Hinintay muna niyang makatulog ang ama bago niya ito iniwan. Pagkatapos ay hinanap niya ang kuya Gino niya at si Jason. Natagpuan niya ang dalawa sa likod bahay. May puno ng kaimito roon at sa ilalim ay may mesa na napapaikutan ng mga upuang kahoy. Abala sa pag-uusap ang mga ito kaya hindi kaagad napansin ng dalawa ang paglapit niya.
"Ano yan ha!?" Pabirong paninita niya saka inginuso ang ilang bote ng beer sa mesa.
Bumaling kay Jason ang tingin niya pero agad din niyang ibinalik sa kapatid ang tingin nang salubungin nito ang mga mata niya. Iba kasi ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. She saw blatant admiration in his eyes. Kapag ganoon ito makatingin sa kanya ay laging may nararamdaman siyang kakatwa sa sistema niya. Hindi niya maikahon sa isang salita ang pakiramdam na iyon. Para bang naaasiwa siya na kinikilig din na di niya mawari.
"Nagpapaantok lang." Sabi ng kuya niya.
"Gusto mo ba? Ipagbubukas kita." Dagdag nito.
Why not? Sa loob-loob niya. Curious siyang malaman kung ano ang pinaguusapan ng mga ito.
"Wen." She said out loud and sat down.
"Okay." Tumayo ang kuya niya para ikuha siya ng beer sa loob ng bahay.
"Umiinom ka pala?" Sabi ni Jason nang maiwan silang dalawa. Kita ang amusement sa mga mata nito.
"Hindi naman masyado. Minsan lang."
"Ang mga Tita mo?"
"Nagpapahinga na. Peace and quiet at last." natawa silang pareho sa sagot niya.
"Nakakatuwa sila 'no?"
"Masyado ba silang maligalig?"
"Not really. In fact, i like them."
"So, ano'ng meron dito? Mukhang masarap ang kuwentuhan niyo kanina ni kuya ah. Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?" Dumukot sya ng sitsirya.
"Ikaw." Singit ng kuya niya. Nasa likuran na pala niya ito.
"Hindi nga?" Nagpanic siya ng kaunti.
"Oo nga." Sagot naman ni Jason.
Paano kung lahat ng embarrassing moments niya no'ng kabataan niya ay nasabi na nito sa bisita? Nakakahiya yon. May pagka-madaldal pa naman ang kuya niya kapag ganitonng nakakainom ng konti.
"Ito kasing si Jason, panay ang tanong tungkol sayo."
"Panay rin naman ang tanong mo sa akin tungkol kay Carlee." Ganti ni Jason.
"At ano naman ang mga itinatanong sa'yo ng kuya ko?" Bumaling siya kay Jason.
"Gusto niyang malaman kung may boyfriend ka na raw ba o kung may uma-aligid raw ba sa'yo?"
Tumaas ang kilay niya. She wondered kung inamin nito sa kapatid niya na once upon a time ay isa ito sa mga lalaking umaali-aligid sa kanya.
"Ano'ng sabi mo?" Nanunukat ang tingin nya dito.
"About sa boyfriend part, ang sabi ko, malamang wala. Mukhang masyadong mataas kasi ang standards mo dahil kung ako nga na walang kasingguwapo at kasimbait ay binasted mo no'ng nanligaw ako sa'yo, yong iba pa kaya?" Mahaba nitong sagot
Hindi nya akalaing magagawa nitong aminin sa iba, at sa kuya pa man din nya na binasted nya ito. Ang ibang lalaki kasi ay hindi ilalantad ang mga gano'ng bagay dahil sa male ego. In a way ay napahanga sya rito dahil sa kaprangkahan nito.
"Yabang!" Sabay irap.
He chuckled. "Hindi naman. Honest lang talaga ako."
"Ano naman ang sinabi ng kuya ko sa revelation mo aber?" Natawa narin sya.
Ang kuya nya ang sumagot.
"Ang sabi ko, don't take it personally. May mga priorities ka lang talaga at ayaw mo ng distractions kaya ayaw mo munang pumasok sa serious relationship. then he asked kung ano-ano raw ang mga priorities mo. Ang sabi ko, balak mong tapusin ang law degree mo."
"Kuya!"
"Bakit? Wala namang masama sa sinabi ko." Katwiran ng kuya Gino nya.
"Oo nga. I think it's great that you want to become a lawyer. Ayos yon dahil makakalibre ako ng notaryo." Sabi ni Jason na nakangiti
"Excuse me! Hindi lang pang-notary public ang caliber ko kung saka-sakali."
