Chereads / The Scent of Savage / Chapter 29 - Majesty

Chapter 29 - Majesty

Nagpatuloy siya sa pag-aaral sa gabi ngunit home schooled. Sa umaga ay tumutulong siya sa itinayo nitong shop. She learned the basic and expound it to use as an extra income. That is how she lived, even, if there were times that she would dream about her sister. Kinukurot ang puso niya sa tuwing naiisip na nalalagutan ito ng hininga habang tinatawag ang kanyang pangalan. Ang galit sa kanyang puso ay patuloy na lumalago. Iyon ang naging sandigan niya para magpatuloy at makapaghiganti. Kahit may mga araw na sumusuko na ang kanyang lupang katawan at nagkakasakit.

It is really not easy to live the life independently. You will sacrifice your whim and old habit in order for you to focus on your goal.

Sumunod na taon ay muntik siyang hindi maka-graduate. Hindi naging madali ang pagsabayin ang trabaho sa pag-aaral. Madalas niyang nakatulugan ang lesson at nakakalimutan ang project. Pinatitigil siya ni Maggy sa part time, pero nahihiya siyang iasa ang kanyang expenses dito. Kahit ang pangsariling interes ba ay ihihingi niya rito?

For the next year, her body eventually adapted the hardship of her routine. Natanggap siyang junior assistant designer sa Swizz Agency kaya nagkaroon siya ng sapat na pera. Binalikan niya si Brandon. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan na si Charlie, na secretary ng kanyang amo at lihim na may talent sa hacking. Nalaman niya kung nasaan ang lalaki.

Lulan ng barko ay nilakbay niya ang Cebu.

Ang kapal ng mukha niyang magpakasal matapos ng ginawa niya sa kapatid ko!

Itinapat niya sa mismong stag party ng lalaki ang kanyang plano. Perpekto na sana ang lahat kung hindi lang sumulpot si Zedrick sa mismong lugar. She is on top of Brandon's body while holding a sharp knife on her hand. Pinainom niya ito nang pampatulog kaya walang malay at walang kalaban-laban.

"Sino ka?"

His familiar growled pushed her shaking knees to jump on the window of the yacht. She failed that day and expected to die on the big ocean. But the heaven was on her side. Napunta siya sa Leyte. Mag-asawang matanda ang tumulong sa kanya kaya nagawa niyang tawagan ang matalik na kaibigan.

"The fuck are you doing on that place, Sky? Seriously, Leyte?" reklamo ni Charlie habang minamasdan ang madilim at masikip na pinagtagping bahay na tinutuluyan ng dalawang matanda.

She is lazy when it comes to explanation. Charlie knew it well, so they end up drinking beer on the deck.

"This is your dad's yacht or yours?" she asked, tipsy and troubling about the quick interaction with her boyfriend.

"Nah, I used my money for my own whim. Duh! This is my brother's fucking place. Go check the beds here. There were lots of yucky condoms. I shouldn't be here." Charlie stick her tongue out. She even wacked her face like a bankrupt clown.

Tinungga niya ang hawak na bote. Ang pag-alis niya upang takasan ang mapagmanipulang ama, ay walang ipinagkaiba sa pagtalikod sa lalaking nagbigay kulay sa kanyang malungkot na buhay. Kung nagpakita kaya siya rito, ano kayang gagawin nito? Hindi manlang siya nagkaroon ng pagkakataong makita ang lalaki. Hindi niya inaasahang naroon ito, kahit pa walang dahilan para hindi ito magpunta. Kapatid nito ang ikakasal kaya tiyak na dadalo ito. Pero hindi sumagi sa isip niya ang katotohanang iyon.

"He is there," she murmured.

"Who?"

"Him."

Charlie fixed her thick eyeglasses. Ang buong pisngi nito ay namumula na. "Kaya ba nagpunta ka roon ay dahil naroon 'yang... kung sino man 'yang pontso pilato na 'yan?"

Patamad siyang tumango. Nag-iisip kung tama pa ba ang paghahabol niya kay Brandon. It was almost three years. The justice she been fighting was overdue.

Should I forget about it?

Pagod niyang hinilot ang kanyang sentido. Hindi niya puwedeng isawalang bahala ang ginawang kasamaan ni Brandon. Buhay ng kanyang mabuting kapatid ang nakataya sa gagawin, hindi siya matatahimik hangga't masaya ang lalaki habang siya ay nagtatago sa dilim. Bilog ang mundo para hindi mag-krus ang landas nila.

Sa ika-huling taon sa pag-aaral ay nagpaalam siyang babalik sa trabaho pagka-graduate. It was a very tough year for her. Her final thesis is not a joke subject. Her life will depend on it. She found herself reflecting on her old sister's passion when it comes to studying. Nangayayat siya dahil sa stress at pressure.

