Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 59 - Dirty plan

Chapter 59 - Dirty plan

Binagsak niya ang cellphone at marahas na sinuklay ang buhok. Apat na araw na. Natitiis nitong hindi siya tawagan?

She mockingly laughed with disbelief and took back her cellphone. She decided to make an Instagram using her real name. Nag-upload siya ng sampung picture na kuha niya o madalas ay kasama sila Jessicat at Lawrence. She even posted her captured photos when she was on Palawan and Kansas. Lalo ang picture niya sa Hawaiian Restaurant. Naka-bikini siya roon, kita ang top view ng Owl City.

Ngumisi siya dahil ang natatandaan niyang kumuha noon ay si Malik. She even send request to Jessica and Lawrence. Wala pang minuto ay napuno ng notification ang cellphone niya sa comment ng dalawa. Ang napili niyang buksan ay iyong comment ni Jessica sa picture niya na naka-bikini.

@Jessica: Shit! Ang hot mo rito. Sino ang kumuha? Ang ganda pa ng view. Puntahan natin iyan one time, sis. ❤😍

@Lawrence: Langya. 🔥🔥Sa sexy mo rito, ewan ko nalang kung hindi agad magparamdam sa'yo iyang si Loverboy.

Humagikgik siya sa comment ni Lawrence. Bago lang iyon dahil may nakalagay na one second. Kagat niya ang labi nang bumuo ng reply.

@JyraKeith: Busy siya. ☹

Wala pang minuto ay nag-comment back agad si Lawrence.

@Lawrence: Nagkakandarapa na iyon ngayon. 🤣😂😆

Kinagat niya ang labi upang pigilan ang sariling tumawa. Sumulyap din siya pinto. Nang masiguro niyang walang kumakatok ay pilya niyang tinanggal ang suot na inner, leaving her black coat and took a selfie.

Nilagyan niya iyon ng caption.

@JyraKeith

#Twistcorporateattire #guestifonlycoatorwithinner 👍

Mabilisan siyang nagbihis at humagikgik. Hinihintay niya ang comment ng dalawa. Hanggang sa mapansin niya ang pag-ulan ng friend request. At lahat ng iyon ay puro lalaki. She scrolled down and accept it all, until a familiar name caught her attention. "Malik Hetch," basa niya roon.

Inirapan niya iyon. Nagdadalawang isip kung tatanggapin ba niya o hindi. Nagbukas ang pinto at iniluwa si Roena. "Ma'am, ito ang latest progress sa Hongkong. Maganda po ang pasok ng event doon."

Dahil sa gulat niya. Hindi niya napansing na-touch pala niya ang accept. Inosente niyang inilapag ang phone sa gilid upang maharap ang papel. Habang busy siya sa pag-review. Umulan ng comment ang bagong picture niya.

@Lawrence: What the? Mukhang walang bra.🔥

@Jessica: Panis! Lodi!😍❤

@James: Walang bra.😘

@Chad: Pamilyar ka miss.🤔

@Peterparker: Tang-ina. Saang lugar iyan? Pupuntahan ko.❤❤

@Blackandwhite: Goddamnit. Ang hot mo po. Sa main Owl City po ba sila? Meet up now.❤❤❤

@MalikHetch: Baby, what is this?

@Lawrence: Ayan na. Bwahahahaha

@Jessica: Uy, Jyra. Patay ka! Hahahaha

Inusog niya ang cellphone para harapin ang email. Pinasa niya sa Paris ang ilan sa pumasa sa kanyang panglasa. She even send her last design. Pinakita niya iyon kay Frank nang masaktuhang naka-coffee break ito. Nagustuhan ng kapatid kaya't pina-detalye niya sa designing team. Next month, kasama iyon sa ilalabas na new trend.

Nang makitang alas kuwarto na, kinuha niya ang kanyang bag sa likuran maging ang cellphone. Binati niya si Roena maging ang ilang staff. Nakangiti at positibo siya habang lulan ng elevator, hanggang sa maalala niya ang friend request ni Malik.

Nabura ang ngiti sa labi niya nang makita ang mga comment. Lalo ang pangalan ni Malik. Bumukas ang pinto. Dapat ay lalabas na siya pero parang napunta sa Davao ang kaluluwa niya sa sobrang hiya. Hinabol niya ang papasarang pinto at agad lumabas. Ang bilis ng hakbang niya. Hindi na halos pinansin ang ilang bumati sa kanya.

Ang bilis nang pintig ng puso niya. Muli niyang sinilip ang cellphone. Sinilip din niya ang profile nito. Walang ni isang picture tapos siya lang ang following, the rest was follower. At ang lalong nagpainit ng pisngi niya ay ang profile picture ni Malik. It was her.

Tahimik siya hanggang makauwi. Hindi niya alam kung kakabahan o maiinis sa biglang pagpaparamdam ni Malik. Parang ang naging lagay pa, siya ang may kasalanan at hindi ito.

Habang tinatanggal ang suot na stiletto wala sa sarili niyang sinagot ang tawag.

"Sis, anong kaganapan?"

Huminga siya nang malalim bago nagsalita, "Hindi ko pinansin ang comment niya. Siya ang may kasalanan, hindi ako, kaya dapat gumawa siya ng paraan para mawala ang galit ko."

Humalakhak sa kabilang linya si Lawrence. "Taray mo. Ikaw pa ang profile picture niya. At huwag ka, wala siyang picture tapos ang daming followers. Nakakaloka!"

