Chapter 7 - CHAPTER 6

Dumating na nga ang araw ng kaarawan ni Jack. Umaga pa lang ng araw na iyon ay abala na kami sa paghahanda ng circus house. Hanggang sa maghapon na at magdilim ay kabado kaming lahat. Hindi namin alam kung magugustuhan ba ng mga taga Saxondale ang aming magiging pagtatanghal.

Hawak ko ang ice skate ko habang inaayos ni Kirstine ang aking buhok. Napakaganda rin nila. Suot naman ngayon ni Kirstine ang kulay lila niyang metal corset. Gaya ng mga kasuotan ni ama ay itim na tailed coat ang kanyang suot. Kinulot din ang kanyang buhok na may kulay pang seafoam ang dulo.

Pagkatapos ay isinuot ko na ang kulay cerulean kong damit. Manipis lang ito at may nakadikit na pakinang na parang tala na kumikinang sa dilim. Meron din akong isusuot na maskara namaya. Napagkasunduan namin ng aking magiging kapareha na gumamit nito. Nagpatalun-talon ako para mawala ang aking kaba. Ngayon lag ako kinabahan ng ganiti sa tagal ko ng nagtatanghal.

Hindi ko malaman kung naiihi ba ako o may lumilioad na paruparo sa loob ng aking tyan. Hinipan-hipan ko pa ang nakakuyom kong kamay na nakasuot ng gwantes na nay burdang snowflakes.

''Masyado ka atang kinakabahan anak.''Nakangiting sabi ni ama. Nakakulay pulang tailed coat siya. May hawak na mahabang baston. Wala na rin ang balbas niyang namuti na. Napakagwapo ng aking ama ngayon. Bumata siya sa kanyang itsura ngayon. Kung nandito lang si ina tiyak kong mas lalo siyang mapapa-ibig sa kanya.

''Opo ama, hindi ko mapigilan.''

''Aba'y ganyan ba ang epekto na may makakapareha ngayon? Kung sino man siya ay husayan niya.'' Napatango ako sa kanya. Kahit si ama ay hindi alam kung sino ang magiging kapareha ko ngayon.

Nakita ko naman bigla ang pagdaan ni Lucas.

''Lucas!'' Kinawayan ko siya, nilingon naman niya ako at ngumiti. Lumapit siya sa akin. Tinapik naman ni ama ang balikat niya at nauna ng umalis.

''Napakaganda mo ngayon Elsa, ang ganda rin ng tirintas ng buhok mo bagay sa iyo.''

''Si Kirstine ang nag-ayos nito, salamat. At ikaw naman... hmmm, ang kisig mo ngayon...'' Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Kulay dilaw na may itim sa may manggas ang kaayang kasuotan. Hapit ito sa katawan niya. Sakti lang naaan ang laai ng kanyang katawan. Nakaayos rin ang buhok niya na parang sinuklay palikod at napakakintab. May maliliit na pampakinang sa manggas nito at sa likod ay ang disenyo ng snowflake.

''Bagay sa iyo ang kulay dilaw na kasuotan.''

''Salamat, pero alam mo parang may kulang sa iyo, teka.'' Nagpalingon-lingon siya at tila may hinahanap. Nang makita niya ang base sa may mesa ay agad niyang pinitas ang bulaklak na kulay puti, na may kulay dilaw rin sa gitna. Polyanthus ang ngalan nito at ito'y uri ng bulaklak na nabubuhay sa panahon ng tag-lamig.

''Ayan, ayos na. Napakaganda mo Elsa. Huwag kang kakabahan, galingan mo mamaya.'' Tumango lang ako. Inakbayan ako ni Lucas at sabay na lumabas. Nakayapak lang ako, mamaya na ako magsusuot ng ice skate pagdating niya.

Mag gagabi na pero marami pa ring nga tao ang nagsisipasukan dito sa circus house. Pero ilang bakanteng upuan na lang ang hindi pa nauukupahan. Ang pamilya Crocus ay nasa taas na balkonahe at mismong gitna. Animo'y mga hari at reyna na nanonood.

Lahat silang manonood ay mga mayayaman. Napakagagara ng mga panlamig na kanilang mga suot. May hawak pang mababalahibong pamaypay ang ilang mga kababaihan kahit na malamig naman ang panahon. Napaisip tuloy ako kung ilang ibon ang kanilang hinuli para gawing pamaypay. Hay, kaawa-awang mga ibon.

Mag-uumpisa na. Binuksan na ang ilaw na nakapalibot sa entablado. Pagkatapos ay narinig ko na si ama.

''Kumusta mga mahal naming manonood!'' Panimula ni ama habang ikinakaway ang baston niya. Nagsigawan at pumalakpak naan ang mga manonood.

''Kami ang Snowflakes Troop ng Neevern ang maghahandong sa inyo ng kasiyahan! Maligayang kaarawan Master Jack Overland! Simulan na ang pagtatanghal!'' Pagkasabi ni ama noon ay namatay ang ilaw.

