LIKE the usual she busied herself from Monday to Thursday. Some of her teachers were praising her improvement. Sinabi pang baka makapasok siya sa top ten. Sobrang saya matapos marinig iyon. Hindi naman niya hinangad na maging top, basta ay tumaas lang ang marka sa major subject.
"Hi, Sky. Tapos ka na ba sa assignment mo sa math?" Si Peter na kilalang pangalawa sa magagaling sa grade eleven.
"Oh, yeah. I still haven't answered the number four. Can you help me, Pete?"
Umusog siya para mapaupo ito. Lunch break noon at kasalukuyang kumakain kasama si Paige at Benny. Sinamantala niya iyon para magpaturo ng iba pang formula na hirap talaga siya.
"Nakuha mo na ba?" tanong nito nang ituro ang huli niyang tinanong.
Tumango siya at ginawa ang pinasasagutan sa kanilang assignment. Habang subsob ay kumunot ang noo niya sa malakas na sipa sa kanyang tuhod. Instinct told her to throw a dagger look to Paige. Nginuso nito ang malayong mesa nila Ken. Kitang-kita niya ang paninitig ng lalaki.
Napailing siya sa kaibigan. Hinarap niya si Peter. "Pete, thanks for helping me out."
Namula ang pisngi nito noong tumayo. Sa likod nito ay sumulpot si Drake.
"Hindi ko alam na ang preference mo sa lalaki ay ganito, Sky." Inakbayan nito si Peter. Inayos din nito ang kuwelyo ng kaklase.
"Drake, leave him alone."
Tinuwid-tuwid nito ang suot na puting polo ni Peter bago tinapik sa balikat. "Huwag ka matakot sa akin. Matakot ka roon sa varsity player na possessive kay Sky."
Nilingon ni Peter ang tinutukoy nito. Kumurap-kurap ito at nagmamadaling umalis. Tumawa nang malakas si Drake, si Thaysky naman ay iiling-iling.
"Alam mo Drake, gusto ka ni Chesca. Bakit hindi ang tao ang pansinin mo? Huwag na si Ulap."
Hindi ito pinansin ni Drake. Naupo ito sa tabi niya matapos ay bumulong, "Aminin mo sa akin, Sky. Iyong sumusundo sa'yo kada Biyernes ba ang boyfriend mo?"
Natigilan siya sa pag-inom. Nilingon niya ito.
Drake gave her a nasty grin. Guwapo ito at puno ng humor, kaso totoy talaga ang tingin niya rito kahit saang gawi tingnan. Ngumisi siya rito matapos ay nilingon si Ken. Nakatayo na ang lalaki. Tila ba kaunting pitik nalang ay lilipad ang tinidor na hawak nito patungo sa mukha ni Drake.
"He is my coach for the HBR, Drake," ganting bulong niya rito.
Tumawa ito. "Talaga, Sky? Kaya pala lagi kayong kumakain sa restaurant na kayong dalawa lang."
"Oy, Drake anong pinag-uusapan niyo?"
Nilingon niya si Paige. Dahil mahina ang boses nila ay hindi sila nito naririnig. Si Benny sa gilid ay ngumingiti lang, tila alam ang pinag-uusapan nila.
"Well, we are just human. Nagugutom... so." Halos umirap siya. Bakit ba siya nagpapaliwanag pa rito?
Muling tumawa si Drake. "Huwag ako, Sky. Palagi kitang tinitingnan. Alam ko kapag interesado ka sa hindi." Tinulak nito ang mesa patungo kila Paige bago tumayo. "Nakakita ka na ba ng mad ape, Sky? Just look at Ken." Walang anu-ano'y tumalikod ito at umalis.
Paige is kept on calling Drake. Nagagalit ito sa ginawa.
Hindi niya inubos ang pagkain niya. Ipinagkibit balikat niya ang nangyari. Ano kung makita siya ng lahat na kasama si Zedrick. Sa pagkakatanda niya ay behave siya sa mga panahong iyon. Isipin na nila ang kahit ano, wala siyang pakialam.
Biyernes ng umaga ay masigla siya. Maging ang iba niyang kaklase ay kakikitaan ng saya dahil huling araw ng toxic.
"Kilala mo 'yung pinipilit ko kay Drake 'di ba?"
Tumango siya kay Paige, dahil naitanong niya kung sino ang mga posibleng sasali sa audition na gaganapin sa susunod na buwan. Huminto siya nang makita ang paparating na kaklase ng kapatid niyang si Chesca. Balibalitang may gusto ito kay Drake. Pero hindi pinapansin ng lalaki kahit pa matangkad, balingkinitan ang katawan at may lahing espanyola kaya ang kutis ay malaporselana.
"Hi, Sky. Sasali ka raw sa audition," bati nito. Ngumiti bago tumingin sa mga kasama.
Hindi siya ngumiti. "Yeah. I will. Why?"
"Sasali rin ako. Si Zedrick Hetch pala ang nagtuturo sa'yo. Kamusta ang training?"
Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Nilingon niya si Paige na umismid.
"Buti hindi nagagalit si Dorothy? Selosa pa naman ang girlfriend noon," anang babaeng kasama ni Chesca.
"Sino may sabi? Excuse me, single ang kuya ko." Sabad ni Paige na hindi nakatakas sa boses ang iritasyon.
"Single ba? Shit, makuha nga ang number mamaya," parinig noong isa pang babae. Nagtawanan ang mga ito bago umalis.
Hindi niya iyon gaanong inintindi. Dumiretso sila sa banyo para makapagpalit. Patuloy ang putak ni Paige tungkol sa nangyari. Ayaw nito kay Chesca lalo sa mga kasama nitong impokrita. Talunin niya raw ito para mapahiya.
"Gagalingan ko, Amorsolo. Don't worry," pampalubag niya rito. Naghiwalay sila sa Kuwadra. Nakita niya roon si Kidlat kaya pinakain niya muna habang naghihintay. Pinagpawisan siya dahil sa labas pa siya kumukuha.
Gawain iyon ni Zedrick kapag nauuna ito. He transferred all the grass on the box. The committee will do the feeding. Sometimes the committee does all the chores even if Zedrick is in there.
Sumandal siya sa poste. Bumuga ng hangin nang mangalay ang braso sa ginawa. Sinulyapan niya ang relo sa bisig. Tumingin siya sa labas nang makarinig ng tawanan at kantiyawan. Where's Zedrick? Hinimas niya ang leeg ni Kidlat bago ito iniwan. Sumilip siya sa field.
Naabutan niya si Chesca na pinapalakpakan ng mga senior. Ang mga bagong grade eleven naman ay nasa gilid. Tahimik na nanonood. Tumango siya dahil magaling din ang babae. Her position is correct. Even her confidence when the horse jumped on the fence seemed very good.
Dumungaw siya sa parking space. Wala roon ang Wrangler ni Zedrick, ibig sabihin ay wala pa ito. Bumalik siya sa kuwadra at naisipan namang linisan ang kinalalagyan ni Kidlat. Pawis na pawis na siya. Nang isalin niya ang dumi nito sa lagayan ay saktong pumasok ang ilan sa kasali sa committee.
"Sky, anong ginagawa mo rito? Nasaan ang trainor mo?"
"Hindi ko alam. Hindi ba siya tumawag kay President?"
Nagkatinginan ang mga lalaki. Walang may nakakaalam. Kinabahan siya dahil doon. Sana lang ay walang nangyaring masama sa kanya.