"Amen." Sabi ng kuya nya. "Sayang lang talaga, nakatatlong semesters na itong si Carlee sa state university. Kaya lang, hindi na uli sya nakapag-enroll pagkatapos.
Bumaling sa kanya si Jason. "Why?"
"The usual reason. Kaya nga ako nagkakayod-kabayo sa SM Giants ngayon ay para makaipon ako ng pang-tuition. I know it's still a long way to go pero wala namang hindi nakukuha sa tiyaga, 'di ba?" Mahaba nyang sagot
"That's the spirit! So, saan mo balak mag-specialize?"
"Undecided pa ako. Parang gusto kong i-try ang criminal law pero i'm not sure kung kakayanin ng tapang ko."
Napadpad sa ilang high profile na kaso na nagkaroon ng media exposure ang usapan nila. Medyo nagulat sya nang malamang marami palang nalalaman si Jason about sa topic. Ang kuya nya ay hindi gaanong maka-relate sa usapan nila. Madalang itong magbigay ng komento sa pinag-uusapan.
Minsan ay nagdedebate sila ni Jason kapag magkasalungat ang pananaw nila sa isang court ruling. In her surprise laging may merit ang mga argumento nito.
bigla syang may natanto. Nakakahiya mang aminin pero na-realize nya na medyo minaliit nya ang kakayahan ng utak nito. Ang impression kasi nya rito dati ay wala itong ibang alam kundi basketball.
"Uubusin ko lang to, tapos iiwan ko nna kayong dalawa." Maya-maya ay sabi ng kuya niya. Itinaas nito ang boteng hawak.
Hindi na sya nagulat sa sinabi ng kuya Gino nya. Dahil sa hindi na nga ito maka-relate sa usapan kaya nag-decide nalang itong um-exit na. Hindi nagtagal ay tumayo na nga iito at pumasok na sa bahay.
Nagpatuloy ang balitaktakan nila ni Jason. She had to give this guy credit. He reallly knew what he was talking about. Kung hindi ay malamang kanina pa siya na-bored sa usapan nila.
"I'm impressed. Ang ddami mong alam. No offense meant ha, pero dinaig mo pa ang kuya ko." Pag-amin nya
"None taken."
Tinanong nya ito kung saan nanggaling ang interest nito sa topic.
"I don't know. bata pa lang ako ay mahilig na akong manood ng mga legal dramas sa TV. Natatandaan mo pa ba yong palabas na LA Law? Favorite ko yon noon."
"Ang alin?"
Inilarawan nito ang palabas. Isinipol pa nito ang theme song ng show.
Nasa tono ang loko. Sa loob-loob nya
"Si Harry Hamlin yong bida. Tapos yong show title sa simula, Nakasulat sa plaka ng kotse. Hindi mo maalala?"
nakakunot-noong umiling siya. Ang totoo, alam nya ang show na sinasabi nito. She was just pretending she didn't know. Alam na alam nya dahil paborito din nya yon noon.
Napakamot ito sa pisngi. Gusto nyang matawa sa expression nito. Kulang nalang ay pilipitin nito ang utak nya para lang maalala nya ang title ng palabas. In the end ay sumuko nalang ito.
"Sige na nga, 'di bale nalang. I can't force you to remember something you don't know about."
"Pasensya kana ha, di ko na kasi inabot ang TV series na yan. Si Ally McBeal lang ang kilala ko. Nakalimutan mo siguro na hindi tayo magka-generation. Bata pa ako samantalang ikaw, matanda na." Pasimpleng pang-aasar nya.
"Ang sakit mo namang magsalita. Wala pa akong thirty. Ikaw ba, ilang taon kana?"
"Twenty-five."
"Well then, twenty-nine palang ako."
"Kaya nga. Noong nasa high school ka nasa elementary pa lang ako."
Pinaningkitan sya nito ng dati na nitog singkit na mga mata.
"Basta paborito ko noon ang LA Law. Hindi ako pumapalya sa panunood noon."
"I wonder why. Siguro dahil crush mo si Susan Dey no?" Sabi nya
Ibinuking na nya ang sarili sa sinabi nyang yon. Sa dinami-rami kasing sinabi nito, ni minsan ay di nito nabanggit ang pangalang yon ng actress.
He was quick to get her point. Mabilis na bumaling ito sa kanya.
"Why you!"
Ikiniling nya ang ulo sabay pa-cute.
"Belat!"
Ganon nalang ang tawa nito.
"Pilya!"