Chereads / Sweet Second Chance / Chapter 11 - Kiss

Chapter 11 - Kiss

Carlee's words trailed off when she noticed Jason staring at her intently. She realized na salita sya ng salita hindi naman ito nakikinig sa kanya, bagkus ay matamang nakatitig sa kanyang mga labi.

Natigilan sya. She too, got caught up in the moment. Hindi na nya magawang dugtungan pa ang kinikuwento. Hanggang sa mayamaya ay unti-unting nag-angat ito ng tingin. Their eyes met and for a while they just stood there, staring at each other. Mayamaya pa ay namalayan na lamang nyang dahan-dahang bumababa ang mukha nito.

She knows exactly what was about to happen pero wala syang ginawa para umiwas. Instead ay hinayaan nyang maganap ang halik na iyon.

When Jason's lips met hers, she felt the heat and sweet sensation running through her veins. Magaan lang ang halik nito sa simula na para bang tinatantiya ang magiging reaction nya. Nang wala itong makitang sign ng pagtutol galing sa kanya ay saka nito nilaliman ang paghalik. That wasn't her first kiss, pero pakiramdam nya yon ang una. Iba ang level ng halik nito. Sa pisikal na aspeto ay masarap iyon sa pakiramdam. But the satisfaction she felt was beyond that.

She kissed him back na lalong nagpaalab sa paghalik nito sa kanya. Mayamaya ay naramdaman nya ang mga palad nito sa ibabang likod nya. Involuntarily itinaas naman nya ang mga kamay para humawak sa batok nito. Gano'n ang naging ayos nila habang patuloy na nilalasap ang labi ng isa't-isa.

Kapwa sila naghahabol ng hininga nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi subalit nakayakap pa rin sila sa isa't-isa. The kiss was simply amazing. Kung pwede lang ay ayaw na sana nyang matapos iyon.

Dahan-dahang tumikwas ang isang sulok ng labi nito. He made the "hmm" sound. ginantihan nya ang smile nito at nag-"hmm" din sya.

"That was nice." He murmured after awhile.

Bago pa sya makapag-react ay inilapit na naman nito ang mukha at inangkin uli ang kanyang mga labi.

Mas matamis kesa una ang pangalawang halik na iyon. Which surprised her. Hindi nya akalaing pwede pa pala nitong higitan ang unang halik nila na sa opinyon nya ay perpekto na.

Nang nag-angat ito ng mukha after some time ay naghinang ang kanilang mga mata.

Marahan at buong suyong hinaplos nito ang kanyang pisngi. His hand lingered on her cheek and she rested her hand on top of his.

They stood that way for a while. Nang mga sumunod na sandali ay tila may unawaang nabuo sa pagitan ng maghinang nilang mga mata.

Eventually, the spell had to end. Her mind came back to reality. She shouldn't have let it happen. Hindi nya kailangan ng komplikasyon.

"Ahm, hindi ba may tatawagan ka kamo?" Paalala nya rito

Kumunot ang noo ng binata na parang nagtataka pero hindi na nito isinatinig ang kung ano mang nasa-isip nito.

"Right." Sabi na lamang nito saka inilabas mula sa bulsa ng shorts ang cellphone nito.

As expected, may reception nga doon. Tahimik lamang sya habang nakikipag-usap ang lalaki sa telepono.

"Ang bait mo naman." Hindi mapigilang komento niya pagkatapos ng tawag nito.

Base sa narinig nya, um-order ito ng mga rubber shoes sa kausap nito na tinawag nitong "Drew". Hindi na nya kailangang maging henyo para malaman kung para kanino ang mga sapatos.

Nagkibit-balikat ito.

"Ang layo nitong lugar namin. Mabuti at napapayag mo silang mag-deliver." Her curiosity got a better of her and she just had to say that.

"I called in a favor. The owner is my friend, si Andrew. Sya 'yong kausap ko kanina."

"Do you mean Andrew Duenas?"

Tumango ito. Ang tinutukoy nito ay ang ex-basketball player-turned-businessman na nagmamay-ari ng Athlete's Shack, isang sikat na retail chain ng mga sport supplies and accessories.

"Do you know him?" Tanong nito

"Not personally."

"Ipapakilala kita sa kanya pagbalik natin sa Maynila. Mabait si Andrew, lalo na ang wife nyang si Nikki. I'm sure magkakasundo kayo."

