Hindi ako magpapatalo. Baon niya iyon sa kaisipan ng suduin siya ni Caesar ng hapon na iyon. Pinabago niya ang obstacle chores kagaya ng sa huling tanda niya sa Australia. Nagpalagay siya ng long distance high jump fence. Iyon ang nakadali kay Tracy noon. Tunay na imposible at nakakanginig ng tuhod ang taas noon. Aniya ay hindi siya matatawag na Grand Prix Winner kapag hindi niya iyon nalagpasan. Patunayan niyang wala na siyang trauma. Patunayan niyang pinatawad niya na ang sarili sa masalimuot na nakaraan ng kanyang buhay.
Sa gilid ay kabado si Mae kasama ang tatlong anak na nanonood sa kanya. Naroon din ang mag-asawang matanda na sinubukan pa siyang pigilan dahil delikado. Pero walang nagawa ang mga ito noong tinalon nilang dalawa ni Kidlat ang halimaw na bakod. Ang singhap nila ay napalitan ng kaginhawaan at walang patid na saya.
Tomorrow I will change everything. I will win the audition and take the Grand Prix award. This is for you Dad, Mom, Ate, and Zedrick. No one can stop me from achieving my goal.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising. She took a thirty minutes run outside their mansion. She started it the moment Zedrick left her alone for the training. Kailangan niyang magpagaan para hindi mabigatan si Kidlat. May proper diet siya para tumibay at maging malakas ang katawan.
She's running out of the air when she stopped, eyeing the woman standing on their gate, fanning herself like a queen, while watching her coming through.
"Tumawag ang mommy mo. Suotin mo raw 'yung pinadala niya at mag-iingat ka," her Auntie Criselda.
She took the towel on the table. While drying her forehead and nape, she nodded her head. "Hindi po ba sila makakapanood?"
Saglit na natigilan ito, may bahid ng lungkot ang mga mata noong umiwas ng tingin. Nauunawaan niya naman. Sanay na siya pero gusto niyang isipin ang kabilang banda na baka surpresahin siya?
Humalik siya sa pisngi nito bago tumulak paakyat. She informed Axis about her audition. She will send the footage so she can watch her so called amazing comeback. Matapos ng kaunting pag-uusap ay naligo siya at naghanda na. Nagpasabi si Eury na susunod na lamang kaya nauna na sila.
Para siyang lumulutang sa sobrang kaba ng ibalita na full house at mayroon pang hindi nakakapasok. Hindi niya iyon inaasahan lalo pa't audition lamang ito. Hindi kasi ganito ang kuwento ni Paige noong audition nakaraang taon.
"Nariyan pala ang mga kamag-anak mo?"
"Yeah. Si daddy at mommy kasi sobrang proud sa akin," Chesca answered.
Hinila niya si Kidlat sa gilid upang lagpasan ang mga ito. May kung anong bigat ang biglang dumagan sa kanyang dibdib sa kaisipang sinusuportahan si Chesca ng magulang nito. Her parents invited their whole family because they believe on their daughter. Samantalang siya ay sumali upang makuha ang suporta ng magulang. She need to win so they can give their attention to her.
Hinaplos niya ang leeg ni Kidlat at tinitigan ito sa mga mata. We can do this, right? Ganitong-ganito siya noon. Lahat ng try-out niya ay walang umaagapay sa kanya kung hindi ang kaibigan lamang na si Tracy at magulang nito. How pathetic she was that she needed to borrow someone's attention to cheer her up. She can even hide those pain with a bright smile. Such a best actress.
"Ulap?"
She lazily looked with Paige and beamed a small laugh when she saw Benny and Zedrick's older brother, Joffrey. Hinila niya si Kidlat upang makalapit sa mga ito.
"Hi!" she greeted.
"So it was really you," Joffrey is obviously curious and shocked when he stared confusingly with Kidlat before her.
Saglit din siyang naguluhan pero nakabawi rin agad para tumango.
"Ang ganda mo sa suot mo, Sky. Pang championship," tukso ni Benny. Sa gilid nito si Joffrey na mangha rin, kalaunan ay parang nang-iinsulto ng may maaninaw na paparating.
Kasabay ng paggapang ng kakaibang kiliti sa kanyang batok ng maramdamang may pares ng matang nakatingin sa kanya. Kinikilabutan niyang hinaplos iyon.
Umalingawngaw ang tunog na senyales na magsisimula na ang audition.
"Magsisimula na yata. Hihintayin nalang namin ang paglabas mo." Paalam ni Paige na hinihila na si Benny. Sumunod dito si Joffrey na nangingiti na, walang paalam na umalis para sumunod sa pinsan.
"Caesar's family are with me. Gusto ka nilang mapanood."
Her heart jumped to the moon from Zedrick's sudden appearance. His husky yet sexy voice for goodness sake was very disturbing, unpleasant in a broad daylight as if he is making her regret to despise the purpose of night time.
"Oh, please. Don't do it again. I might die of heart attack," she joked. Pressing her palm at her chest.
The ruthless aura on his eyes shaded with his goofiness. "You're nervous... so I'm just trying to help."
"Who said that? I am not," she frowned.
Tinaasan siya nito ng kilay. Ang mga mata ay lumilingid sa buong mukha, braso at kamay. Nang may makita itong bad aid sa kanang kamay niya ay kumunot agad ang noo. "You over-trained and even done an unsafe stunts, Thaysky."
