BEFORE they start the rehearsal, all the models were assembled for a pep talk. A woman in Alisa's age do the discussion; what should be the expectation for them, proper timing and patterns, which are the groups, and in case of emergency. On the backstage, there were two major rooms; O.R where their outfits were placed and the make-up room where all the models and stylist will stay.
Nang matapos silang i-tour at ipaliwanag ang gagawin, nagtungo sila sa mismong stage upang kausapin ng visual director.
"Alright, beautiful ladies. This is the rump stage." Hinila nito ang tali dahilan para malaglag ang pulang kurtina.
Lahat sila ay manghang umabante upang makita ng buo ang lugar. May sapat na liwanag pero hindi makita ang mga upuan para sa audience.
Hindi niya na napigilang tumili nang may apoy na lumabas sa bawat gilid. Parang concert ang dating kaya kinilabutan siya at nanabik dahil doon. Kinikilig niyang niyakap sila Lawrence. "I'm excited," bulong niya sa kanila.
"Ang lakas ng pintig ng puso ko. Parang hindi rehearsal ang gagawin natin. Paano kaya kapag mismong event na?" Pinakiramdaman ni Lawrence ang sariling pulso habang nakapikit. Mabigat ang bawat paghinga nito halatang kinakabahan.
Natatawa namang hinampas ni Jessica ito. "This is really is it!"
They all together giggled and wiggled. Oblivious to their surroundings as they waved their hands up with so much excitement.
"Kasali ka sa sexy tribe, hindi ba?" Baling ni Jessica sa kanya kaya natigilan siya para tumango.
Naalala niyang susuotin niya 'yung cropped black leather jacket na may neon tangerine fur collar. Ang inner noon ay crisscross black brassiere. At ang pang-ibaba ay ripped fitted jeans na kita ang harapang bahagi ng legs niya. Tunay ngang exotic pero- who cares -she will strut it no matter what.
"Kasali rin ako sa category na iyan. Binigyan nila ako ng weird style-" Lawrence shrugged her shoulder "-long dress na hapit sa katawan ko. Pero litaw ang magkabilang balakang ko," singit ni Lawrence.
Bumilog ang labi ni Jessica, ini-imagine ang sinabi ni Lawrence. She even nodded her head with confusion on her brows. "That's creative, though. Next category pa ako. Medyo boyish ang theme, rock star."
Sininghalan ni Lawrence si Jessica. "Gusto mo palit tayo?"
Ngumisi lang si Jessica habang umiiling. Alam kasi nilang tomboy-ish ang kaibigan, malayo sa front features. "Magagalit si Alisa kapag ginawa natin iyan. Umayos ka nga." Pinalo ulit nito ang puwetan matapos ay humagikgik.
May sumigaw ng Sexy Tribe Category. Sabay na lumingon si Lawrence at Jyra sa stage kung saan nila iyon narinig.
"Go girls. Magsisimula na yata," Jessica murmured, her neck craned to check what's going on the stage.
Nagtungo agad sila ni Lawrence para pumila. Sinilip pa niya si Winona kung nasa harapan ba ito, pero laking gulat niya nang makita ang kaibigan na nakaupo sa gilid. Busy sa cellphone.
Alisa is true to her words. Hindi nga sa kanya uso ang favoritism dahil kahit sikat si Vika ay hindi niya ito ginawang main model sa collection niya. Napaayos siya sa pagkakatayo nang magsimulang maglakad. Pangalawa siya sa huli habang nasa harapan naman niya ang kaibigang si Lawrence. The protocol was count five seconds before you walk. When her friend stepped on the stage she silently counted.
"Jyra?"
Lumingon siya kay Winona noong tawagin siya nito. Hindi siya makapaniwala. Parang panaginip na binati siya nito na parang walang nangyaring tampuhan.
"Can we exchange shoes? Naninibago ako sa wedge." Bungad nito paglapit sa kanya.
Hindi na niya nasundan ang bilang. Dahil sa sobrang saya ng nadarama ay tumango siya at agad hinubad ang kanyang pumps para ipalit sa wedge nito. Hindi na rin siya nakapagsalita pa nang tawagin siya noong stage coordinator. Ngumiti siya kay Winona at kalmadong naglakad.
She felt comfortable while walking. Her heart was filled with joy. It was shown all over her face when she saw Alisa together with pink. They were seated in the audience seats, probably observing them.
Nakita niyang tumango si Pink kaya bahagya siyang tumawa at nag-flying kissed dito. Lumiko siya pakaliwa at ginanahan sa paglalakad dahil sa musika. When she's about to turned right, she heard a weird noise on the wedge. Nagkibit-balikat nalang siya. Iniisip niya kasing baka may naapakan lang siyang maliit na bato at nadurog. May nakita siyang dalawang stage coordinator sa gilid. Kinawayan siya nang mga iyon kaya natatawa niyang ginantihan ng kaway. Ang saya-saya niya. Nakalimutan niya na ang meaning ng sadness dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Winona.
Pagbalik niya sa back stage ay nakipag-appear siya kay Jessica.
"Ang cool niyo, ha." Bati nito sa kanila ni Lawrence.
Hindi niya na nagawa pang makipagkuwentuhan dito dahil tumakbo na siya sa linya ng susunod na kategorya. Nasa dulo siya nang mapansin si Pink na nakatingin sa kanya. Noong una ay pinag-akalaan niyang hindi siya ang pakay, pero noong tawagin siya'y tinuro niya ang sarili.
Tumango ito bago nag-mouth nang, "I'm calling you!" He motioned for her to come over.