She graduated with a Latin of honors. They celebrated at the beach, as Maggy and Charlie's gift for her. Wearing a printed two pieces of bandeau swimsuit, she smiled at the breathtaking view of the blue ocean. It suddenly reminded her experience at Rios De Rima. Her sister's conservative swimsuit, Paige's craziness, and Zedrick's blackmailing gaze. If only she could turn back time.

Dahil sa palatak ni Charlie ay bumalik siya sa katotohanan. Sabay nilang nilingon ito ni Maggy.

"Para sa isang babaeng laman ng bar at may tattoo sa likod. Nakasungkit ng Latin Honor. Iba!"

Nilingon niya si Maggy nang tumawa ito. Ang maputi at basang hita nito ay kumikinang dahil sikat ng araw. "She strive real hard. And since she was young I saw her potential."

"Yeah. Yeah. So, are you going to kick Maggy on her position now?" baling ni Charlie sa kanya.

Mabilis siyang umiling. "Gusto kong maging gaya ni Alisa. Gusto kong magkaroon ng sariling Clothing line, na gawa sa sarili kong disenyo."

"Inipon ko ang disenyo mo. I'll make sure your dreams will become real. Maiba tayo, Sky. Napapansin ko si Denver. Palagi kang hinihintay noon mag-lunch. Kayo na ba?"

"What? No, Maggy."

Charlie on the side made face. "Guwapo 'yung Brandon, pero guwapo rin si Denver. Mas bata pa. Huwag ka na sa once in a blue moon kung ihandang putahe. Doon ka na sa isusubo nalang sa'yong pagkain."

"Hoy, Charlie. Porke't madalas tayong mang-abs hunting sa bar, ginaganito mo na ako. Hmmm... pag-iisipan ko."

Mula sa gilid ay ngumisi si Maggy, "Nasa wastong edad ka na, Sky. Ayaw kong iwan ka na nag-iisa. I want you to be happy."

Nawala ang pilyang ngisi sa kanyang labi. Sinundan niya nang tingin ang papalayong kinikilalang ina.

Sa anim na taong pagsasama nila, tumayo na itong ikatlong nanay niya. Mag-isa nalang ito sa buhay. Iniwan ng live-in partner dahil hindi magkaanak. Lame excuses but Maggy accepted her faith. After two months, isinugod ito sa hospital dahil naninikip ang dibdib. To find out that she had a stage four breast cancer. Matagal na iyong sumasakit pero tinago sa kanya. Sumunod pang tatlong buwan ng treatment ay sumuko na ito.

Tulala siya at hindi makausap. Charlie and Denver stayed on her side since then. On the day of the funeral, Maggy's lawyer approached her to give the last will. She doesn't want to accept it, but saying no is not an option. Sa huli ay tinanggap niya rin at binasa ang kalakip na mensahe.

When you came into my life I realize the reason why I don't have a child. Why I can't bear one. It is because my faith is to take care of you. You are more than a blessing to me. You showed me your shades of color. A white hope for me to fight to my disease. A cheerful yellow smile on your lips each time I feel down and helpless. You don't know that you are giving me a blue strong with those positive words. A red heart that showed of your genuine love and cares to me.

I wanted to live more, and see your boyfriend, getting married and bear a child. But I don't think I can't stay longer. I am afraid to leave you alone, Sky. My daughter, I once so you cried heavily. I am not your blood related but it hurts me seeing you sad. I had a simple dream, it is for you to find the right person who will love you because of your flaws. Who will stay with you because you are her world!

Parang pinunit ang kanyang puso dahil doon. Naging masagana ang luha sa kanyang mga mata habang minamassdan ang nilulubog ng nitso nito. Niyakap niya ang liham at nangakong gagawin niya ang gusto nito.

Naging blur ang nagdaang panibagong taon sa kanya. Basta natagpuan niya nalang ang sarili na nakaupo sa kanyang velvet swivel chair. Across her is a glass panel, for a visual contact on the ground floor— her team's multi-tasking work points furnished with an extension of different subsided rooms for facilities; stockrooms or informal meeting room. She nodded her head when her eyes found the impressive automatic sliding door, along with the matte color of the walls that complement the modern atmosphere.

Her eyes pinned on the glass that engraved her screenname.

Siya na ang isa sa kinikilalang sikat na main designer ng Swizz Corporation. Nagbago siya ng imahe. Color is her thing. She always used wigs with different shades to fit in her daily fashion taste. Simplicity wasn't her genre, splendid plus elegant was her real deal. They called her...

"Majesty!"