Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 63 - Trap

Chapter 63 - Trap

Anger field her chest. Pilay siya. Ano ba ang magagawa ng isang pilay sa ganitong peligro? Dadagdag lang siya sa problema kapag nagkataon. "Natatakot ako, Peachy. Baka mapahamak ang mga tao sa event, lalo si Malik. Baka mapaano siya." She crumpled the bedsheet, dismayado sa pagiging walang kuwenta. Sinisisi ang sarili dahil siya na naman ang dahilan kung bakit mapapahamak ang kaibigan.

Winona is at risk because of the switched. And now, the worst memory of the past haunted her, implicating her best friend on her curse.

"Ang totoo, pina-cancel ang event ngayong gabi. Biglaan dahil nagulat kami sa last phone call ni Andrei. Pupunta raw ito sa big dome. Unang ideya namin ay naging desperate ang demonyo nang malamang nawawala si Jessica. We set a trap and I wished he take the bait." Pinagkrus nito ang daliri matapos ay tumingala; umuusal ng mga salitang hindi niya maintindihan.

Naguguluhan pa rin siya. Something on her head was saying Andrei was not that easy to capture. Matalino ito. Ang malala maaaring may connection ito sa mga drug lords o malalaking pangalan, dahil kahit gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakakalabas-pasok ng gulf country.

Tumingin siya sa kaibigan. Ganoon din ito sa kanya. Tinatantiya ang isat isa.

"Peachy... kailan matutuloy ang event?"

Naginhawaan ang kaibigan niya dahil sa sinabi. Inaasahan kasi nitong mangungulit siya na sabihan si Malik na mag-ingat o kung ano ba dapat ang reaction ng girlfriend na nag-aalala sa mahal niyang boyfriend. "On Friday."

Third day from today. Tumango siya pero nananatiling naguguluhan. "What's the trap?"

Sumingkit ang mata ni Peachy habang matamang sinusuri ang tanong niya. "Hindi ba't exclusive ang event. We send a secret message to all of the guests. Kasama na roon ang paglihim na hindi matutuloy ang event ngayon. So those who aren't invited think that the event is up today."

Sumulyap siya sa cellphone niyang low battery. Nawala na sa isip niyang ipa-charge iyon kay Roena kanina. Paano niya ngayon malalaman ang kaganapan? Gusto niyang malaman na mahuhuli ang lalaki. May kutob kasi siyang may mali talaga. Na parang madali ang lahat para mahuli ito, gayung hindi ang tipo ni Andrei ang papatalo o papasukol.

"So the Dome is open. How would you explain the empty parking?"

Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Peachy habang minamasdan siya. "Hindi ko alam na may talent ka sa pag-investigate. Malik should consider that to his scary list."

Kumurap lang siya. Hindi manlang sumagi sa labi niya ang biro ng kaibigan. Kung sa ibang pagkakataon ay tiyak sinakyan niya na ang kalokohan nito, pero hindi ngayon.

Peach cleared her throat. Napaayos din ito sa pagkakaupo. "Alright. You are serious." Tinaas nito ang kamay, nagkibit-balikat. "Look. Don't think about that Sweet Chic, I am here to calm you down and... ask you to not to worry. Sleep. Take some rest and expect a positive news tomorrow."

Doon na umalab ang pinipigil niyang nararamdaman. "You know I can't do that, Peachy. The danger is coming. To me, to my boyfriend even to my best friend. I cannot stay here, sleeping peacefully while they are at risk. I can't bear seeing them hurt. Or worst killed. Peachy, I love you. I know you do understand why I am acting this way, right?" Kinuha niya ang kamay nito saka iyon piniga. Dumaloy ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Hindi niya na napigilan dahil natatakot siya.

Nasa hindi magandang sitwasyon sila ni Winona. Tapos si Malik ay isinasakripisyo ang buhay para iligtas siya. Tapos siya wala lang?

"I'm sorry," Peach almost whispered.

"Oh, Peachy." Hinila niya ang kaibigan upang yakapin ito. Nauunawaan din naman niya ang gustong ipunto nito. Marahil ay kinausap ito ni Malik na huwag siyang pag-alalahanin o huwag sabihin ang plano nila. Ang kaso sanggang dikit sila nito. Kailanman hindi naglihim si Peach sa kanya. Everything is open for her, even if Peach's work is confidential. Siya lang ang nakakaalam ng lahat ng sikreto nito, ganoon din siya rito. Alam ng kaibigan ang tungkol sa alter ego niya.

Pinatong ni Peach ang parehas na kamay sa magkabila niyang balikat. Tinitigan siya nito nang maigi bago nagsalita, "I want you to trust Malik. Okay?"

Malik is trustworthy, but Andrei? He no. Things will be twisted when her Demon father intrudes and she fears that the trapped will be waste tonight.

She sighed. "Can I just speak with him before I sleep?" Request niya sa kaibigan bago pinaglapat ang mga palad. Tila nananalangin na pagbigyan siya sa kanyang kahilingan.

Talunang ngumiwi si Peach. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa bago inabot sa kanya.

Parang batang binigyan ng lollipop naman niyang kinuha iyon, maligalig na tinipa ang numero ni Malik upang tawagan.

Sa ikatlong ring ito sumagot. "Attorney?" Malik voiced were crispy and rough. Kinabahan siya dahil doon, mukhang maling tsempo ang pagtawag niya. Napalunok pa siya nang magtanong ang mga titig ni Peach.

"It's me. Please, be safe and... come back to me whole." Tumahimik agad siya, pinapakiramdaman ang biglang pananahimik ng kabilang linya. Lalong dumagundong ang dibdib niya dahil sa nakakabinging katahimikan. Para bang may malaglag lang na tornilyo ay tiyak na maririnig.

Peach mouthed her 'what?' but she stayed silent. Sinilip niya ang cellphone, hindi naman patay ang tawag pero napakatahimik talaga. Muli niyang idinikit ang cellphone sa tainga at nahilig ang hininga nang makarinig ng mabilis na pagtakbo at pagkasa ng baril.

Agad siyang nagulat nang agawin ni Peach ang cellphone at pinatay ang tawag. Wala pang segundo ay tumunog iyon, at rumehistro ang pangalang Agent One. "I'll just take this, Sweet Chic." Paalam sa kanya ng kaibigan at agad na lumabas.

Hindi siya puwedeng magkamali. Baril ang narinig niya. Anong ibig sabihin noon?