Chereads / The Scent of Savage / Chapter 20 - Pure heart

Chapter 20 - Pure heart

Nagkatinginan ang mga lalaki. Walang may nakakaalam. Kinabahan siya dahil doon. Sana lang ay walang nangyaring masama sa kanya. Naiinis din siya sa sarili kung bakit hindi niya kinuha ang number nito. Tinapos niya ang ginagawa at dumiretso sa field kung saan naroroon ang Presidente ng club. Kahit malayo pa siya ay napatayo sa kinauupuan ang bakla. "Bakit narito ka pa girl?"

"Pres, tumawag ba sa'yo si Zedrick? Wala pa kasi siya."

"Ay, wala. Teka... tatawagan ko."

Naghintay siya sa gilid. Nakailang subok sila pero hindi sinasagot ang tawag. Lumamig ang tiyan niya dahil doon. Inaya siya ni Paige na doon muna sa field mag-ensayo. Sumang-ayon siya sa pag-aakalang baka may inasikaso lang si Zedrick at mahuhuli ang dating.

Na-entertain siya nang magpasikat si Chesca at iba pang sasali sa audition. Masasabi niyang lahat ay may ibubuga. Walang-wala sa mga ito ang pagtalon sa maliit na fences. Pumapalakpak ang iba at tumatawa sa pagkamangha. Sumasali siya sa kantiyawan pero hindi na siya makangiti noong makita na umuuwi na ang iba. Nag-aaya na si Paige na umuwi, pero pinauna niya na ito. Gusto niyang maghintay ng kaunti pa, wala pa naman ang sundo niya.

Sinipa niya ang bato patungong semento. Doon lang siya nakatingin nang maghintuan ang grupo nila Chesca. "Wala ka yatang training ngayon, Sky?"

Hindi siya sumagot. Ano bang dapat na sagot sa tanong na obvious ang sagot?

Tumawa 'yung babaeng natatandaan niyang nagsabi na kukuhain ang numero ni Zedrick. Mapanghamak siyang tinitigan nito mula ulo hanggang paa.

"Baka may date sila ni Dorothy. Biyernes ngayon, magandang araw para makita ang taong mahal mo." Humagalpak ito na sinalihan nila Chesca at iba pa.

"Sabay ka na sa amin, Sky," alok noong isa sa mga lalaki.

"Gago. Patay kayo kay Drake kapag kinaling niyo 'yan."

"Tss."

Naninikip ang dibdib niya kaya tumalikod siya sa mga ito. Lumalamig ang sikmura niya kapag naririnig ang pangalang Dorothy. Sa nakatatandang kapatid ni Zedrick niya ito narinig. It means my hunch is true! Why would I even think that he will like me? Hilaw siyang natawa nang matanaw ang sundo. Isa lang siyang paslit sa paningin nito. Nangingilid na ang luha niya nang sumakay. Nagpanggap nalang siyang tulog para hindi na siya tanungin ng driver kung nasaan ang dapat na maghahatid sa kanya.

Walang imik siya kahit nang makauwi. Iniisip niya ang lakad bukas. Mukhang hindi na iyon matutuloy dahil ngayon ay wala ng pakialam sa kanya ang lalaki. Hanggang hapagkainan ay wala siyang gana. Sumubo lamang siya ng kaunti bago nagpasyang tumayo at bumalik sa kuwarto. Sabay sila ni Eury na ganoon kaya walang nasabi ang Auntie nila.

Isang mabigat na hininga ang pinawalan niya nang makita ang nakahandang bag para sa lakad niya bukas. Nakakatawang isipin na habang inaayos niya iyon ay walang paglagyan ang saya niya. Ngayon naman ay ibabalik niya iyon sa mabigat na dibdib.

Maybe Dorothy's company is way better than me. Sino nga naman ako? Lumingon siya sa pinto noong may kumatok doon. "Come in," sigaw niya.

Nahihiyang dumungaw mula roon ang pinakabatang kasambahay nila. "Ma'am Sky, may naghahanap po sa'yo sa labas. Caesar daw."

Nagmadali siyang bumaba at hinarap ang lalaki.

"Nagkaroon ng aksidente ang isa delivery truck namin kaya inasikaso ni Boss. Nakakapagtaka nga, e. Pinilit niyang matapos ang delivery ngayon kahit alanganin. Kailangan daw ay bakante siya bukas. Okay lang naman sana. Makakabalik siya ng alas singko, kaso nangyari ang aksidente," mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Okay lang ba siya?"