That's not a statement, it was an accusation. Naalala niya ang desperasyon niya ng hapong iyon. Natakot siya sa mga balita ni Paige. Ayaw niyang matalo kaya niya ginawa iyon.
He closed their distance and took her hand to take a look. Mula sa bulsa nito ay humugot ito ng panyo at inilagay sa kamay niya. "Huwag mo ng uulitin iyon. Paano kapag may nangyaring masama sa'yo?"
She pressed her lips against each other and looked up. She was very apologetic. "Pangako," sagot niya.
Zedrick took a long sighed. His thumb caressed her chin. "What do you think I'll do if something happened with you?"
Nanuyot ang lalamunan niya sa nakitang emosyon sa mga mata nito. Zedrick mostly hard to read, or his menacing eyes is enough to make her believe that he is angry. But right now is different. There's a window of emotion on his eyes that speaks to her heart. It's foreign and warm. "You will get mad," she mumbled.
Zedrick closed his eyes and shook his head.
"Then what you will do?" tanong niya.
Dumilat ito at tinitigan siyang maigi sa mga mata. "I don't know why you didn't know, Thaysky." Sumulyap ito sa labi niya bago nanatili sa kanyang naghihintay ng kasagutang mga mata. "Go back inside. Relax. Trust Kidlat. Trust yourself. I know you can win it."
Tulala siya habang pinapanood ang likuran ni Zedrick na unti-unting lumalayo. Ano ang hindi niya alam kung bakit hindi ko alam? She dropped all her disturbing thoughts when she heard her name. She is next to the current runner which is Chesca. Bago ito sumalang ay si Simon. Ang inaasahan niyang magaling na lalaki ay hindi nangyari. Huminto ang kabayo nito sa long jump gaya ng tatlo sa naunang dreamer.
Dumuble ang kalabog ng kanyang dibdib ng magpalakpakan ang manonood para kay Chesca. Ang suporta ng lahat ay umaalingawngaw sa kanyang pandinig noong pumasok siya sa box. Siya na ang sasalang. Napalitan ng kanyang pangalan ang kay Chesca. She shook her head when she can't hear anymore. Only the loud beat of her heart and her breathing. What's happening to me? Bahagya siyang umuklo para haplusin ang leeg ng kabayo. We have to work as one, Kidlat. We can do this!
Bumukas ang pinto kasabay nng mabilis na pagpalo niya kay Kidlat. Ang mabigat na yabag nito ang bumalot sa kanyang pandinig. Her whole view was focus on the road as she gripped tightly on the leash and followed her horse movement. She smoothly pulled the leash to give Kidlat the signal. Swabe itong lumiko at humanda sa pagtalon. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi ng malagpasan ang tatlong maliit na bakod. Sa dulo ay sinipat niya ang kinatatakutan ng lahat.
Kailangan nilang malagpasan iyon gaya ni Chesca.
She lifted her upper body and feel her horse speed. Nang matantsa niya kung saan ito tatalon ay doon siya humugot ng puwersa para sumabay. I trust you, Kidlat. The speed and impact from the landing made her wound on the finger swell. She winced in pain making her balance lose. But Kidlat is truly a genius horse. Kusa itong bumagal hanggang sa huminto.
She weakly smiled— hide her wounded hand and waved at the audience.
Tanghali na ng matapos ang audition at dineklarang siya ang napili. All her friends, batchmate, even Caesar's Family flocked around her. They were all smiling and proud as they yelled her name. Isa-isa niyang pinasalamatan ang mga ito bago pumasok sa loob. Kailangan siyang i-brief ng Grand Prix facilitator para sa upcoming event.
She took the briefing seriously. Kinuha niya ang numero noong lalaking magiging gabay niya. Kaedad ito ni Zedrick at nag-aaral sa kaparehas na eskuwelahan. Hinatid siya nito sa labas habang nagpapalitan ng numero.
"Alright, I'll note everything. Thanks, Silver." She waved at him and join Paige's group.
They are talking about Chesca's error. Nalaglag ang isa sa pole kahit pa nakalagpas ito.
Luminga siya ng makitang ang Auntie at ninong niya lang ang paalis. Eury, Simon, Joffrey, and Zedrick were out of her sight since the announcement.
Umuwi agad siya? Matamlay niyang sinulyapan si Bida na biglang sumulpot sa harap niya. Inaabot ang tatlong piraso ng sunflower. Pagod niya niyakap ang bata. Hindi na niya napigilan ang maiyak kaya sinubsob niya ang mukha sa leeg nito.
"Congratulations daw po, Ma'am Sky. Pinabibigay po ni Sir Zedrick," turan ni Bida.
Her back straightened at the thought of Zedrick might watching her from far. An instinct made her looked in the facilitator's group. Doon niya nakita ang binata na kausap ang dalawang babae pero ang buong atensyon ay sa kanya.
"So where we will celebrate this all?" Joffrey broke her reverie.
"Ulap, mamasyal tayo. Linggo naman bukas," suhestiyon ni Paige.
"Sama kami," sigaw ni Swanda. Sa likuran nito si Kailli at Eury na bumubuntot.
"Doon nalang tayo sa rest house," si Zedrick na biglang sumulpot sa kanyang gilid. Sa likod nito si Brandon na nagpresintang sagot na raw ang pagkain.
Nahihiya siyang ngumiti at tumango. Nawala lamang ng lingunin niya si Zedrick na buhat kanina ay hindi pa ngumingiti. What did she do this time?