Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 58 - Avoiding me

Chapter 58 - Avoiding me

THEY were sixty candidates standing before a woman in her middle forties. From her age, some would expect her to look too old but she was different. There was no sign of wrinkles on her face and neck, even on her shoulder or legs. Her hair was not white, instead of blonde and styled modernly. Wearing a rare dress that only a fashionable people would dare to bear. Alisa was looked young as if she was ranged from Jyra's generation.

"Ladies, I am Alisa Castillo." Luminga ito upang masdan ang bawat isa sa kanila. Huminto ang titig nito sa katabi niyang si Lawrence. "We have fresh faces here. Welcome to my team." Muli nitong nilingid ang paningin sa bawat isa. Nang manawa ay lumapit sa kakapasok lang na si Pink. "They are all fit." She said with him.

"It is my honor, Alisa." Pink looked at her. "I brought you new faces because I believe you will love them."

Tumawa ang ginang. Ang pang-orchestra nitong tono ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kuwarto. Nagkatinginan sila ni Lawrence. Lihim itong bumungisngis. Nginusuan niya itong tumigil dahil baka mapagalitan sila.

Alisa accidentally gazed at her. "Before we start our fitting session, I'd like to inform you that I don't do favoritism. If I agreed that dress is for you, wear it at any cost. And nailed it on stage even if you don't like it. On the waiting area, you will see the four big flat screen. We will play our old collection for you to have an idea. I have rare and exotic taste in fashion, so don't expect me to be simple." Her eyes scanned each one of them. Namataan nito si Vika sa harapan pero bumaling sa ibang mukha para suriin ang tindig at mukha. "Let's begin," she suddenly uttered.

Lahat ay pinatungo sa waiting area. Maraming upuan, mas marami sa bilang nila. At tama nga ang sinabi nito, may apat na malalaking flat screen. Lahat ay iisa ang palabas at aminin man ni Jyra o hindi, kinilabutan siya sa nakita. Challenge! She thought when she saw the exotic peplum dress that one of the models strutted on the loop stage.

"Unique," Jessica voiced out, awing each model on the screen.

"Bring it on," bulong ni Lawrence, tulala sa screen.

Her reverie interrupted when her phone vibrated. Pagsilip niya roon ay pangalan agad ni Mrs. Friis ang nakita niya. Tumayo siya upang magtungo sa comfort room.

"Hi, ma! How are you?" she cheerfully greeted.

"We are good, Sweetie. Hindi ka na namin nakikita. Kamusta na? Bumisita ka naman sa bahay, miss ka na namin ng papa po."

Bumangon ang pangungulila sa puso niya dahil doon. She missed them badly, especially Shawn. "I miss you too. Medyo busy po ako sa work at sa fashion show. Napasama po ako sa Alisa's Collection. Sana po makapunta kayo ni papa para suportahan ako."

"Yeah, we heard that from Vika. Nag-send siya ng invitation, pupunta kami anak. Susuportahan namin kayo."

Natuwa siya dahil doon. Ibig sabihin ay sinabi ni Winona na magkasama sila sa Alisa's Collection. "Si Shawn po pala, kamusta na po?"

"He is doing well, Sweetie. Wala sila rito, nasa Davao kasama nila Malik. May convention sila."

That answered her doubt. Ibig sabihin busy pala ito at wala sa Owl City. Pero bakit wala manlang pasabi?

"Ay, ma. Sige po, tawag po ako sa inyo after po ng fitting." Agad niyang pinatay nang marinig ang salitang next mula sa fitting room. Dahil nasa front row silang tatlo, kumabog agad ang dibdib niya nang tumayo si Lawrence para pumasok sa forth fitting room. Buong sistema niya ay agresibo at hindi mapakali. Hindi na nga niya halos marinig ang tunog mula sa screen noong tumayo na si Jessica. Mabilis ang iba, pero may ilan ang matagal bago lumabas gaya nitong si Winona na kakalabas lang. Ang pumalit sa kanya ay si Jessica.

It wondered her why Winona seemed unhappy. Kumpara sa ibang mga nakabalik na sa upuan nila na mukhang masaya at parang walang nangyaring fitting disaster.

Naging alerto ang katawan niyo noong may sumigaw na next. Namanhid ang kamay niya sa sobrang kaba, lalo noong makasalubong niya ang sibangot ang mukhang co-model. Huminga siya nang malalim noong pumasok sa pinto.

Ang inaasahan niyang crowded sa mga damit ay napakalinis. Lumapit sa kanya 'yung babae at nagsalita sa radio para tawagin si Pink. Ilang minuto ang lumipas ay nagbukas ang pinto at iniluwa ang lalaki. May hawak itong apat na hanger na may apat na ibat ibang damit. At dahil si Pink iyon ay hindi na mawala-wala ang ngiti sa labi niya.

"Huwag kang ngumisi ng ganyan sa akin," parinig nito sa kanya. She reminded him of Pause. But, unlike Pause, Pink is small and gay-ish while Pause looks real man.

"Kahit hindi mo ipakita sa akin iyang hawak mo. Gusto ko na agad silang lahat dahil ikaw ang pumili." Sinubukan niyang hawakan ito sa braso pero ngumuso lamang ang lalaki.

"Alam mo talaga ang taste ko, ha!" Anito, kinurot siya sa tagiliran. Nilagay nito sa gilid na apat na looplock ang apat na damit.

