Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 64 - Hear his voice

Chapter 64 - Hear his voice

Samu't saring sitwasyon ang bumuhos sa kanyang imahinasyon. It scared her to death. She clutched her chest while staring on the door. Unti-unting bumibigat ang pakiramdam niya habang tumatagal. Kung sanay hindi siya natapilok, baka pa mapigilan niya ito. Sana ay hindi sknasakripisyo ni Malik ang buhay para sa kapakanan niya.

Hindi siya dinalaw ng antok. At bawat pitik ng oras ay lumilingon siya sa pinto. Umaasa sa pagbalik ng kaibigan at magandang balita nito. Ang kaso'y bumigay nalang ang mata niya ay hindi pa rin ito bumabalik.

Pakiusap, ingatan niyo po siya. Pakiusap.

Madaling araw nang magising siya dahil sa yugyog ni Peach. "Wake up. We need you to move at my suite."

Hindi na siya nakapalag pa. Nagtataka man ay hinayaan niyang buhatin siya ng isang lalaking naka-black suit para isakay sa wheel chair. Accompanied with them a nurse and another two man in black suit they silently ride the elevator. Tumagos iyon sa parking kung saan naghihintay sa kanila ang sasakyan ni Peach. Madilim pa nang bumiyahe sila patungo sa isang magarang hotel, hindi kalayuan sa Hospital.

"Peachy, bakit hindi nalang tayo sa Nightingale umuwi?" Tanong niya nang makahiga. Hindi niya naagaw ang atensyon ng kaibigan dahil abala ito sa pagkausap sa tatlong lalaki na kasama nila.

Huminga siya ng malalim at tahimik na naghintay. Punung-puno siya ng katanungan habang pinapanood ang tatlong lalaki. They were all ears to Peach's instruction. They were probably her guard then, security purposes. She snapped back when her friend glanced at her. Doon niya na napansin ang pagod sa mata nito.

Napaayos siya sa pagkakahiga nang tapikin ni Peach ang tatlo bago iniwan at lumapit sa kanya. "Antok ka pa? Tulog ka ulit."

"Peachy nasaan si Malik? Anong nangyari kagabi?"

"Maaga pa Sweet Chic, kailangan mong magpahinga."

Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito sinasagot ang tanong niya. She seemed to hide the real situation with her and it makes her bothered more. "Don't cover up this all, Peachy. Say it. Please!"

She badly wanted to know. And keeping everything from her makes her felt eager to know it. She looked at her as if begging for a food and she was really starving.

Bumagsak ang balikat ng kanyang kaibigan. Pagdating talaga sa kanya ay wala itong sikretong hindi nabubunyag. "Andrei didn't showed up last night. They lost his track too."

Gusto pa niyang malaman ang iba pang detalye, ang kaso'y muling tumunog ang cellphone ni Peach kaya't saglit itong nagpaalam para sagutin.

Ang saglit ay tumagal, hanggang makatulugan nalang niya ang paghihintay. At nang siya'y magising, walang Peach o anino nitong nagpakita sa kanya.

Natakasan na naman ako.

Patamad niyang ginapang ang remote sa gilid para ilipat ang pinapanood. Kasalukuyan siyang nasa sala sa tulong ni Biboy. Ang isa sa bodyguard niyang matiyagang nagbubuhat sa kanya.

This is the last choice she had to survive the boring time. When she learned from her nurse that the landline on the suite is off, she hysterically threw all the pillow on the floor. Plano niya kasing tawagan sana ang numero ni Malik, ang kaso'y walang dial tone. Sinubukan niyang manghiram sa tatlong bodyguard ng cellphone, ang kaso'y hindi yata sanay magsalita ang mga ito.

Padarang niyang sinandal ang siko sa back rest. Sinusubukang matuwa sa pinapanood na comedy, ang kaso'y lumilipad sa alapaap ang utak niya kaya hindi siya matuwa-tuwa.

Sinulyapan niya si Biboy. "I want yogurt."

