Good luck." Sabi nya at saka nagmamadaling lumayo at naghanap ng mapupuwestuhan sa bleachers. Hindi man nya nakikita ang sarili ay alam nyang pulang-pula ang mukha nya.
"Kayo talaga, istorbo." Reklamo ni Jason, sabay exaggerated na nagkamot ng ulo.
"Ang pangit ng timing nyo."
Nagtawanan ang mga bata.
"Manong, kayo po ba ang magtuturo sa amin?" Maya-maya ay tanong ng isa sa mga binatilyo.
Tumango si Jason.
"Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, ang pangalan ko ay Jason Kang. At sa gwapo kung ito kita nyo naman siguro na hindi pa ako gano'n katanda, kaya please 'wag nyo naman sana akong tawaging 'manong'. Kuya nalang. Kuya Jason. Ayos ba yon?"
The kids nodded
"O, kayo naman ngayon. Introduce yourselves tapos samahan nyo narin ng konting description."
Isa-isang tumayo ang mga bata at nagpakilala ng sarili.
After ng getting-to-know-you stage nag demo si Jason ng ilang warm-up drills na tinularan naman ng mga bata pagkatapos.
Wala syang balak magtagal sa court. Ang plano nya ay samahan lang ito sa venue. Kaso masyado syang nawili sa panunuod at hindi na nya namalayan ang paglipas ng oras. Natapos na at lahat ang clinic ay naroon pa rin sya. Para bang bigla syang nagkainteres sa sport.