"Opo, ma'am. Hindi kasi nagpaabsuwelto 'yung tricycle noong ako ang humarap. Kaya naroon pa sa presinto si Boss para subukang makiusap. Ang tagal nga po, e. Buti walang napuruhan. Sasakyan lang ang nasira. Pinapunta po ako ni Boss dito para tiyaking alam niyo ang nangyari sa kanya, kasi sabi niya baka naghihintay ka pa sa school niyo. Nagtanong ako sa guard doon, ang sabi wala ng tao sa loob."

Ang tampo niya kani-kanina lang ay napalitan ng pag-aalala. Hindi rin nakatakas sa kanyang labi ang ngiti dahil pinilit ni Zedrick na mabakante bukas. Kung hindi sana siya bibisita, hindi mapapaaga ang delivery. Walang aksidenteng mangyayari tulad ng nangyari ngayon.

"Gusto mo bang tumulong ako kay Zedrick? My mom is a lawyer. You know we can do something," aniya.

"Huwag na, ma'am. Oo nga pala pinapakuha ni Sir ang numero niya."

Matapos niyang ibigay ang kanyang number ay umalis din agad ang lalaki. Hindi siya mapakali nang makabalik sa kuwarto. Pinaalala pa niya sa tiyahin ang tungkol sa lakad niya. Pumayag naman kaya halos mapunit ang labi niya sa kakangiti.

Kasalukuyan niyang ginagawa ang assignment nang tumunog ang cellphone niya. She saw an unknown number. Maybe it was him. She swiped to answer the call.

"Hello, Thaysky." His husky voice made her whole body shivered. Even his voice is good on the phone! She imagined Zedrick on the phone while lying on his bed, shirtless, his hard muscle from the free arms flexed when he leaned his head on it. Gosh! Inilayo niya ang cellphone at napabuga ng hangin. Pinaypayan niya rin ang sarili gamit ng kamay.

"Hello?"

"Hello, yes it's me. Caesar told me everything. Are you alright?" She can hear his heavy breathing. He must be very tired.

"Yeah. My driver is not at fault... so everything is settled now. I heard from Paige that you waited for me. I'm sorry—"

"No, it's fine. Mainam na rin 'yon dahil nakilala ko ang mga sasali sa audition. Ang gagaling nila." Tumawa siya. "Pero hindi ako magpapatalo. Magaling kaya ang Trainor ko."

Muli itong huminga ng malalim. "Take some rest. I'll pick you up tomorrow around eight."

"Okay. Ikaw din... Good night, Baby boy." Nilayo niya ang cellphone para pigilan ang kilig. She is expecting him to end the call but when she checked it, the call is still running. Dinikit niya iyon sa tainga at pinakinggan ang nasa kabilang linya. "Zedrick?"

"See you tomorrow, Thaysky."

Pagkamatay ng tawag ay muli siyang ngumiti. Agad niyang hinarap ang assignment. Kailangan niyang matapos ang lahat ng iyon sa gayon bukas ay wala na siyang aalahanin pa. Natagalan siya sa Math kaya pasado alas onse na siya nakatulog. Kahit late ay maaga siyang nagising dahil sa alarm. Naligo agad siya para bumaba. Ginambala niya ang cook nila para magtanong. Binalikan niya ang proseso ng pagluluto ng adobong manok. She listen carefully with the time frame. Doon kasi siya nalilito.

"Salamat po, Manang."

Naabutan niya si Simon na kumuha ng loft bread. Sinulyapan siya nito ng ilang beses. Napaka-aga kasi niya nagising. Tulog pa ang Auntie niya kaya tinaasan niya ito ng kilay bago umakyat. Saktong pagpasok niya ay ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Eury.

"Good morning, sis," bati niya mula sa loob ng kuwarto.

"Good morning, Sky!"

Habang sinusuot ang kanyang bagong boots ay sinulyapan niya ang sumilip na kapatid.

"Saan ka pupunta?"

"Diyan lang."

"Susunduin ka ni Zedrick?"

Nginisihan niya ito. Kung ito ay walang maitatago sa kanya, tiyak na ganoon din siya rito. "Pupunta ako sa rest house nila. Gusto ko rin makita ang school niya." Nagulat siya nang lumapit ito at tinulungan siyang suotin ang boots.