Umalis ito sa gilid niya para pumunta sa kusina. She craned her neck to check him, Biboy pulled the door of the refrigerator and her eyes immediately spark when she saw the bucket of smarties and tray of yogurt. It was actually full of foods. She felt at ease because of that. Kahit papaano'y may pagkakaabalahan siya.

She shifted from her seat when Biboy stopped in front of her and handed her request. Tinaasan niya pa ito ng kilay nang unang iabot ang kutsara.

"Thanks," aniya rito. Nilantakan agad ang yogurt. Hindi pa niya iyon nauubos nang maalala si Malik. Nag-aalala na naman siya. Pinatong niya sa gilid ang cup ng yogurt matapos ay bumuntong hininga. Gusto niyang makausap si Malik. Siguro'y marinig niya lang ang boses nito'y mapapanatag na siya.

She slouched on the sofa, patamad na minasdan ang kabuoan ng living room. Minimalist at cozy, tiyak na si Peach ang nakatira dahil kilala niya itong ayaw ng makalat.

Her nerves awake when she heard a ringtone. Napunta agad sa bodyguard niyang nakatayo sa maindoor ang paningin niya. Tiyak siyang doon nanggagaling ang tunog. Maaaring si Malik ang tumatawag o kung hindi man ay si Peach.

Tinuro niya ito. "You there. Give me your phone." Kumibot ang kilay niya nang hindi siya nilingon ng lalaki.

Pirmi ito at hindi kumikilos na para bang estatwa at hindi tao.

"A, ganoon? Hindi mo ibibigay?" Marahas niyang pinatong ang sementadong paa sa sofa at hinarap ito. "Babasagin ko 'tong semento ng paa ko kapag hindi mo binigay. Tandaan mo hindi pa ako magaling, at kapag nasira ito isusumbong kung hindi niyo ako inalagaan." Umakma siyang itinaas ang binti.

Sabay na lumingon si Biboy at ang nakatayong bodyguard bodyguard malapit sa bintana sa kanya. Their stance looks aware and eager to stop her from her plan.

Binitin niya ang pagbaba at pinukulan nang masamang titig ang bodyguard na nasa pinto. Bakas ang takot dito, lalo noong sumenyas si Biboy na ibigay nalang.

Tinaas niyang maigi ang binti at aambang ibabagsak na iyon.

"Heto na, Ma'am." Inilang hakbang nito ang distansiya nila para ibigay ang cellphone.

Dala ng excitement, kinuha niya iyon at nawalan ng balanse. Pabagsak siya sa sahig na agad tinakbo ng tatlo para saluhin siya. Si Biboy na humahalik sa sahig dahil nadaganan niya, ang may-ari ng cellphone ay hawak ang sementadong paa niya habang ang lalaki sa bintana ay naka-alalay sa uluhan niya.

"Mapapatay po kami ni Sir Malik, Ma'am. Pakiusap mag-iingat naman po kayo," reklamo noong may-ari ng cellphone.

Nangangasim ang mukha niya sa sakit ng bakalang. Tinulungan din siya ng tatlo na makaupo ng maayos sa sofa. "Out of balance. Sorry. Hindi na mauulit. Sanay ka naman palang magsalita. Ano bang pangalan mo?" Tanong niya, busy ang atensyon sa pagkalikot ng cellphone.

"Dante po, Ma'am." Sagot nito, muling bumalik sa puwesto.

Tinawagan niya ang numero ni Malik. Nang mag-ring iyon ay napangiti agad siya. Patay malisyang sinulyapan ang bodyguard na nasa bintana. "Ikaw?"

"Carlos po, Ma'am."

"Pinagsabihan ba kayo ni Malik na huwag akong kakausapin?" Tinuon niya ang atensyon sa TV. Nawawalan ng pasensiya dahil hindi sinasagot ang tawag niya. Pinatay niya iyon at tiningnan ang log. Si Malik ang tumatawag kanina kaya naging miss call. Ngayon namang siya ang tumatawag ay hindi nito sinasagot.

Sagutin mo naman. Muli siyang nag-dial, ang kaso'y wala talaga. Patamad niyang isinandal ang likod sa back rest at ipinikit ang mata. "I want to hear his voice. Hindi ba siya puwedeng pumunta rito?"