Pumunta na sa likod ng kurtina si ama at tinapik ang balikat ni Sofia. Pagbukas ng ilaw ay nasa gitna na ng entablado si Sofia. Mayroon ding mga maliliit na ilaw na nakapulupot sa hoop na nakasabit sa ere. May malaki rin siyang pangalang SOFIA na gawa sa alambreng pinuluputan rin ng berdeng ilaw na nakasabit rin sa gitna.

Nagsayaw siya habang binabaluktot ang kanyang katawan. Siya ang aming Contortionist. Itinaas niya ang kanyang kaliwang binti at ibinaluktot ito hanggang sa maabot ang kanyang baba. Pagkatapos ay pumorma na parang letrang Y. Sumunod ay dumapa siya habang inangat ang mga binti, habang nasa gilid lang niya ang mga braso ay ibinabaluktot niya ang binti, ibunubuka ito na mukhang elising hindi umiikot.

Sumunod na ginawa niya ang paglapat ng kanyang siko habang binuhat ang katawan paangat. Parang nagsplit siya ng pabaliktad. Dumapa uli siya, sa pagkakataong ito'y pina-ikot niya ang kanyang katawan nang hindi gumagalaw ang ulo. Narinig ko ang hiyawan ng mga manonood. Natuwa sila sa ginawa ni Sofia.

Kumuha siya ng malaking bola, humawak siya dito at inangat ang buong katawan at nagpabalu-baluktot habang pinapatalbog ang bola. Marami pa siyang ginawang nakakamangha, ang iba'y bago lang gaya ng gagawin niyang huli. Ang pagpapana gamit ang kanyang paa.

Tumawag siya ng isang manonood na babae. Pinatayo niya sa gilid ng entablado at pinatungan ng mansanas sa ulo. Halos kabahan kaming lahat sa gagawin niya. Napatayo ang ibang manonood. Nakahawak ng mahigpit sa mga kamay nila. Nagdarasal sigurong huwag mataman ang ulo ng babae.

Kinuha ni Sofia ang isang upuan humawak siya doon iniangat naang katawan. Lumabas si Kirstine para ibigay ang pana. Inipit ito sa mga daliri ng kanyang paa. Inipit na rin sa kaliwang paa niya ang matulis na palaso. Mayamaya ay inasinta na niya ang babae.

Pigil ang hininga naming lahat. Parang huminto ang oras. Ni isa'y walang gustong kumurap. Pagkaraan ng ilang segundo ay pinakawalan na niya ang palaso. Napasigaw ang mga manonood. Ang iba'y napatakip pa sa mga mata pati ang babaeng nasa entablado.

Nang matiyak na buhay pa ang babaeng nasa entablado at ang mansanas ang natamaan ng palaso ay hiyawan ang mga manonood, may mga sumisipol pa. Nagpalakpakan at nagbato ng mga bulaklak kay Sofia. Habang yumuyuko at nagbibigay pasasalamat si Sofia ay biglang namatay ang ilaw.

Mayamaya ay biglang may apat na bolang apoy ang nagpapaikot-ikot sa ere. Sina Madrid at Minerva na ang aming magagaling na Fire Manipulators.

Nakasuot lamang si Minerva ng kulay gintong pang-itaas na halos ang dibdib lamang niya ang natatakpan. May gintong maikling palda rin siyang may makikinang na bilog sa may bandang balakang. Si Madrid nama'y itim na pantalong may mga punit ang suot. Tanging gintong pampakinang lang sa itaas na bahagi ng kanyang katawan ang meron siya. Hindi nila alintana ang lamig dahil hatid naman nila'y init.

Hindi na binuksan pa ang ilaw para mas makita ng manonood ang mga nagbabagang apoy ng dalawa.

Gamit ni Madrid ang mahabang baton na may apoy sa magkabilaang dulo. Si Minerva naman ay nag-aapoy na pamaypay. Kahit magka-iba sila ng gamit ay nagagawa nilang pagsabayin ang ikot nito. Bumubuo sila ng mga kakatuwang mga disenyo. Bituin sa gitna ng bilog, ang simbolong infinity at kung minsa'y hinahagis hagis ni Madrid ang baton sa ere saka sasaluhin.

Sumunod nilang ginamit ang poi. Sinindihan nila ang dulo nito't nag-apoy agad. Pinaikot-ikot sa gilid, sa ere na parang magkakabuhol-buhol na iyong tali. Pinapaikot naman ni Minerva sa kanya ang poi sa kanyang katawan, sa binti at binabaluktot pa likod pagkatapos ay pinapa-ikot ng maailis ang poi. Pagkatapos ay sabay sila ni Madrid na magpaikot ng mabilis. Tumatalsik naman ang mga bitul ng apoy sa buhanging entablado.

At panghuli, kinuha ni Madrid ang mahabang baton saka binugahan ito kaya't tumaas ang naglalagablab na apoy. Pagkatapos ay yumuko sila at nagbigay ng pasasalamat. Ang gagaling nila. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

▪▪▪