"Do you like him, Sky?" Hindi siya tiningnan nito.

Pinanood niya ang ginagawa nitong pagtanggal ng dumi sa boots niya. "He is brute at first. So hard to please and always looking ruthless. But I found out that I was wrong. He helped me with my training. I'm not his responsibility but he patiently taught me. He gave me his time even if he needs to study. Behind those unfriendly eyes is a generous guy."

Tumigil ang kapatid niya sa ginagawa at tumitig sa kanya.

"I like him," she confessed.

"How 'bout Ken?"

Natigilan siya. "Did he open up with you?"

Tumango ito kaya kumalabog ang dibdib niya. "He is nice. A very good looking guy. Sporty and tall. But I don't like him. I can't push myself with the person I haven't feeling," she said.

Sabay silang lumingon sa bukas na pinto nang sumulpot doon ang isa sa kasambahay.

"Ano po 'yon?" tanong ni Eury.

"Nasa baba na po si Sir Zedrick, Ma'am Thaysky."

Napatingin siya sa kapatid niya. Ngumiti sa kanya ito bago tumango.

Kinuha niya ang kanyang bag sa gilid. Hinatid siya ni Eury hanggang hagdan. Kumaway siya rito saglit bago tumakbo palabas. Naabutan niya si Zedrick na patamad na nakasandal sa Wrangler nito. He is on his Sando that revealed his massive shoulder and arms. Paired with jeans that were lazily hang on his waist. And a sleeper that showed his clean bare feet.

Buong ngiti siyang lumapit dito. "Good morning."

Tumayo ito ng matuwid. Gumanti ng ngiti pero nang magawi sa kasuotan niya ang atensyon ay agad nangunot ang noo. "You will go to my school wearing that ragged shorts, Thaysky?"

Tiningnan niya ang sarili. Patay malisyang tumango. "Let's go?"

His jaw clenched. Sinusundan siya ng tingin na dumiretso na ng sakay sa shotgun seat. Umikot ito para makasakay sa driver side. Isang sulyap sa puson niyang hantad ay pinaandar na ang sasakyan.

"Are we going to the school first or your rest house?" tanong niya.

"No. We'll drop by on the farm to get some corn."

Tumango siya. Hindi na ulit nagsalita dahil mukhang galit na naman ito sa kanya. May dinaanan na namang short cut ito kaya mabilis silang nakarating sa farm. She met Caesar's mother and father. Matatanda na ito pero sa edad nila ay nagkakayod pa ng buto. May kapatid si Caesar na babae. Si Mae. Nabuntis ito ng boyfriend nito pero hindi pinanindigan. Triplets ang anak niya na puro babae. Natatandaan niya 'yung mga batang nagtatakbuhan sa bundok ng dayami. Sila ang tatlong bata na iyon.

Naglagay ng walong kahon ng mais sa Wrangler bago sila umalis.

Hindi niya inaalis ang titig kay Mae kahit papalayo na ang sasakyan. Hindi niya alam kung paano titimbangin ang karanasan nito. Mae loved the father of her child with all her might. She trusted him her heart yet the asshole left Mae when he is done with her. The kids will grow up without a father.

"What are you thinking?"

Gulat niyang nilingon si Zedrick. "Siblings of Mae." Iniisip niya kung sino ang mas kawawa sa kanila. Siya na may ama nga pero hindi nakaramdam ng pagmamahal nito o ang mga batang walang ama dahil tinakasan ang responsibilidad?

Seryoso ito habang nakatingin sa daan. Mabilis siyang sinulyapan. "What about the kids?"

I think both. Because no matter what, we need the equal love from our parents. There is no competence or label. It should be balanced. They are obliged to love their children because they are their blood. A Heaven's gift for them.

Ngumiti siya at umiling. "They are cute. Maybe one of this days I will ask our driver to give them our old clothes. Ang dami naming nakaliitang damit ni ate sa bodega."

The journey took them almost two hours. Dumaan sila sa kabilang baryo kung saan ramdam niyang salat sa pera. Ang ilan sa inaani sa farm ni Zedrick ay dinadala nito mismo sa lugar na iyon. May katulong si Zedrick na nakatira roon. Sila ang nagpapamigay ng mais.