Doon niya na tuluyang nakita ang mga iyon. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata dahil lahat ng iyon ay nagustuhan niya.

"Oh my, bakit ka umiiyak?"

Tumalikod siya para tumingala. Nahihiya siya kay Pink at sa babae. Nang kumalma ay agad siyang humarap sa kanila. "I'm sorry. Excited lang siguro ako." Pinaypayan niya ang mukha gamit ang kamay.

"Fit it, girl. Alisa is watching on the cctv. Ipakita mo sa kanya na kaya mong suotin ang apat na damit na iyan." Anang babae, nahawa sa pagiging emotional niya.

Tumango agad siya at humingi nang paumanhin. Kinuha niya ang unang hanger. Isa iyong skimpy asymmetric maxi skirt and top. The color was crazy and hot. Nang masuot niya ay tinabig niya ang kurtina.

Magkasabay na napatakip ng bibig si Pink at ang babae, manghang-mangha sa kanilang nakikita. Pink even wiped the side of his eyes. He even gave a winked on the cctv.

She walked to test the outfit. Sumulyap din siya sa cctv para ipakitang gusto niya iyon. "I can wear this," she said, before she pointed her left foot forward, showing her long legs.

Buong pagmamalaking pumalakpak si Pink. "Excited na ako. Jyra, ikaw talaga ang inaabangan ko sa fashion show na 'to." Anito, inayos ang pagkakatali ng tube top niya.

Sinubukan din niya ang natitirang tatlo. At gaya ng nauna ay pasok lahat iyon sa panglasa niya, kahit pa skimpy at exotic tingnan sisiguraduhin niyang hindi noon matatalo ang kagustuhan niyang bumalik sa stage.

Pagkalabas niya ay nagkatinginan sila ni Winona. Dumiretso agad siya kila Jessica para ibalitang nagustuhan niya ang mga napunta sa kanyang outfit. Jessica was the same with her while Lawrence was a bit miserable.

"Binigyan nila ako ng strong outfit. Iniisip ko kasi kung paano ko dadalhin iyon. Kaya kong suotin, walang problema sa akin kahit paghubarin nila ako. Kaso kasi... alam niyo namang soft ang features ko." Umiling ito at hinilot ang sentido. "I demand a strong make-over," she said, her eyes were like fire. Glowing with eagerness to nailed the upcoming event.

"Binigay iyon sa'yo ni Alisa dahil alam niyang kaya mong dalhin 'yon. Go for it, sis!" Jessica cheered Lawrence.

Samantalang siya ay tinapik ito sa balikat. "Isipin mo nalang si boyfriend may kahalikang iba. Mawawala ang soft features mo, promise!"

Nagtawanan sila dahil doon.

They were positive when they went out the waiting area. Nasa telepono siya, tinatawagan si Mrs. Friis nang makita ang papasalubong sa kanilang dating make-up artist noong siya si Vika. Bumagal ang lakad niya kasabay nang pagngilid ng kanyang luha. Namiss niya ang babae. Parang si Timmy ito dahil mabilis kumilos at malinis gumawa. She was about to approached her until the woman just passed through her.

Naalala niyang hindi nga pala nito kailanman nakita ang kanyang mukha. Paano siya makikilala nito?

"Bakit?"

Nilingon niya si Lawrence na nakatingin sa likuran. Parang napansin nito ang ginawa niya. Umiling agad siya. "Akala ko kilala ko. Hindi pala," palusot niya.

"Nagugutom na ako. Kain muna tayo bago dumiretso kay loverboy mo, Jyra." Agaw pansin ni Jessica, may tinatawagan ito at hindi nakaharap sa kanila.

"Nasa Davao raw si Malik," anunsyo niya.

Humarang si Lawrence sa vision niya kay Jessica. "Talaga? Bakit daw?" kuryosong tanong nito.

"Convention," simpleng sagot niya. Nagpatianod sa paghila nito.

"Hindi pa rin ako naniniwala sa Twitter. May dahilan iyan si Malik. Keep your faith with him, sis. Huwag kang magpapadala sa kasinungalingan ng social media."

Aminin man niya o hindi, nabuhayan siya sa sinabing iyon ni Lawrence. Nilingon nila parehas si Jessica noong lumapit ito sa kanila. "Nagpa-reserve ako sa JamBucket. Gutom na talaga ako, tara na!"

Nang matapos nilang kumain at ilang saglit na kuwentuhan ay naghiwa-hiwalay na rin sila ng lakad. Jessica need to catch-up with her schoolmate who will visit the Owl City. Pupuntahan niya ito mamaya sa airport. Si Lawrence naman ay sasamang manood ng horse race sa boyfriend nito.

Inaaya siya ni Lawrence na sumama pero agad siyang tumanggi. Naisipan niyang bumisita nalang sa Friis Manor kaysa tawagan ang ina.

The trip was a little long because of unexpected traffic. Sobrang saya ng mag-asawa nang makita siya. They talked about the fashion show and other things. Ginabi na siya halos doon kaya nang makauwi ay bumagsak agad ang mata niya sa sobrang pagod.

Ang mga sumunod na araw ay normal. Noong maubos niya ang gawain ay hinarap niya ang cellphone. Muli niyang binasa ang ilan sa palitan nila ng mensahe ni Malik. She even remembered him say she's his reason for carrying on his life. But why he suddenly dropped her on the road without any notification. He left her hanging on the cliff, in just a small amount of air she will probably fall because no one is holding her hand.

He is avoiding me.