Chereads / Matakot Ka! / Chapter 4 - "Bisita"

Chapter 4 - "Bisita"

Hindi alam ni Miriam ang nangyayari ngayon sa sala. Hindi niya alam kung ano ngayon ang ginagawa ng iniwan niyang kaibigan. Ni hindi niya ito matawag tawag o mabigkas man lamang ang pangalan nito sa kanyang mga labi. Hindi na alam ni Miriam ang kanyang gagawin. Biglang naubos ang lakas niya nang malaman niya ang balita. Hindi na mapakali si Miriam nang biglang....

Regina: Miriam? Friend? Andyan ka pa ba? Okay ka lang ba dyan?

Naiiyak na sa sobrang takot si Miriam. Hindi niya alam ang isasagot sa kaibigan.

Regina: Miriam? Baka kung ano na ang nangyayari sayo diyan ha. Gusto mo pumanhik ako diyan at samahan kita?

Nanlaki muli ang mga mata ni Miriam sa sinabi ng kaibigan. Kaya wala siyang magawa kundi ang sumagot kahit na nanginginig na ang kanyang boses.

Miriam: Ah huwag na friend. Okay lang. Pababa na rin ako. Hinahanap ko lang ang flashlight.

Regina: Bilisan mo. Kasi ang dilim dito oh.

Miriam: Oo sandali lang. Malapit na.

Pilit na binubuksan ni Miriam ang kanyang cellphone, pero ayaw na talagang gumana. Sinubukan niya ang landline sa kwarto niya pero wala itong dial tone. Kinuha ni Miriam ang emergency light niya sa kanyang kwarto at ito ang ginamit niyang ilaw. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung bababa ba siya o kung mananatili na lamang ba siya sa kanyang kwarto. Naisip niyang humingi nang tulong. Pumunta siya sa kanyang bintana pero pagsilip niya sa labas ay pinalibutan ito ng dilim. Napakadilim na kahit ang ilaw niyang dala-dala ay walang naaaninag. Hindi pa nakaranas nang ganon kadilim si Miriam sa buong buhay niya. Walang tigil sa pagpatay-sindi ang kidlat sa labas. Ito na lamang ang tanging pag-asa ni Miriam para may makita siyang tao na dadaan para hingan niya ng tulong. Hinintay niya na kumidlat muli. Sa pangalawang paglabas ng kidlat ay wala pa rin siyang nakikita. Pero sa pangatlong pag-ilaw nito ay laking gulat niya nang makita ang kaibigan sa labas ng kanilang bakuran. Sa daan, nakatayo, duguan. Tinaas nito ang kamay at pilit na inaabot sa kanya na para bang humihingi ng tulong. Nanlaki ang mga mata ni Miriam, ang lakas ng pitik ng kanyang dibdib. Biglang napaatras si Miriam at tumakbo palabas ng kanyang kwarto. Tumakbo siya sa may hagdanan pababa. Ang lakas ng kalabog ng bawat hakbang ng mga paa niya sa sahig. Pagdating na pagdating niya sa unang palapag ng kanilang bahay ay biglang...

Regina: Friend?

Kumulog bigla na siyang nakadagdag pa sa kaba at takot ni Miriam. Tinawag siya ng kanyang kaibigan na nasa sala pa rin , nakaupo sa sofa sa kung saan huli silang nag-usap. Sa pagkakataong ito. Malumanay kung magsalita ang kaibigan. Na para bang wala nang lakas na natitira sa kanyang mga boses. Mahinaon at nakakakilabot.

Regina: Nagmamadali ka ata. May problema ba? Ayaw mo na ba akong samahan dito?

Walang tigil ang pagpatak ng mga pawis ni Miriam sa kanyang buong katawan. Basang basa na siya nito. Hindi na rin niya mahabol ang kanyang hininga. Hindi agad nakasagot ang dalaga sa kanyang kaibigan.

Miriam: Ahm, ah. Kasi....

Regina: Okay ka lang ba?

Biglang tumayo si Regina sa kanyang kinauupuan at naramdaman naman ito ni Miriam. Kaya bigla niyang hinarap ang kaibigan ng buong tapang.

Miriam: Diyan ka lang!

Biglang napatigil si Regina. Hindi kita ni Miriam ang mukha ng kaibigan dahil natatakpan ito ng kadiliman ng kwarto pwera na lang ang kalahating bahag.

Regina: Ano bang nangyayari sa iyo? May problema ka ba sa akin?

Miriam: May itatanong ako sa iyo at gusto ko sagutin mo ako ng diretso.

Regina: Ano ba kasi iyon?

Miriam: Totoo ba?

Regina: Ang alin?

Miriam: Totoo ba na....

Hindi madugtungan ni Miriam ang gusto niyang sabihin sa kaibigan dahil hindi pa lang niya ito binibigkas ay kinikilabutan na siya. Hindi na maipaliwanang ni Miriam ang takot at kaba na kanyang nararamdaman.

Regina: Ano ba kasi ang nangyayari sa iyo?

Lalapit na sana si Regina kay Miriam nang biglang....

Miriam: Totoo bang patay ka na?!

Biglang tumahimik ang lahat at napatigil muli si Regina sa kanyang kinatatayuan. Kahit ang kulog at kidlat ay napahinto sa rebelasyong binitawan ni Miriam. At sa kasamaang palad... isang sagot ang gumulantang at nagbukas ng bangungot sa buhay ni Miriam na hinding hindi niya malilimutan hanggang sa kanyang hukay.

Regina: So alam mo na pala.