"Ano 'to Kuya, TV?" Mulagat na tanong nito pagkaupong-pagkaupo nito.
Nilingon nya ito. Si Jason naman ay sinilip ito sa rearview mirror. Ang tinutukoy nito ay ang LCD screen na naka-embed sa likod ng headrest ng magkabilang frontseats. High end ang SUV ni Jason kaya kompleto 'yon sa accessories.
"Oo. Gusto mong manuod? Pindutin mo lang 'yong button sa ilalim, 'yong kulay green."
Maya-maya pa ay pumailanlang na sa interior ng sasakyan ang tunog ng TV.
"Astig!" Bulalas ni James.
Hindi nagtagal ay narating din nila ang bahay ng binatilyo. Kung tutuusin, malapit lang naman 'yon, pero kung lalakarin ay aabot siguro ng thirty minutes. Medyo mabato ang daan kaya mahihhirapan talaga ang kahit na sino kung lalakarin 'yon nang nakayapak.
"Kanino ba puwedeng makigamit ng telepono rito?" tanong sa kanya ni Jason nang sila nalang dalawa ang nasa sasakyan.
Naalala nya si Luz. Binigyan nya ito ng direksyon papunta sa bahay nito. Sa kasawiang-palad pagdating nila roon ay nadatnan nilang nakakandado ang bahay ng kaibigan. Ayon sa kapitbahay na napagtanungan nila, nasa Maynila daw ang mag-anak dahil may family reunion.
"May alam ka pa bang iba?" Tanong uli ni Jason pagbalik nila sa kotse.
Marami syang kakilala pero nahihiya syang makitawag sa mga ito. Alam nyang long-distance ang tawag ni Jason. Kung mag-aalok naman sila nang pera kapalit ng tawag ay nangangamba naman syang baka mainsulto ang mga ito. Pagdating sa pride ay di nya matantiya ang mga kababayan nya.
Kagat-labing nag-isip sya hanggang sa may naalala syang lugar.
"Dala mo ba anng cellphone mo?" Tanong nya sa binata.
Binuksan nito ang compartment sa dashboard at inilabas ang cellphone. Deadbatt na 'yon pero may charger naman daw sa sasakyan.
"What are you thingking?" Tanong nito
"May alam akong lugar, 'di kalayuan dito. I'm sure may signal doon."
" Okay, let's go!" Nagliwanag ang expression nito.
And off they went.
Nakatingala si Jason at gano'n din si Carlee sa tabi nya.
Nakapako pareho ang mga mata nila sa water tower ma matatagpuan sa loob ng corn farm. Hindi pipitsugin ang farm, malaki ang opirasyon nyon. Guarded ang main gate pero hindi sila nahirapang makapasok. Nalaman nya na kinakapatid ni Carlee ang manager ng farm kaya kilala ito ng gwardiya roon.
Kanina habang nasa sasakyan sila papunta sa opisina ng farm nagkaroon sila ng maiksing usapan ng dalaga.
"You seem to be familiar with the place." He said
"Madalas ako rito noong nasa highschool pa lang kami ni Mary. Sya yong sinasabi ko sa'yong kinakapatid ko. Wala kaming ginawa noon kundi ang mag-bike at libutin ang buong farm." Sagot nito.
Carlee introduced him to Mary and they bantered for a while. Pagkatapos ay sinabi na nito ang sadya nila sa lugar na 'yon. Pumayag naman agad si Mary. And that brought them to where they are right now.
He totally got Carlee's point. Ang tower ay nasa isang burol, in other words, mataas ang elevation niyon. Kung aakyat pa sila sa tower ay imposibleng wala pa silang mahagip na cell signal.
"What are we waiting for? Tara na!" Yaya nito sa kanya.
"Ako nalang ang aakyat." For some reason, he felt suddenly protective of her. Ayaw nyang umakayat ito. Natatakot syang baka mahulog ito.
"It's alright. Gusto ko ring makita ang view sa taas."
Wala syang magawa kundi tumango nalang.
"Alright, Ikaw ang bahala."
Inalalayan nya ito sa hagdang bakal at pinauna nya itong umakyat. Naghintay muna sya ng ilang segundo bago sya sumunod. Nasa lima o anim na steps ang pagitan nila.
Naturally, his first instinct was to look up so he could see where he was going.
The sight that greeted him when he did made him swallow hard. It was Carlee's firm booty. "Jeez!" Nakapantalon ito kaya kung tutuusin ay wala naman talaga syang nakita na hindi nya dapat makita. Pero sapat na ang maumbok na pang-upo nito para maglaro ang imagination nya.
He wondered how silky and smooth the skin of her fanny was. He wondered how her cheeks would feel beneath his palms. Would they be firm or would they be soft? He wondered about a lot of things. If he stroke her there, would she whimper like a kitten?
Kasabay ng paglulumikot ng isip nya ay nag-react naman ang isang bahagi ng katawan nya.
Oh boy! He needed to distract himself before he got into trouble. Pilit na ibinaling nya sa ibang direksyon ang mga mata. It was close to impossible but eventually he managed to do so. He released a sigh of relief nang sa wakas ay narating nila ang tuktok ng tower.
"Sabi ko sa'yo, maganda ang view dito." Masiglang sabi ng dalaga. She seemed totally oblivious to what was happening to him.
Iginala nya ang mga mata at napa-"wow" sya sa nakita. Totoo ang sinabi nito, maganda nga ang view roon. Idagdag pa na three hundred sixty degrees ang lawak ng natatanaw nila. Kitang-kita mula sa vantage point nila ang kabuuan ng farm.
Nakakatuwang pagmasdan ang hile-hilerang pananim ng mais na parang mga nakapilang sundalo.
"Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nagbabad dito ni Mary noon. Dito na sya sa farm lumaki dahil dito rin nagtatrabaho si Ninong dati at madalas ako rito noon. Retired na ngayon si Ninong at si Mary ang pumalit sa position nya." Pagkukwento nito.
He really was not paying much attention to what she was saying because he found himself distracted by those luscious lips of hers. Habang nagsasalita ito ay nakapako ang paningin nya sa mga labi nito. He became so drawn to them that try as he might, he just couldn't will his eyes to look away.