Limang araw ang lumipas. Hindi niya alam kung paano niya nagawang mag-survive ng walang ginagawa. Pero magandang balita dahil mamaya na tatanggalin ang semento sa kanang paa. Sinabihan din siya ng nurse na kailangan niyang mag-exercise para masanay ang paa sa bigat niya.
Naging close niya na ang tatlo. Hindi na rin niya kinulit si Malik na tawagan dahil noong parehas na araw, kinagabihan ay umuwi si Peach. Pinagalitan nito ang tatlo at naparusahan. Gusto niyang akuin ang parusa, ang kaso'y tulog siya ng mangyari iyon. Nalaman niya lang kinaumagahan nang mapansing hindi siya iniimik ng tatlo. Gumawa na naman siya ng kalokohan para mapaamin ang mga ito pero hindi sinabi ang parusa. She's guilty.
"Subukan niyo pong tumayo muna." The nurse instructed her.
Natanggal na nito ang semento. Parang ang gaan ng pakiramdam niya. At nang mailapat ang kanang paa sa simento, gumuhit ang lamig sa katawan niya sanhi para mawalan ng balanse at mapaupo.
"Relax your muscle, Ma'am."
Sinunod niya ang payo ng nurse. Marahan siyang tumayo at tumingin kay Biboy. Sa una'y naramdaman niya ang puwersa at bigat niya sa binti. May kirot pero hindi ganoong kasakit.
"Initial reaction iyan ng buto. Palagi niyo lang pong ilalakad para ma-exercise."
Tumango siya sa nurse. Kinuha ang gamot na hinanda nito para sa kanya. Humingi na rin siya ng advice na gagawin kapag muling kumirot. The nurse explain to her everything. Iniwanan din siya ng pain reliever, in case of emergency.
Sa sobrang excitement ay naka-isang oras yata siyang pabalik-balik sa sala at kuwarto. Habang ang tatlong bodyguard naman ay naaaliw sa reaction niya. Para siyang sanggol na natutong maglakad sa unang pagkakataon.
Nang siya'y pabalik sa kuwarto, naagaw ng atensyon niya ang papalubog na araw. Doon niya muling naramdaman ang pangungulila kay Malik. Kahit sa mag-asawang Friis, higit sa lahat ang muling makita si Jessica Holmes. Pumihit siya para lingunin si Biboy. "Gusto kong lumabas."
Nagkatinginan sila Dante, Biboy at Carlos. Bakas sa reaction ng mga ito ang pagtanggi.
"Sasamahan niyo naman ako. Tsaka, bakit ba kailangan kong magtago rito? Hindi naman alam ni Andrei na ako si Hermosa. Kung tutuusin, si Winona dapat ang binabantayan niyo, hindi ako."
Biboy remained doubted and serious. Ang pagiging maunawain nitong madalas na nakikita kay Frank ay biglang nawala. Ganoon din ang natitirang bodyguard. Mukhang gagawin ng mga ito ang lahat huwag lang siyang mapahamak kaya't naghihigpit.
"Kahit sa roof deck lang. Gusto kong umihip ng sariwang hangin. Sabi kasi sa akin ng nurse, mas makakabuti sa pasyente ang makahinga ng maayos. Hindi malalaman ni Malik o ni Peachy, pangako. Mag-iingat ako. Kahit samahan niyo pa ako. "
Muling nagkatinginan ang tatlo. Ilang saglit na nag-isip, pero sa huli ay napapayag din. Sobrang saya niya nang makasakay sa elevator. Pinapagitnaan siya ng tatlo. Akala mo naman maraming tao at delikado, sila lang naman ang lulan.
Namangha siya dahil ang roof deck pala ay Restaurant. Alanganin na ang oras nang pag-akyat nila kaya iilan nalang ang customer. Ginayat sila ng waiter patungo sa outdoor extension ng restaurant. Pagbukas ng pinto ay napasinghap agad siya sa nakakanginig na dala ng hangin. Dahil ilang araw na siyang hindi naglalalabas ay wala siyang alam sa panahon. Ang suot pa naman niya ay simpleng white t-shirt.
Habang naghahanap ng kakainin ay bumulong si Biboy kay Dante. Mayamaya'y umalis ito at iniwan sila. Ilang minuto ang nagdaan ay dumating na ang pagkain.
How awkward because the two man remain standing on her side. Guarding her while eating the Greek salad. Some of the waiter kept on glancing on their side. Narinig pa niya 'yung isang customer sa 'di kalayuan sa puwesto nila na baka anak daw siya ng President o mayamang angkan sa Pilipinas.
