Tumuwid ang kanyang likod sa narinig na palakpak mula sa likod.
Marahang lumapit si Zedrick habang patuloy na pumapalakpak. "That's impressive."
Sa isang kilos ay nakababa siya. Pilit itinatago ang bugso ng damdamin. "Magaling lang talaga si Kidlat." Nanginig ang boses niya.
"Are you hurt?" Pilit itong dumudungaw sa kanya.
Yumuko siya at napamura sa sensitibong parte ng kanyang sarili.
"Boss, miryenda muna kayo ni ma'am." Si Caesar na biglang sumulpot tangan ang pinggan ng nilagang mais.
Tumikhim siya sa naabutan nitong position nila. Binalya niya agad sa dibdib ni Zedrick ang tali ni Kidlat at agad dumistansiya. "Thanks, Caesar," aniya matapos palisin ang luha sa pisngi. Sinulyapan niya ito.
Kay Zedrick ito nakatingin habang nakangising-aso. "Iba talaga si Boss," tudyo nito.
"Are you done with your delivery?"
"Oh, shit! Oo nga pala." Sa kakamadali na makaalis ay pinatong nito sa lumang drum ang plato. Tumawa siya nang muntik itong mapatid sa nakausling ugat ng puno ng manga.
"He is loyal to you." Tumawa siya habang sinusundan ang pag-alis ng isang truck ng mais. Pagbaling niya kay Zedrick ay naabutan niya itong lumalapit sa plato. Kumuha ng isa at pumangas ng dalawang beses.
"Masarap?" tanong niya.
Tumango ito. Muling kumagat ng dalawang beses. Mabilis siyang lumapit at tinitigan ang mais sa plato. Dilaw iyon. Halatang malinamnam. Muli siyang lumingon dito.
"Ayaw mo?" tanong nito nang hindi siya kumuha ng isa.
She watched his Adams-apple goes up and down when he swallowed. Tinaasan siya nito ng kilay bago kumagat. Tumingkayad siya at sumabay sa pagkagat. Kitang-kita niya ang pagtigil nito sa gulat. Siya naman ay ngumisi pa at humawak sa kamay nito para tuluyang makakagat. "It came from the farm here, right?" she asked while munching the corn.
Nahuli niya itong nakatingin sa labi niya. She thought there's a dirt on the side of her mouth. She wiped the both side of her lips using her tongue. "May dumi pa?" inosente niyang tanong.
Mula sa kakatwa ay dumilim ang titig nito sa kanya. "Do you always do that to impress boys?"
"Ha? Whose-" Saglit siyang nag-isip. Nang maalala ang paghigit sa kanya nito noong magsuntukan si Drake at Ken ay ngumisi siya. "Ngayon ko lang ginawa 'to. What are you talking about?"
Bigla niyang naalala ang estilo noon ni Violet kapag gusto nito ang isang lalaki. Pilit nitong ilalapit ang mukha sa lalaki. Kapag namula o humalik sa labi ni Violet ay ibig sabihin gusto siya. On her case, Zedrick is impossible to fell on her young charisma. Basta't tititig ito sa labi niya ay sapat ng katibayan na may pag-asa siyang pumasa sa panlasa nito.
Muli siyang tumingkayad para ilapit ang mukha dito. Nawalan siya ng balance kaya sumandal siya sa dibdib nito. He even held her waist to support her. They were so close that she can almost smell his manly scent and minty breath. "You don't answer my question, Dom."
Namilog ang mata nito. Bumaba ang titig sa kanyang mga labi.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig kahit pa sa loob niya ay gusto niyang ngumisi. She won. But then she got stunned when he pushed her a little.
"Young miss, you had two question. Which should I answer then?" Tinaasan siya nito ng kilay.
"Whatever. I know this is your families land. These corn and flower farm is obviously, yours."
"Hmmm... The last statement is correct."
Pinatong niya ang parehas na kamay sa batok nito. "I will say it again. This property is yours?" Puwede na siyang estudyante ni Violet sa panggagaya ng boses nito sa tuwing nang-aakit.
His jaw clenched. Kinalas ang kamay niya. Lumapit sa drum para ipatong ang kinakaing mais. "Precisely," sagot nito. Naglakad patungo sa poso.
May kataasan ang lupa roon kaya sumunod siya. Mula roon ay tanaw ang nagtataasang sunflower farm. Kapag diniretso iyon ay maaaninaw ang maisan. Siya ang may-ari nito at umaani? Akala ko ay engineering ang kurso niya? Impossible. Nag-aaral pa siya, hindi niya puwedeng pagsabayin ang pag-aalaga sa farm na ito sa pag-aaral. "You do this all by yourself?"
"Of course, I have my workers, Thaysky. Caesar is one of them."
