Hindi malaman ni Carlee kung ngingiwi sya o iiling dahil sa inaakto ng tatlo nyang tiyahin. Sa palagay nya ay sumobra sa pagiging maasikaso ang mga ito kay Jason to the point na gusto na nyang sawayin ang mga ito. OA na kasi at sya ang nahihiya para sa mga ito. Pero mukhang di rin naman alintana ng binata ang nangyayari. In the end ay tumawa nalang sya.
Sa kasalukuyan ay nasa dining table sila at naghahapunan. Lahat sila ay nasa komedor. Kasalo nila ang tatlong tiyahin nya, ang kuya nya at syempre ang kanilang bisita na si Jason. Maging ang kanyang ama ay naroon din bagaman nakakain na ito. Maaga kung maghapunan ito dahil mayroon itong sinusunod na schedule sa pag-inom ng gamot.
"Gusto mo pa ng kanin Jason?" Tanong ni Tiya Rebecca nya, sabay lahad ng bandehado sa binata. Napakatamis ng ngiti nito.
"Sige ho." Sabi ni Jason.
"Kain lang ng kain. Itong kinilaw na isda, subukan mo. Ako ang nagluto nyan." Saad naman ng Tiya Gina nya, inilahad din nito ang plato ng kinilaw na isda sa binata.
Napatingin sa direksiyon nya ang paningin ng binata at huling-huli sya nitong nakatingin sya rito. Naghinang ang paningin nila. Kita ang amusement sa mga mata nito at alam nyang ganon din ang nababasa nito sa mga mata nya.
They both smiled and for a moment they shared a connection there.
"Naku, si Manang naman. Kelan pa nangyaring niluto ang kilawin?" Ang sinabing iyon ng Tiya Martha ang pumutol sa connection sa pagitan nila ni Jason.
Nauwi sa diskusyon ang usapang iyon. Ang sabi ni Tiya Gina ay bakit daw nakikialam si Tiya Martha. Ang sagot naman ng huli ay wala namang masama kung itama nito ang isang mali. Ang hirit naman ni Gina ay masyado daw pilosopa si Tiya Martha. Sa ganoong tema nagpabalik-balik ang usapan ng mga ito.
Habang abala ag dalawa ay tumayo si Tiya Rebecca at ito ang nagkusang maglagay ng kilawin sa plato ni Jason. Pati ang kanyag ama na hindi na nga nakakapagsalita ay nakisali rin sa eksena. Panay ang paglikha nito ng tunog at pagmuwestra sa bandehado ng ginataang manok.
"Kayo naman ho, hayaan nyo nalang munang kumain yong tao. May mga kamay naman yan kaya kung gusto pa nyang kumuha ng pagkain ay kukuha sya." Hindi na nakatiis na sabi nya.
Sa isang banda, hindi nya masisisi ang mga tiyahin dahil alam nyang excited lang ang mga ito. Noon lang kasi sila nagkaroon ng kasalong celebrity. Pasasaan ba at lilipas din ang excitement ng mga ito.
"Sya nga naman ho." Segunda ng kuya nya. Mukhang pati ito ay naasiwa na rin sa eksena. Kapagkuwan ay bumaling ito kay Jason.
"Pare, pasensya kana ha. Kain lang ng kain, huwag kang mahihiya."
Sa awa ng Diyos ay nairaos din nila ang hapunan. Ipinaubaya muna nya sa Kuya nya ang bisita nila. Kampante siyang gawin yon dahil nakikita niyang mukhang magkasundo ito at si Jason. Malamang yon ay dahil hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito.
Siya uli ang naghatid sa kanyang ama sa kuwarto nito. Kapag nasa manila na siya ay hindi na niya mapagsisilbihan ito kaya habang naroon siya ay gusto niyang samantalahin ang pagkakataon.