"I didn't know you two were freinds."

"Like i said, he's a good person. Hindi sya mahirap kaibiganin."

Sa sinabi nito ay nabuhay sa kanya ang pagnanais na makilala si Andrew ng lubos.

Gusto nyang makilala ang iba pang tao na mahalaga sa buhay ni Jason. She know she shouldn't be interested but she couldn't help it if she was. Nasasabik syang malaman ang lahat tungkol dito. Even the tiniest detail about Jason ay gusto nyang tuklasin.

Mayroong malapad na plank na nakapalibot sa water tank. Niyaya siya nitong maupo roon. Nakasandal sila sa katawan ng water tank. Ramdam nya ang lamig niyon sa likod nya.

"Dito muna tayo. Mayamaya na tayo bumaba." Sabi ng binata

"Okay, medyo na miss ko rin ang view dito sa taas." Ngumiti sya rito

Umayos sya nang upo. Ilang pugada lang ang layo nito sa kanya.

"Matagal mo na abng kakilala si Andrew?" Pagbubukas nya ng topic

"Oo, amateur days pa lang namin ay friends na kami."

"Close kayo?"

"You could say that."

Inabot nito ang kamay nya na tila napa-interesting na bagay na sunuri nito iyon.

"I like your hands, they're soft."

She tried to pull her hands but he didn't let go. In the end, she just let him be.

"Parang kandila ang mga daliri mo. Do you play piano?" Tanong pa nito

Umiling sya.

"Pwede kang maging pianist."

"Malabong mangyari 'yon dahil tune deaf ako."

"Hindi nga?"

"Totoo, kahit 'Lupang HInirang' ay hindi ko kayang katahin."

"Ows?"

"Nagsasabi ako ng totoo, promise."

"Sample nga."

"Huwag na. Baka umulan, sisihin mo pa ako. Ikaw na lang kung gusto mo."

"Let's make a deal. Kakanta ako pero dapat kumanta ka din pagkatapos.."

She wanted to hear him sing so she found herself saying "yes". Kumanta nga ito at in fairness maganda ang boses nito. Sa katunayan, papasa itong recording artist kung gugustuhin nito. Kaya naman pala malakas ang loob nitong maghamon.

Familiar sa kanya kinanta nito pero hindi nya maalala kung ano ang pamagat at kung sino ang kumanta niyon.

"Wala nang iba para sa akin.

Maging sa panaginip,

Ikaw ang nais makapiling.

Hindi ipagpapalit kahit kay Rio Locsin.

Wala nang iba para sa akin.

Hindi sasaya kung wala ka.

Umaga't gabi, ikaw ang nais makapiling...."

"Aba, Mr. Jason Kang, may hidden talent ka pala." Sabi nya nang matapos ito sa pagkanta. Mangha pa rin sya. Ni minsan ay 'di nya naisip na may boses ito. Wala kasi sa hitsura nito na marunong itong kumanta.

"I like your voice, masarap pakinggan at hindi tunog trying hard." Dagdag nya

"Thanks. May napala rin pala ako sa paglublob sa akin ni Mama noon sa drum na puno ng tubig."

"Seryoso?" Napamulagat sya

"Scout's honor." Sagot nito, sabay taas ng kanang kamay na tila nanunumpa.

"Para ka palang si Regine kung gano'n. Effective naman ba?"

Nagkibit-balikat ito.

"Ewan, siguro."

"Kunsabagay, mukha namang effective dahil magaling kang kumanta. Ulit nga!"

"Anong ulit? Turn mo na, 'di ba?"

"After mong magpakitang-gilas? Ayoko na!"

"Ang daya nito. May deal tayo."

"Ikaw ang madaya. Hindi mo sinabi na may unfair advantage ka. Ikaw nalang ang kumanta. sige na.."

"Abuso na 'yan."

Nag-beautiful eyes sya.

"Please? Hmm"

Ngumisi ito at saka pinisil ang kanyang baba.

"Sige na nga."

Kumanta nga ito ulit, pero this time chorus na lang ang kinanta nito. Nang matapos ay tinanong nya kung ano ang title at kung sino ang singer ng kinanta nito.

"Langit na naman, by the Hotdog. Do you like it?"

She nodded.

"From now on, yan na ang theme song natin."

Tumaas ang isa nyang kilay. May theme song sila?