Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 57 - Hunch

Chapter 57 - Hunch

ITS been three days that she hadn't heard anything from Malik. Huling pagkikita nila ay noong nasa Kansas sila, kung saan naharang ito nang mga paparazzi. At hanggang ngayon ay walang anino nito ang nagparamdam sa kanya. Tumawag pa itong hahabol daw sa Calixto. Nalasing nalang ang lahat ng kasama, pero wala pa rin si Malik. Nag-aaya nang umuwi si Jessica pero nanatili pa siya ng ilang minuto. Umaasang kailanman hindi siya nito bibiguin. Pero sa unang pagkakataon ay nabali ang pangako.

"Okay! Pahinga na tayo!" Jessica said.

Muling kumirot ang sakit at pag-aalala sa dibdib niya. Instead of slowing down, she sprinted. Tears rolled down her cheek. She was thinking if he really avoided her now. That Malik maybe decided to go back to Winona.

Sa kurba ay hinihingal siyang huminto. Tinakpan niya ang kanyang mukha upang humikbi at ilabas ang sama ng loob.

Why is this happening to me? Umupo siya para yakapin ang sarili. Ang sama nang loob niya dahil nag-iiwan siya ng voice mail kay Malik. She even send messages. Ni isa ay wala siyang natanggap reply.

"Jyra? Bakit ka umiiyak?" Si Lawrence agad umuklo para hagudin ang likuran niya.

"Is this because of Malik?" Tanong ni Jessica nang makalapit. Hinihingal sa biglaang pagtakbo.

Tumingala siya para tingnan ang dalawang kaibigan. Gusto niyang sabihin ang totoong nararamdaman pero masyado pang mabigat at hindi niya malaman kung saan sisimulan. Pinili niya ang yumuko at mas lalong naiyak.

Huminga ng malalim si Jessica. Mukha itong may mabigat na dinadala sa dibdib nang umupo para silipin siya. "Hindi ka kasi mahilig sa twitter. Hindi ko rin naman masabi sa'yo kasi ayokong maniwala."

Naguguluhang lumebel sa kanila si Lawrence. "Ang alin, sis?"

Maging siya ay napatingin dito, handang pakinggan ang balita pero kinakabahan na baka tama ang hinala niya.

"May private picture si Vika na nag-leak. Kayakap niya si Malik. Alam mo namang sikat siya hindi ba, at main model ng Swizz Agency. So they talked with your boyfriend and—" Huminto ito. Nagdadalawang isip sa mga bibitawang salita.

"Go ahead, Jess." she confirmed.

Tumingin si Jessica kay Lawrence bago sa kanya. Huminga ito nang malalim. "They are dating now. That's what on twitter posted."

Parang nabasag na salamin ang puso niya. At isa sa mga bubog niyon ay unti-unting bumabaon sa kanyang dibdib. Nasapo niya ang dibdib nang magsimulang sumakit iyon.

"Jessica, totoo ba iyan?" Si Lawrence, sumulyap sa kanya at bakas ang pag-aalala.

Malungkot na tumango si Jessica. Maging ito ay nag-aalala sa kanya. Nang makita nito ang pagragasa ng luha sa kanyang piangi ay agad siyang hinila para yakapin. "Iyon ang trend. Pero walang proof. Gusto mo bang after natin sa fitting ay dumiretso tayo sa work ni Malik para siguraduhin?"

Galit na tumayo si Lawrence. "Nanggigigil ako kay Vika. Hindi naman siya gusto pero pinipilit niya si Malik. Frame up strategy."

Tinulungan siya ni Jessica na tumayo. Pinalis niya ang luha sa pisngi at inayos ang buhok. Hirap man sa paghinga at maga ang mata, tumingin siya sa dalawa. "Bibisitahin ko siya mamaya. Gusto kong sabihin niya sa akin na ayaw niya na sa akin. Na hindi niya na ako mahal."

"Sasamahan ka namin," Lawrence added.

"Susubukan kong kausapin si Tita sa bagay na iyan. Hindi ko alam kung anong kasinungalingan ang pinagsasabi ni Vika para gumawa ng ganoong hakbang ang Swizz mismo." Bulong ni Jessica habang hinahanap sa phonebook ang numero ni Mrs. Swizz.