BUMULUSOK siya sa kanyang kama at tinakpan ng unan ang mukha sa sobrang saya. Nagsisigaw siya sa kilig habang inaalala ang mainit at mapusok na halik ni Zedrick bago siya bumaba sa sasakyan kanina. She honestly lost herself from his addicting kiss. Kung hindi lang sa istorbong tawag ay baka saan na napunta ang halikan nila.
Napaupo siya sa kama at nilingon sa vanity mirror ang namumulang pisngi. Gosh, I'm so red. Binasa niya ang kanyang ibabang labi bago tumawa. Hindi siya makakatulog kapag ganitong para siyang lumaklak ng droga. She is hyperventilating from those heated moments. Bumaba siya sa kusina para uminom ng gatas. Kung kailangan ng dalawa o tatlong baso ay gagawin niya makatulog lang.
I am now officially his girlfriend!
Bitbit ang baso ng gatas ay lumabas siya sa dirty kitchen. Natigilan siya sa narinig na boses. Bihira man niya ito makita at makusap, hindi niya maipagkakailang si Brandon iyon na kausap ang kanyang kapatid. Hindi na siya tumuloy dahil ayaw niyang maabala ang mga ito. Pero sa isang iglap ay bumigat ang kanyang dibdib.
Eury is crying heavily and she is requesting Brandon to stop the arranged marriage.
Nahiga siya habang inaalala ang mga narinig, pero sa huli ay tinamaan siya ng antok. She is in conditioned when she wake up early morning through an alarm. She jogged for one hour. Nag-iwan din siya ng mensahe kay Zedrick para ipaalam ditong gising na siya at kung ano ang gagawin. Doon lamang siya sa kanilang backyard. Ilang beses na sinusulyapan si Simon na nagdidilig ng kanilang mga halaman.
Lately, she barely seen him talked with Eury. If they crossed path they would just ignore each other as if they had a contagious disease.
Hinihingal niyang hinintuan ito. "Mas magaling ka sa akin sa pangangabayo. Bakit hindi ka tumalon noong audition?"
Inaayos nito ang hose sa gilid. Nang matapos ay saka siya nito hinarap. "Sabihin na nating mas malaki ang benepisyo ng pagsasakripisyo ko."
He left her clueless and dumbfounded.
He doesn't has deep meaning, right?
Pumanhik siya sa loob at naabutang nag-aalmusal ang magulang at tiyahin. Bumati siya sa mga ito bago naupo sa nakagawiang upuan. Nagtataka niyang sinulyapan ang bakanteng upuan ng nakatatandang kapatid. Mas maagang nagigising sa kanya ang ate niya, kaya katakatakang tulog pa ito.
Sa sentrong upuan ay ang kanyang ama, sa kanan nito ay ang kanyang ina na katabi naman ang tiyahin niyang si Criselda. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa party mamaya.
"Kung ganoon. Ako nang bahala para sa Triple Celebration mamaya." Ang kanyang tiyahin na ngayon ay may tinatawagan na sa mobile nito.
Tumikhim ang kanyang ama kaya rito siya bumaling. Patay-malisya niyang inubos ang nasa plato bago inisang lagok ang orange juice. Her time was running. Humalik siya sa mga ito para makaakyat na. After resting for about twenty minutes, she took a bath. She let the water washed away her hindrances.
She's all set when she stepped down on the living room. Bihis na ang kanyang ama at ina, habang ang kaniyang Auntie Criselda ay susunod nalang. She understand why, aside the competition, today is Eury's eightieth birthday. And speaking of her sister, 'til now she didn't see her. Lumingon siya sa taas bago sa kanyang ina.
"Si ate po?"
"Nasa bayan anak, nagsusukat ng gown. Hindi ba pupunta rito si Zedrick?" Lumapit ito upang ayusin ang kanyang neckline.
Muntik siyang mabilaukan sa tanong nito. That was the first time she ask her a person, especially a man's name as if they know about her relationship with Zedrick. Though her Auntie Criselda allowed her to go out with him. But her parents who barely stay at home, does they know whom she's always with?
"Sa stadium na po kami magkikita. Member po kasi siya ng Olympic Association kaya medyo busy."
"Siya ang partner mo mamaya, hindi ba?"
"Yes, mom."
Hindi nagtagal ay tumulak na sila. She is calm and confident the whole ride, even when they reach the venue. But when she jumped out their car, her heart pounded crazily when she saw her opponents face on the big screen. They were all looked competent and virtuoso than her. She suddenly felt low and weak.
Nilingon niya ang kanyang amang may kinakausap ng matataas at kilalang tao.
Ginamit niya iyon para magpaalam sa ina. Doon siya dumiretso sa kuwadra kung saan nakalagay ang mga kabayo. Malayo palang ay naaninaw na niya si Caesar na kumakaway sa kanya. "Nasa loob si Boss naghihintay."
"Thanks, Caesar."
Pumasok siya at nahanap agad ang pigura ng nakatalikod na si Zedrick. He is caressing the horse neck when he glanced at her. "You okay?"
Nangilid ang kanyang mga luha, kaya para itago iyon ay huminga siya nang malalim bago tumingala.
Zedrick muttered a curse when her tears rolled down her cheeks. He immediately closed their distance and buried her to his chest.
Kinakabahan siyang baka maulit ang nangyari noon. That she will end up failing her father's expectation again. He'd given her a second chance. She shouldn't waste it.
Tiningala niya si Zedrick, ang mapupungay nitong mata ang nagpapalakas sa kanyang maging determinadong maipanalo ang laban. Kung ano ang nangyari noon ay parte nalang ng nakaraan. Ngayon ay maraming nagbago, may nawala pero may pumapalit. Mas higit pa sa inaasahan niya.
She leaned away with him to have a clearly view of his sexy worried face. "I'm okay now. Isa pa ngang mainit na yakap diyan. Samahan mo na rin ng pampaganang halik."