Chereads / The Healing Angel / Chapter 24 - ANG PLANO NG LANGIT

Chapter 24 - ANG PLANO NG LANGIT

Na sa SM Manila ngayon sila Faye at Raphael. Walang imikan lalo na si Faye na nakasimangot ang mukha sa kasama. Si Raphael naman ay sinusubukan siyang kausapin pero sadyang matigas ang dalaga.

"Faye, kanina mo pa ko hindi kinakausap, magsalita ka naman. Galit ka ba?" ani ni Raphael.

"HINDI! Shh. Ate Faye okay? mas matanda ako sayo okay. Ah oo nga pala angel kunno ka nga pala."

"Hindi nako isang ganap na anghel, hindi ko na rin nga alam kung nasaan ang mga kasama ko at kung ano pa ang ginagawa ko rito sa mundo niyo." paliwanag.

"Nevermind! Tsk! Hindi ko tinanong." habang tumitirik ang mata.

Hinawakan niya sa kamay si Faye, hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya, basta ito yung nakikita niyang ginagawa ng isang lalaki kapag nag-aaway sila ng jowa niya. Pero sandali, hindi naman sila mag-jowa. Dibale mas mabuti na yung sumubok kesa sa wala.

Sa bahay ampunan ay hindi magkamayaw ang mga bata, iyakan sila nang iyakan dahil hindi dumating ang kanilang Kuya Raphael at Ate Faye.

"Sa-sabi niyo susunod sila ? Si-sinungaling kayo! bad yon a-alam niyo ba yon? Liar!" pagmumukmok ni Thea na walang bago sakanyang pag-iyak.

Pinapakalma naman siya ng kanyang Kuya Macmac na may matatag na loob. Hinahawakan nito ang kanyang ulo at pinupunasan ang mga luha.

"Tahan na Thea, bibigyan na lang kita ng laruan, yung paborito mong barbie." sambit ni Macmac.

"Talaga kuya?" tanong ni Thea.

"Oo naman. Si Kuya Raphael ang nagsabi sakin na bumili na siya ngayon ng mga laruan natin!" masayang sagot nito na ikinatuwa ng lahat.

Maya-maya pa ay dumating na nga si Raphael kasama si Faye na may mga bitbit na laruan.

"Oh bakit umiiyak na naman po ang magandang dalaga diyan?" bungad ni Teacher Faye dala ang mga pinamili nila para sa mga bata. Nanonood ng cartoons ang mga bata nang biglang sumingit ang flash news. Laman ng balita si Raphael at naka-blurred naman si Faye.

"Diba Teacher Faye kayo po yon?" turo ni Macmac sa babaeng naka-blurred ang mukha kasama si Raphael.

"Teka, tama ka Macmac ako nga! Buti na lang naka-blurred kapag nalaman ng mga co-teachers ko yan aasarin ako non, mga issue pa naman sila hays." nakangiti nitong sabi.

"Eh ano naman kung hindi yan naka-blurred? Hindi naman kayo magjowa para mag-isip ka ng ganyan. Mukha ka ngang alalay." ani ni Jennie habang nakatawa.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo kapatid, sa ganda kong to."

"Wag ka nang magdahilan." bulong nito sa ate niya dahil alam niyang may something na sakanila ni Raphael.

Napuno naman ng ingay ang labas ng bahay ampunan dahil nagkumpulan ang media sa labas bitbit ang sandamakmak na regalo. Mga talent agency, mga ospital na gustong kuhanin na doctor si Raphael at mga nakiki-usyoso lang.

"Iba talaga nagagawa ng gwapo." sambit ni Kuya Maki.

"Sinabi mo pa, kung ikaw siguro ang doctor dadaan ka lang sa balita, panget ka eh!" pang-aasar ni Ton.

Pinapasok muna ni Raphael ang mga bata sa kwarto kasama ang mga babae. Ang lalabas lang ay ang team niya para kausapin ang media.

"Sir, ano pong masasabi niyo na sikat na po kayo ngayon?"

"Ang mahalaga lang naman sakin ligtas yung matanda." sagot ni Raphael.

"Sir, totoo po bang hindi raw kayo isang rehistradong doktor, pano ho yon? Pano niyo nagamot yung matanda?"

"Hahayaan ko ba na mamatay na lang yung matanda? Nakikita naman siya ng maraming tao pero walang nais tumulong, hindi ko kayang tumunganga."

"Sir, sa ginawa niyo po maaaring makulong kayo dahil sa batas, ano pong masasabi niyo?"

"Bahala na ang batas diyan, hindi naman tayo pababayaan ng Panginoon."

"Sir, marami raw hong nag-aalok sa inyo na mag-artista na lang dahil nga ho sa itsura niyo, anong masasabi niyo?"

"Ahmm. Wala akong balak sorry."

"Sir, meron ding mga hospital diba? pano yan? wala naman kayong lisensya pero pinuputakti kayo ng mga offer ng iba't-ibang ospital."

"Hindi ko pa po iniisip ang mga bagay na yan sa ngayon."

"May mga nagtatanong po kung ano raw ang dati niyong trabaho at bakit maalam kayo sa medisina?"

"K-kasi...Kung wala na kayong tanong mauuna na kami--"

"Sir, totoo po bang nobya niyo yung babae na kasama niyo sa picture?" tinuro nito ang larawan nila ni Faye na naka-blurred ang mukha." Marami po kasing nagtatanong kung single pa kayo at ready to mingle."

"No comment. Paalam po." huling sagot ni Raphael bago sila pumasok sa loob ng ampunan ng kanyang team.

Sa silid ay nag-usap-usap ang tatlo sa hakbang na gagawin nila ngayong sikat na sikat na si Raphael. Dito nabanggit ni Raphael na plano niyang pumasok sa isang ospital kasama ang kanyang team para masustentuhan ng mas maayos ang mga bata sa hindi illegal na paraan.

Hindi rin alam ni Raphael kung ano ang plano ng langit sakanya. Kung bakit siya andito sa mundo ng tao at nakikihalubilo. Ang alam lang niya sa ngayon ay gamitin ang kakayahan niya sa mabuting paraan. Pero tunay nga bang nagugustuhan na rin niya ang mabuhay sa mundong ito na nakararamdam siya ng sakit, gutom at pagmamahal.

Taimtim siyang yumuko at nanalangin sa Ama na gabayan siya sa kung ano ang plano nito sakanya.