Nilingon niya ang batang lalaki na lumapit kay Zedrick. Tinuro siya nito kaya may ideya na siya kung sino ang pinag-uusapan. Tumawa si Zedrick sa sinabi ng bata. Kinalaunan ay lumapit sa kanya. "Ate, boyfriend niyo po ba si Sir. Zedrick?"

Natawa siya. "Tanungin mo siya kung ano niya ako."

Nagkamot ito ng batok. "Ano ba 'yan! Ganyan din ang sabi niya."

Ngumisi siya at hinagilap kung nasaan si Zedrick. Nakita niya itong inaabutan ng mais ang matandang nahihirapan ng makalakad.

Hindi niya mapigilang mamangha pa lalo rito. Tunay na hindi sa mukha binabase ang kalooban ng isang tao. Mukha mang matigas pa sa bato ang puso nito, sa totoo lang ay malambot pa sa tinapay ang kalooban.

Ngumiti siya at tumulong. Pawis na pawis siya nang maubos ang lahat ng kahon. Nagulat pa siya ng may dumating na isa pang truck. Lulan iyon ni Caesar. Bitbit naman nito ay ilang groceries.

"Boss, pasensiya na. Lumakad na po kayo ni Ma'am ako na pong bahala rito."

Lumakad na rin sila ni Zedrick. Ilang liko at ahon sa pataas na daan ay narating nila ang rest house na tinutukoy nito.

She was speechless with the custom landscape structure of the house. Dalawang palapag ang bahay. Simple ang struktura pero makabago na kinulayan ng puti at berde. May malawak na bakuran ngunit paibaba. Golf course ang dating dahil sa nilatag na vermuda grass. Kung papunta ka naman sa bahay ay paitaas. Sa kanan ng bahay ay ang infinity pool na ipinantay sa unang palapag ng bahay.

Bumalik siya sa kay Zedrick ng marinig ang pagbukas ng pinto. May hawak itong t-shirt at halatang nakaligo na dahil sa suot na khaki short at v-neck white t-shirt.

"Change your clothes, Thaysky. Pagkababa mo ay kakain tayo."

Bumagsak ang balikat niya dahil gusto pa naman niyang siya ang magluluto. Kinuha niya ang t-shirt. "Ikaw ang nagluto?"

"Yes, why?"

"Sa susunod ako naman, ha? Nag-aral pa naman ako para ipagluto ka." Malamig niyang iniwan ito at pumasok sa loob. Mid-way she stopped when she realize she didn't know where is the bathroom. Mula sa bintana ay nakita niyang umikot ito patungo sa pool. Umangat ang gilid ng labi niya sa naisip na ideya. Mabilis siyang lumabas at sinundan ito sa infinity pool. "Dito nalang ako maliligo sa pool."

Isang angat lang ay natanggal niya na ang pang-itaas. Habang tinatanggal ang zipper ng ragged shorts ay sinulyapan niya ang tila natuod na si Zedrick. "What?" inosente niyang tanong.

Hindi siya sinagot niya kaya ngumisi na lamang siya at tuluyang tinanggal ang shorts. Matapos ayusin ang damit at cellphone sa gilid ay walang anu-anoy lumusong siya sa tubig at sumisid. It's so refreshing. She remembered her freedom days.

Umahon siya. Hinahanap si Zedrick. Nakita niya itong inaayos ang mesa sa tabi ng dalawang sun lounger.

Sumisid siya pabalik sa pinaglagyan ng damit upang kuhanin ang kanyang cellphone. Lumapit kung saan ito naroroon para makuhaan ng video ng hindi alam. Halos humaba ang leeg niya, makita lang ang pamilyar na pagkain. That was Bucatini Pasta with in a creamy white sauce with Chicken? Her eyes stayed on the bottle of wine that is arranged squarely on the wine glass.

Humalumbaba siya sa gilid ng pool habang tinitingnan mula sa video si Zedrick. His back was facing her. So cocky while folding the napkin on the side of the plate. His outfit today is simple yet looking perfect boyfriend material. A sweet one.

She turned off the video to enjoy his view. "You know that pasta is my favorite," she mumbled.

Nilingon siya nito ng may matamis na ngiti sa labi.

Umawang ang kanyang mga labi sa pagkamangha. Wala bang dahilan para ma-turn off siya sa lalaking ito? Kahit nga yata madungis o busangot ang mukha nito ay mananatiling guwapo. He is naturally handsome on his own. And having a pure heart.