Tumitig siya ritong nakatalikod naman sa kanya habang nakapamaywang. Humahanga siyang sa murang edad ay may ganito na itong kaalaman. Nag-aaral palang ay kumikita na ito. Naalala niya ang sinabi ng ate niya. Ang pamilyang Hetch ay kilala sa aviation field. Pero si Zedrick lang ang lumihis ng hilig. Marahil ay nakita ng binata ang interes sa business at kinuhang kurso.
"Paano kapag nasa school ka? Sino ang nangangalaga rito?"
"Katuwang ko rito ang ama at ina ni Caesar. Sila ang nakatira sa kubong malapit sa maisan."
Tumango siya. "Hindi ka ba nahihirapan? Nag-aaral ka, kolehiyo pa. Your studies need an attention, yet you are here with me. And then you're taking care of your farm. It's difficult... Dom."
Nilingon siya nito. "Dom?" ulit nito habang nangingiti. "Kapag gusto mo ang isang bagay, hindi mo maiisip ang hirap. Kadalasan mas nananaig ang pananabik at saya. Tandaan mo 'yan, Thaysky."
He is against the sun. His bulky body and stance looked magnificent and strong. And he is right. When you like what you are doing, you'll see only the happiness of it. The feeling of achieving the finish line with a smile on your face. Not minding the hard work and wasted time. You'll just enjoy the moment because you want it to happen.
"Saan ka niyan bukas?"
"Every Saturday is delivery. I am here in the morning to assist it and in the afternoon I have to go back to the rest house to study."
Tumango siya. Inaalala ang walang kabuluhang Sabado niya. Wala naman siyang matandaan na espesyal bukas. Lalo kapag Linggo bukod lamang sa pagsisimba. "Puwede ba akong sumama sa'yo? I'm bored in my room. Besides, I need to follow up my post. Do you still remember it?"
"I will study. I need to be at peace."
"Promise. Hindi kita guguluhin. Gusto ko rin makarating sa ibang lugar. Gusto kong makita ang rest house niyo. Dalawang taon nalang. I will enter your world so I need to visit your school too. Magpapaalam ako ng maayos."
Huminga ito nang malalim. "I can't help you now with your stupid mission. I need to study and review."
"Drop the mission. We can do that later. I just wanted to explore this province," she murmured.
"Regardless. Let's schedule your visit next week. Okay? Ihahatid na kita. Magpapaalam tayo sa Tita mo."
Halos magliwanag ang buhay niya sa sinabi nito. Bukas o sa susunod pa, ang makita ang lugar nito ay sapat na. Ganoon nga ang nangyari. Pagkauwi'y masigla niyang niyakap at hinalikan ang tiyahin niya ng pumayag.
"Basta at ihatid mo siya, Iho. Hindi puwedeng gabihin iyan," paalala ng kanyang Auntie Criselda.
Kumakaway siya sa papalayong sasakyang Wrangler. Nakangiti siya nang tumalikod. Iniisip niya na kung anong gagawin doon sa susunod na Sabado. Dahil nalaman niyang may malapit na fishpond sa rest house nito ay isasama niya sa listahan ang fishing. May swimming pool din. She will swim too. I hope he is alone there. The idea of being with Zedrick alone on that house looks romantic. She can watch him study while she is cooking for him. Kahit pa ang alam niya lang lutuin ay tinola.
She is humming her favorite song when she passed through Eury's room. Agad siyang tumigil nang makarinig ng iyak. Lumingon siya sa pinto at napansing hindi maayos ang pagkakasara noon. Lumapit agad siya at sumilip. Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng makitang nakasubsob si Eury sa kama at humahagulgol.
Umabante siya pero natigilan nang damputin ng kapatid ang unan at ibato sa sahig. Ang iyak nito ay puno ng galit. She need to give her a private space and respect. It is not the right time to intrude. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto. Saglit na natulala sa sahig.
Eury is crying why?
Pumasok siya sa kanyang kuwarto upang mabilis na makapagpalit. Doon siya dumiretso sa pool side para matapos ang ginuguhit niya. Doon din niya napagpasyahang gawin ang lahat ng assignment niya. Mag-aaral nalang siya magluto bukas at sa Linggo.
Lumipas ang isang oras ay natapos niya na ang English, Science at Essay. Habang binubuklat ang math notebook ay narinig niya ang boses ni Simon.
"Eury bakit naman ganyan? Akala ko ba ako. Bakit naging siya?"
Tumuwid siya sa pagkakaupo at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Lumingin siya sa parking space nila. Tiyak siyang doon galing ang boses.
"Simon-"
Halos humaba ang leeg niya nang marinig ang mahinang boses ni Eury. Tumayo na siya at lumapit sa kanilang Nissan Patrol. Mula sa side mirror ay kitang-kita niya ang pag-iling ng kapatid bago umalis. Pumikit si Simon. Ang nakakuyom nitong braso ang mapapatunay na galit ito. Sumunod ito sa ate niya kinalaunan.
Is it because of Brandon? Tumalikod siya roon at ipinagkibit balikat. They can solve it for sure.