Ngumisi siya nang malinaw na na-i-imagine ang itsura ni Lawrence habang sinasabi iyon.

"Pero alam mo. Tingin ko hindi ka niyan iiwan. Imposible talaga. Kasi mukhang sa inyong dalawa ay mas baliw siya sa'yo."

Tumawa na siya sa sinabi nito. She even slammed herself on the bed and let herself laid there for a few.

"Tawa pa. Oo nga, kasi iyon ang sinisigaw ng mga tingin niya sa'yo. Kung may issue man sa kanila ni Vika. Tiyak akong hindi totoo iyon. Pero dapat pag-usapan niyo kung bakit siya hindi nagsabi sa'yo na aalis. Huwag mong pairalin ang galit sa puso mo. Good luck girl. Sabi ng boyfriend ko, siguro nilalangoy na raw ni loverboy ang dagat makauwi lang at maitago ka sa bulsa niya!"

Lalo siyang natawa sa mga pinagsasabi ni Lawrence. "Loka ka talaga. Sige na at magbibihis pa ako."

"Uy, teka! Wala ka ba talagang bra?"

Nangasim ang mukha niya bigla nang maalala na nagtanggal pa siya nang inner at bra para lang sa selfie na iyon. "Actually, oo." Tumawa siya sa sariling kalokohan.

Humagalpak ng tawa si Lawrence sa kabilang linya. "Tumawag si Jessica sa akin. Sabi niya hindi mo raw magagawa 'yon. Ngayon magugulat 'yon kapag sinabi ko ang totoo."

"Gusto ko lang mang-asar. Hindi ko inaasahang ganoon ang mangyayari. You think I look delusional because of that?" Napaupo siya nang gapangan ng kaba ang dibdib niya. What if Pause found out my foolishness? "I should delete it."

"Huwag. Puwede mo naman i-deny. Ako lang ang nakakaalam. Don't worry, kahit kay Jess ay hindi ko sasabihin."

"Thank you, Lawrence. Sige na. See you on the rehearsal."

"Yes. See you. Good night."

Tinapon niya ang cellphone sa higaan para bumaba. Doon siya umuwi mansion nila. Naroon kasi ang Uncle Agonzillio niya. Naabutan niya itong ka-skype ang asawa nito. Ilang saglit siyang nakigulo roon bago nagpasyang kumain.

The whole dinner becomes lively because of her uncle. Napaka-pilyo kasi nito, bagay na tiyak niyang ipinagkahawig sa ugali ng kanyang ina. Pinsan ito sa side ng ina ni Carla.

"Maaga ba kayo bukas?"

Nabitin ang pag-akyat niya sa hagdan. Humarap siya rito para tumango. "Actually evelen pa po ang rehersal. Mag-jogging pa po ako kasi ako sa umaga para mas fit."

Ngumiti ang matanda sa kanya matapos ay tumango. Nagmadali siyang umakyat sa hindi malamang dahilan. Some part of her got excited because Malik finally showed up. Kahit pa comment lang iyon, malaking pag-asa sa kanya iyong patunayan na baka tama si Lawrence.

Dinampot niya agad ang cellphone upang i-check kung may bagong message ni Malik. Pero wala, kahit text o missed call ay wala. Bumagsak ang balikat niya. Matamlay niyang tinitigan ang sarili sa vanity mirror. Still busy?

Iniwan niyang muli ang cellphone sa kama. Naisip niyang mag-shower muna. Nagbabad siya sa bathtub ng ilang minuto, bago umahon at mag-shower. Suot ang roba, lumabas siya para mag-selfie ulit. This time, she looked simple yet attention grabber.

@JyraKeith

#ALoneinmybed #missingyoubadly

Ilang minute ang lumipas ay napuno ulit iyon ng comment ng mga followers niya. Hindi manlang pinansin ni Malik. Nakatulugan nalang niya ay wala pa ring imik?

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. She limits herself for a two and half hour run on the village. Music was boosted with an energetic list. Her mood becomes hyped. Adding the beautiful scenery on their neighborhood; the green fields and different design of houses. Is this a good sign?

Hinihingal niyang tinanggal ang earphone at pumasok sa gate ng kanilang mansion. She took the towel on the bench to wipe her sweaty neck and arms. Sumulyap siya sa kanyang relo para tantsahin ang oras niya. "Mas maaga ako sa inaasahan ko." Pumasok siya sa kusina para uminom. She even took some sliced bread and bring it on her room. Habang kumakain ay hinanda niya na ang susuotin para mamaya. She satisfies her outfit for today with a heart tube crop top, ripped fitted jeans and pumps. Quick shower and preparation she was ready. Darcy is waiting outside. Gamit nito ang SUV nila. Somehow, the plate number was changed. And even they changed the color into white. They drove going to Tower A. Hindi agad siya bumaba dahil hindi pa tumatawag si Lawrence.

Jessica gave her a message that she's near.

Boredom attacked her. Nagpakuha siya ng picture kay Darcy sa gilid habang suot ang paborito niyang aviator. She posted it on Instagram, waiting for Malik's rare comment. Proud siya sa kuha niya dahil ang ganda niya roon, at bit sexy.

@JyraKeith

#RehearsalOOTD

Ngumisi siya bago pinindot ang post. Will see if you will disregard me after this post.