MABILIS na naabutan ni Raphael sila Faye. Sakay ang kanyang kotse ay bumaba ito para kumustahin sila lalo na ang mga bata.
"Okay lang ba kayo mga bata?"
"OPOOOOO!" sagot nila.
"Lilipat muna kayo sa sasakyan ko ah. Ayos ba yon?" at mabilis na kumaripas ang mga bata patungo sa sasakyan niya. Iniabot din niya ang susi kay Kuya Maki.
"Eh pano ka?" tanong ni Kuya Maki.
"Mag-grab na lang ako." sambit ng binata.
"Mahirap sumakay ngayon Kuys, maraming tao, wala ngang available na driver sa grab oh." paliwanag ni Ton habang nakatingin sakanyang laptop.
"Hmm. Hindi bale basta paunahin niyo na ang mga bata." nakangiti nitong sabi.
"Puno na rin yung sasakyan kailangan may maiwan na isa. Ton samahan mo na lang si Raphael--"
"Ehem. Kami na lang ang magco-commute." singit ni Teacher Faye kay Kuya Maki.
"Maam nakakahiya naman po--"
"Hindi ako na lang ate!" ani ni Jennie.
Naguguluhan na sila kung sino ang maiiwanan kaya naman dali-daling hinawakan ni Raphael ang kamay ni Teacher Faye patungo sa abangan ng mga sasakyan. Ang totoo nito ay dahil si Faye ang na sa tabi niya at mabilis siyang mag-desisyon.
"Kailangan ko ng tour guide baka maligaw pako." sambit nito habang naglalakad papalayo sa mga kasama. Kaya naman nauna na sila Kuya Maki habang nakabusangot ang mukha ni Jennie.
'"Aray! Kung maka-kaladkad ka naman ano ko jowa mo uy?" sabi ni Faye habang hinahampas-hampas ang balikat ng kasama.
"Hindi. No choice lang ako na ikaw ang kasama ko. Si Maki mag dadrive, si Ton mahina resistensya non, yung kapatid mo ba yon? masyadong maganda ayoko ng ganon, mapa-away pa kami sa daan."
"Ah so ganon pangit ako? Yung kamay ko bitiwan mo nga!" ani ni Faye.
"Kung makareklamo, pasmado nga yung kamay mo oh!" pinakita ni Raphael ang kamay niya na basang-basa kaya agad na tumahimik si Faye.
"Ok."
"Badtrip naman bakit wala tayong masakyan!" galit na sabi ni Raphael habang pumapara ng mga sasakyan. Ilang sandali pa ay may humintong magandang sasakyan. JACKPOT!
Pagbukas ng bintana ay bumungad sakanila ang matandang driver. Nakangiti ito sakanila.
"Ser, saan ho kayo?"
"Lolo, kaya niyo po bang maghatid hanggang Manila Zoo?" tanong ni Faye
"Oo naman iha, lika sumakay na kayo." yaya ni Lolo habang binubuksan ng mabagal ang pintuan ng kanyang kotse. Tumalikod ang dalawa at binulungan ni Raphael si Faye.
"Ano ka ba! Sa tingin mo ba makaka-drive ng maayos yan?" sambit ng binata.
"Bukod kay Lolo may iba pa bang masasakyan? Wala na diba? Wag ng matigas ang ulo, etong bata na to!" hinatak niya si Raphael paloob sa sasakyan.
"Lo pasakay!" ani ni Faye.
Magkalayo ang upo ng dalawa.
"Noong araw kapag nag-aaway kami ng asawa ko, sinusuyo ko kaagad..." sambit ni Lolo.
"Lo, hindi ko to asawa, tsaka wala na bang mas ibibilis to?" tanong ni Raphael dahil binubusinahan na sila ng mga katabing sasakyan sa sobrang bagal ng maneho ni Lolo.
"Anubayan napakabagal!"
"Sino bang driver niyan!?"
