"Huwag na tayong magpanggap. Tutal alam naman ng tao na boyfriend kita. Gawin na nating totoo iyon. Please, I love you."
Hindi umimik si Malik. He seemed trying to control himself to don't say anything that will hurt her.
Ang mumunting iyak ni Winona ang nagpalaho ng nararamdaman niya. Bigla niyang nailagay ang sarili sa sitwasyon nito. Ang sakit na dulot nang pagkapahiya at umaasang ibabalik ni Malik kung ano ang nararamdaman niyang pagmamahal.
"Binibisita mo lang ako noon dahil akala mo ako si Jyra." Sinuntok nito ang dibdib ni Malik. Ilang beses hanggang sa mangawit at sumandal sa bisig nito. "Bakit ba lahat nalang ng mayroon ako ay pag-aari niya? Kaya lalo akong naiinis sa kanya. Kasi siya nalang lagi ang tama. Siya lang ang laging napapansin at maganda. No one can see my worth." Tumingala ito kay Malik at biglang yumakap. "I need you Malik. Sa akin ka nalang. Kahit sa kanya na ulit si Vika basta manatili ka sa akin."
Inalis ni Malik ang mga kamay nito. "I cannot do that Winona."
Tumalikod siya sa kanila. Hindi na tamang nakikinig pa siya. Aalis na sana siya nang biglang magbukas ang pinto at lumagpas sa kanya ang umiiyak na si Winona. Ibig sabihin ay naiinggit na siya sa akin noon pa man. Hindi ko manlang napansin iyon. Patawad, Winona. Patawad.
Dumiretso siya sa dalampasigan para unawain ang mga nangyari noon. Sa kabila nang masalimuot na nakaraan, may mga mababait na taong dumarating sa buhay niya para hilain siya pataas. Carla raised her bountiful. She made her lived with a castle, filtering her muddy past into a creamy and unforgettable golden experience.
She chose to leave Alice to save her. But it wasn't happened, she left Malik alone. Pinagsisisihan niya iyon noong una, pero kung pupunain niya nakamit nito sa kasalukuyan ay mayroong naidulot na maganda ang pag-alis niya. Kahit pa hindi naman talaga siya ang dahilan nang pagiging matagumpay nito, at least hindi siya ang dumagdag sa sakit ng ulo nito. Walang hahadlang sa gusto nitong makamit na pangarap.
She watched the water washed her feet. "The weather is hot, but the waters coldness feels good."
"What are you doing here?"
Napalingon siya kay Malik. He was now on his white bottom shirt. Looking hot, dangerous and innocent to anything. Hindi mo iisiping nagpaiyak ng babae kani-kanina lang. Lumapit siya rito upang yumakap. Wala lang. Gusto niya lang maramdaman na ang lalaking ito ay kanya.
Malik hugged her tighter. "I'm scared now."
Nagtataka niyang tiningala ito. "Bakit naman?"
He caressed her face and even leaned to kiss her forehead. "Tan makes you hotter. I'm afraid that the parasites will increase." Umiwas ito nang tingin, halatang nahihirapan sa kung ano. "Mapapaaway ako."
"Huh?"
Hindi ito umimik. Basta niyakap nalang siya nang buong higpit. Sabay silang lumingon sa tumikhim. Si Lawrence iyon, nagpapanggap na nakatingin sa langit habang si Jessica naman ay nangingiti.
"Oh, sorry. Did we make you wait?"
"Ipagpapaalam ka lang sana namin kay loverboy. Kung puwede kang mag-gym mamaya. You know," Lawrence spilled without filter. Sa gilid nito si Jessica na naiiling at namumula sa hiya.
Ngayon niya lang napansin na pulang-pula si Jessica. Habang si Lawrence ay kumikinang sa perpektong bronze na kulay.
Napapiktik siya sa kawalan at humarap kay Malik para ngumiti. "Like the old days." She shrugged.
Umakbay sa kanya si Malik at sinimulang maglakad. "Mga anong oras iyan? Nag-aaya sila Colin, invite your girl friend."
Sumabay siya sa lakad nito. Maging sila Lawrence ay nakiayon sa kanila.
"Where?" she asked him.
"Calixto Bar."
Napasulyap siya kay Jessica noong tumili ito. Marahas ang ihip ng hangin dahilan kung bakit umangat ang suot nito maiksing dress. Lawrence even helped her, they were almost half running going through the hallway. Iba na ang mood ni Jessica habang naghihintay sa kanila ni Malik.
"Okay lang sa akin. Minsan lang naman," Si Lawrence na ang sumagot.
Going out became a struggle with them. Paparazzi flocked with Maliks appearance that's why Lawrence and Jessica pulled her separately. Imbes na sa sasakyan siya ni Malik sumakay ay kay Jessica sila dumiretso.
Ang lakas nang kalabog ng dibdib niya sa nangyari. Nagulat siya sa sunud-sunod na batong tanong kay Malik.
"Sino ang ipinalit nito kay Vika?"
"Ano ang dahilan nang paghihiwalay nila?"
"Totoo bang hindi totoong si Vika ang tumatayong Vika ngayon?"
"Kilala ba nito ang totoong Vika?"
Mula sa loob ng sasakyan ay pinapanood niya si Malik. Bagaman pinagkakaguluhan ito, hindi mababakas sa mukha nito ang takot o ano mang kaba. Lumingon ito sa kasama nitong biglang lumapit. Ito 'yung kasama ni Malik na tinutukoy nito.
Jessica started the ignition. Noong kumilos ang sasakyan ay tumingin sa kanila si Malik.