Sumunod siya rito papasok sa pinto. Nagulat siya dahil naroon si Alisa, ang floor director at iyong kilalang ambassador ng Fashion Trend Republic. Nahihiya niyang binati ang mga ito bago nanatili kay Pink ang mga tingin. Nagtatanong kung bakit siya pinatawag doon.
"You will be the opening model," Pink casually said.
Sa gulat ay napatakip siya ng bibig.
"You deserve it, Jyra. Among of them, you stand out genuinely without giving an extra effort," Alisa butted in.
"You look like a pro," the stage of Director complimented her.
Hindi na niya napigilang maluha at hinarap si Pink noong tanguan siya nito. "Thank you. This is my dream... I mean I dream that you people see me on stage as the real me. This is surreal." Umiling-iling siya.
Lumapit sa kanya si Alisa upang yumakap. "I've watched you in the fitting room. At first, I didn't expect that much from you as you look gentle and sweet, but when you walk. You seem doesn't know your effect when you strutted your outfit. Darling, you have the strong aura that I haven't seen to other, except with-" Humiwalay ito upang tingnan siya mula ulo hanggang paa. "The mysterious Vika." Her eyes deemed as if she was reading her soul. That something on her was hidden that should be revealed.
Napalunok siya dahil doon. Could it be possible? Can they recognize the masked person without seeing her face? Nahigit niya ang hininga nang tumahimik si Alisa, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"We have Vika," the Ambassador murmured his attention was focused on the screen.
Kasalukuyang naglalakad si Winona, sa likuran nito si Jessica na gaya niyang masaya at hindi mababakasan nang kaba.
"I agree with the poll. Vika lose her substance when she showed her face. She's beautiful but that won't satisfy the audience. She has to work out on how she will come back her air of mystery." Dagdag nito bago tinuro ang kaibigan niyang si Jessica. "That woman had something too. She's curvy and voluptuous as Jyra but her air is sexy alone."
Sang-ayon siya rito. Jessica has this blonde hair and blue eyes, there was no doubt that she was an heir of Swizz. Her sense of fashion suits her, it even enhanced her tan and curvy body. A perfect definition of summer chic.
Tinapik siya ni Pink. "Clean yourself and go back to the practice."
Tumango siya, muling bumaling kay Alisa. Natutop niya ang bibig nang mahuling titig na titig sa kanya ito. Alanganin siyang ngumiti rito bago tumalikod at lumabas sa kuwarto.
Huminga siya nang malalim, muling lumingon sa pintong nilabasan. Sana hindi niya maisip na ako nga talaga si Vika. Sana mas makita nila ang galing ko, bilang ako at hindi sa nakamaskarang si Vika.
Nang siya'y pumila, lahat ng mga modelo ay nakatingin sa kanya. Kutob niyang alam na ng mga ito ang dahilan, gayunpaman wala na siyang pakialam. Masaya siya ngayon at hindi niya hahayaang mawala iyon.
Huminga siya nang malalim nang magsimulang maglakad ang linya niya. Lumingon pa siya kay Winona. Nakita niya itong may kausap sa phone at mapang-insultong tumingin sa suot niyang wedge. Nasa high momentum siya kaya hindi niya iyon binigyan pansin.
The music assigned on their category was frisky. Her mood heightened-up. Napalunok siya nang maalala ang post niya sa Instagram. Nag-comment na kaya si Malik? Hindi na niya nasilip iyon dahil pag-post niya niya ay saka dumating sila Lawrence at Jessica.
Five. Agad siyang lumakad habang ang parehas na kamay ay nasa magkabilang baywang. Ang suot niya sa category na iyon ay black psychedelic dress with an exaggerated while collar, terno sa brown cowgirl hat at boots. I actually like my outfits. Bahagyang bumilis ang lakad niya nang sumirit ang apoy sa mga gilid. Pinapagana noon ang mga himaymay niya sa katawan, lalo tuloy siyang ginanahan sa paglalakad.
Nang siya'y paliko, kumunot ang noo niya sa nakitang imahe sa gilid. Bumilis ang tibok ng puso niya nang muli niyang sulyapan iyon. Medyo kadiliman kaya hindi niya makita ang mukha. Pero ang pamilyar na tindig nito ang nagpagalabog ng dibdib niya.
Pumitik ang apoy sa gilid kaya nakilala niya kung sino ito. Malik? Dow did he find me here?
The beat of the music became louder and more dynamic. Hindi niya narinig ang senyales nang pagkasira ng wedge. Noong siya'y paliko, nawalan siya nang balanse noong napigtas ang suot dahilan ng kanyang pagkatipalok.
Sa sobrang bilis nang pangyayari, hindi niya agad naramdaman ang sakit. Nagtakbuhan ang mga nakasaksi sa nangyari at halatang nagkakagulo na ang lahat, pero nananatili siyang tulala sa galos sa kanyang palad.
"Jyra?"
The Stage Director called her but she didn't give an attention. She flinched bitterly when the pain drew on her legs. Ang sakit noon kaya hindi niya na napigilang lumuha.
"Malik?" Lawrence called out.
Napalingon siya sa tinutukoy nitong bigla nalang umuklo sa harapan niya. His worried eyes and lips that were pressed into thin line filled her emotion. She immediately hugged her so that Malik can be lifted her up. Her tears were none stopped from gushing. She felt upset from what happened to her. She fell down and hurt her foot.
How embarrassing and awful she was now. Hurting your foot means she cannot attend the event tomorrow. That realization hurts her a lot. Lalo niyang ibinaon ang mukha sa leeg ni Malik.
I failed them. Hindi pa man ako nagsisimula, pinahiya ko na sila.