"Maghintay ka na nga lang diyan dami mo sinasabi! Wag mo na lang pansinin yung mga reklamador na yan..." sabi ni Faye sabay irap.
"Paano akong hindi mag-iingay eh pagdating natin sa zoo pauwi na sila!" pasigaw na sabi ni Raphael.
Makalipas ang kalahating oras ay halos di sila umuusog, mabagal talagang mag-drive si Lolo sa isip-isip ni Faye. Nagdesisyon na bumaba na lang sila at maglakad, grabe rin kasi ang traffic ngayong araw.
"Maglakad na lang tayo, di ka naman maarte diba?" tanong ni Faye kay Raphael.
"Walang problema maam." sagot nito.
Malayo-layo na rin ang nalalakad nila. Malapit na rin naman sila sa Manila Zoo. Kaya nga lang, ay masakit na ang paa ni Faye at hindi na nito kayang maglakad.
"Aray!" natapilok si Faye sa isang bato at bumagsak, may sugat siya sa kanyang tuhod ngayon.
"Okay ka lang?"
"Mukha bang okay to? ah aray!" sambit ni Faye habang nakahawak sa kanyang sugat.
"Kailangang linisan to, hintayin mo lang ako dito ah." sabi ni Raphael na agad namang pinigilan ni Faye. Takot si Faye na makakita ng mga sugat.
"Sandali! Wag mo kong iwan." mahigpit ang kapit nito sa may kaliwang paa ni Raphael. Takot na takot ito at nakapikit lang.
"Shhh. Okay lang yan. Maliit lang to, pumikit ka lang muna." maya-maya pa ay nilapat ni Raphael ang kanyang kamay sa tuhod ng dalaga. Gamit ang kanyang panyo ay tinalian niya ito para tumigil ang pagdurugo. Huminto na rin ang kirot na nararamdaman ni Faye.
"Ayan dumilat ka na maam, yung kamay niyo po." ani ni Raphael dahil nakakapit na sa kanyang braso si Faye.
"Sorry." sagot nito habang namumula ang mukha. "Nawala na yung kirot salamat ng marami."
"Kaya mo bang maglakad?" at umiling lang si Faye kaya naman umupo si Raphael.
"Sumakay ka na, bubuhatin na lang kita, basta ba may pambayad ka ng pamasahe." sambit ni Raphael habang nakatawa.
"Tsk. Wag na maglalakad na lang ako aray--" hinarang siya ni Raphael at binuhat na lang ito na parang ikakasal.
"Hoy! ibaba mo nga ako, pinagtitinginan tayo ng mga tao oh."
"Ano ka ba? mas gugustuhin mo yon kesa maubusan ng dugo? at isa pa hindi ka makakalakad." ngunit tama nga si Faye dahil sakanila nabaling ang atensyon ng mga tao. Marami ang kinikilig at kumukuha ng larawan kaya naman kinuha ni Raphael ang kanyang cap at inilagay ito sa mukha ni Teacher Faye.
Parang pelikula lang ang lakad ni Raphael, diretsong-diretso na parang hindi napapagod sakanyang buhat.
"Hindi ka ba nabibigatan sakin?" tanong ni Teacher Faye.
"Hindi."
"Magaan naman ako diba?"
"Oo. Teka lang. Bakit ba puro ganyan lagi tanong ng babae ? Eh wala naman akong pakialam kahit na doble bigat mo." paliwanag nito.
"Weh? As in okay lang sayo kahit mataba ganon?"
"Hindi ka naman mataba okay. Maganda yung katawan mo." nadulas si Raphael kaya nahampas siya ng kamay sa balikat.
"Bastos!"
"Ouch! bakit ka nanampal?"
"Ikaw kasi!"
"Eh kasi nagtanong ka, sinagot lang kita."
"Nyenye. Malapit na ba tayo?" tanong ni Faye na nagpababa muna kay Raphael.
"Para kang bata..." bulong ni Raphael
"May sinasabi ka?"
"Wala! Palibhasa kasi puro bata tinuturuan." pabulong nitong sabi.