Bumalik si Dante ng may dalang jacket. Sobrang na-touch siya sa effort nito, kaya naman nag-take out siya ng pagkain para sa kanila. Pinipilit pa nga niyang sumabay na sa kanyang kumain, ang kaso'y bumalik na naman sa pagiging bato ang tatlo.
Naging smooth ang sumunod na araw niya. Bukod sa paglalakad ay nagagawa na niyang gawin ang ilan sa daily routine niya sa gym. She even invited Biboy to join her while doing the push-up and curls-up. Nagpustahan pa sila na ang matatalo ay ang magiging taga-hugas ng pinggan.
Luckily, Biboy lose. Tawa nang tawa sila Dante dahil tinalo raw ito ng babae. Gaya kagabi, muli silang lumabas sa restaurant sa kaparehas na oras. Mas kaunti ang customer ng araw na iyon. Sinubukan naman ni Jyra ang ibang putahe. Nagustuhan niya ang Mediterranean cuisine, pero hindi nawawala ang salad.
"Ma'am, ang hilig niyo sa damo. Kaya ang slim niyo." Tukso sa kanya ni Biboy isang araw, dahil noong tanghaling tapat ay nilantakan niya ang Caesar salad.
"Masarap kasi. Tsaka cleansing ko iyon, sabayan ng red wine." Lumingon siya kay Biboy nang maubos niya ang kinakain. "Babalik ako sa restaurant mamaya. Kahit huwag na kayong sumama. Saglit lang naman ako."
Tumingin lang sa kanya si Biboy pero hindi sumagot. Bakas ang pag-aalangan dito pero nang kinagabihan ay nakumbinsi niya ang mga ito. Ilang araw na kasi silang pumupunta roon at wala naman silang nakita na mali. Napaka-imposible naman kasi talagang malaman ni Andrei na siya ang totoong Jyra.
Riding the elevator, she giggled when she saw her face on the mirror. Gaya ng dati naka-plain shirt siya pero itim naman ngayon. Nag-inquire sila kagabi, ang menu raw ngayon ay Thai Cuisine. Nag-isip na siya ng pagkaing tiyak na hindi magugustuhan ni Dante at Carlos. Plano niyang buwisitin ang mga ito.
Habang naghihintay ay tinanaw niya ang bagaman gabi na pero buhay pa ring Main Owl City. Ang mga matatayog na building na animo'y nagpapatangkaran. Ibat ibang ilaw mula sa kabahayan, building, street lights, o gumagalaw na sasakyan. Mula sa kanyang puwesto ay nakakagalak iyong masdan. Ang ganda! She fished out her pocket, plano niyang kuhaan iyon ng picture hanggang sa maalala niyang wala nga pala siyang cellphone.
Lumingon siya sa pinto noong isigaw ang number niya. Lumapit sa table niya ang waiter para ibigay ang dalawang plastic na order. Babalik nalang ako rito. Isasama ko sila Jessica at Lawrence. Hinigpitan niya ang hawak sa dala nang makasakay sa elevator. And to her surprised the door opened again and a guy on his huge cup entered. Hindi niya nakita ang itsura niti dahil hindi nakatingin sa gawi niya. Mahaba rin ang buhok nito na parang emo. Loose ang pants at sweater na suot kaya naisip niyang baka skaterboy.
It was struggle on her side to pressed her desired floor because of the mysterious man almost who covered the numbers. Hirap din siya dahil dalawang kamay ay nakahawak sa plastic. "Can you pressed the number five for me."
Pumindot ang lalaki sa numerong five.
Napangiti siya dahil doon. "Thanks." She said as she fixed the handle of the plastic. She even glanced on the mirror to see his face but he seemed shy.
Nakayuko ito at kita lamang ang labi.
Tumunog ang elevator senyales na magbubukas ang pinto sa fifth floor. Umabante siya agad bilang paghanda. At nang bumukas na nang tuluyan ang pinto ay naglakad na siya agad. Nang biglang magsalita ang lalaki, "It is nice to see you again."
Natigilan siya nang makilala ang boses. Otomatikong namilog ang mata niya at nagpawis ang parehas na palad niya. Dahan-dahan siyang humarap kaya nahuli niya ang pagngisi nito.
"Jyra," bukang-bibig nito bago magsara ang pinto.
Sa sobrang kilabot ay nabitawan niya ang dalawang plastic. It can't be. He knew me? How?