NAUUNA si Frank sa pagpasok sa condo niya. Ang pagiging tahimik nito ang lalong gumagatong sa inis niya kay Bridgette. She shouldn't feel this way towards the lady but she can't help it especially when Frank was involved or Shawn.
Was it really true?
Hinaklit niya ang braso nito paharap sa kanya. "Long-term girlfriend. Really, Frank?" she desperately fixed her eyes with him. She will not let this day be waste without confirming to him all their score – Shawn, Bridgette and him.
"What?" inosenteng tanong nito.
Mapaklang tawa ang pinawalan niya dahil sa inaakto nito. "Frank, hindi mo madadaan sa akin 'yang paganyan-ganyan mo. Kailan pa 'yan? Did you live with her and intimately practice this thing that was beyond a school boy shouldn't do?" Paratang niya rito, namimilog ang mga mata at hindi na napigilang magtaas ng boses.
Instantly, Frank leveled her emotion. His brows curled while his eyes were deadly serious. He looks tempted to fight back but he resisted and looks away. "Hindi ako umuwi para ibalik ang nakaraan. I come back because of you." Nauumay nitong tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Akala mo ba hindi ko malalaman na si Winona ang nagpakitang si Vika?"
Saglit siyang natigilan sa gulat o pagkalito. She's struggling with her feelings if she will still hold on the old issue or she will sit on the hot seat that Frank just prepared for her.
"She was now the real face of Vika," dugtong pa nito.
Tiim bagang niyang nilunok ang katotohanang sinabi ni Frank. Indeed, the imaginary spotlight turned to her, at hindi iyon mamamatay kapag hindi niya nasagot ang lahat ng ibabatong katanungan sa kanya.
"Deal. Iyon ang narinig ko sa inyong dalawa. Ibig sabihin, sa ating dalawa ikaw ang tumalikod. Tinalikuran mo ang responsibilidad mo bilang Aldri—"
"Hindi totoo 'yan," putol niya rito. Her chest was bobbing from anger but she have to hold on it.
Pagod na hinilot ng kapatid ang sentido bago bumulong, "Nasaan na 'yung matapang kong kapatid? Si Jyra Keith na palaban at hindi makikitaan nang kahinaan?"
Parang binalya ng ilang ulit ang dibdib niya sa narinig. Lalo noong bumaling sa kanya ito at bakas ang pagkadismaya. "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa Paris. Takot na takot ako, pero lumaban ako dahil alam kong nariyan ka sa likuran ko. Tapos nang mapanood ko ang comeback, doon ko naramdaman na wala na pala akong sinasandalan. Kapag umatras pala ako, mahuhulog ako sa hukay na may naghihintay sa aking kamatayan." Niluwagan nito ang suot na bow tie at agad umiwas nang tingin. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila bago ito muling bumaling sa kanya at bumulong, "You spit on our mothers grave."
"Don't you dare involve her about this!" she roared breathlessly.
"But, you did. How dare you swap yourself for someone's identity? For, what? Kulang pa ba 'yung pamana ni Mommy?" he mocked her.
Umungos siyang sasampalin ito ngunit agad niyang pinigilan. Nanginginig ang mga laman niya sa galit. Ang nagsusumidhing sakit ng mga paratang nito sa kanya ay pinupuno ang mahabang pisi niya at ngayon ay narating na ang limitasyon. She need to release it but then it was not right. Hindi si Frank ang may kasalanan dito. Kung hindi ay siya mismo, dahil pinahintulutan niya ang pagkakamaling pasya. Hinayaan niyang lamunin ng inggit ang kanyang puso. At hayaang maghari ang kamalian na akala niya ay tama at magpapasaya sa kanya.
Taas-baba ang dibdib ay dumistansiya siya rito at tumalikod. She brushed her hair harshly. "You are one of my karma." Nanginginig ang kanyang paghinga at ramdam niya sa buong katawan ang hinanakit at pagsisisi, "Si Pause. Ang pamilya ni Winona. Shawn." Even, Malik. Bahaw na ngiti ang lumandas sa kanyang labi bago nagpatuloy, "Ipinagpalit ko ang pinakamahalagang parte ng pagkatao ko." Malungkot niyang tiningnan si Frank.
Indeed, Frank was her siblings. Her façade of emotion quickly connects with him. His soulful and concern eyes tell her that he understands. That he already forgive her no matter what because she was the only family he has. It makes her heartache that she once become foolish. And now even if she tried to ask the forgiveness of everyone she will never get it back or restart everything.
"Hindi na ako si Vika. Hindi ko na siya makukuha pang muli." Umiwas agad siya nang tingin nang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Nanginginig niyang iniyuko ang ulo upang itago sa kapatid ang kirot at sakit.
Frank reached her to bury on his chest. His warmth and comforting embrace makes her realize more the truth. "Masakit pala kapag napagtanto mong hindi na maibabalik ang dating sa'yo," nangangatal niyang bulong.
Frank nodded his head. "Naiintindihan kita, Ate," bulong nito malalim ang iniisip.
Dumistansya siya rito upang tingnan ito.
"Ganyan ako noon sa inyo. Nahihirapan akong ipaliwanag ang nararamdaman ko sa takot na baka hindi niyo ako maintindihn. Lahat nang pinagdadaanan ko, hindi niyo alam ang totoong kuwento. Para saan pa kung malalaman niyo? Tiyak namang lalo lang kayong magagalit sa akin. Ayokong mag-alala kayo sa akin o dagdagan ang problema niyo. Iyon ang isa sa pagkakamaling pinagsisisihan ko. Dapat pala sinabi ko sa inyo. Dapat pala hindi ko kinimkim, kasi ang bigat. Ang bigat niyang pasanin mag-isa. Tapos dumating sa puntong hindi ko na kaya, hindi ako makaahon sa mga ito, hindi ako makatakas dahil hinayaan ko ang sarili kong hatakin nitong lahat. Hanggang sa dumating si Mommy Carla. Sabi niya, kung ano man ang problema ko ay ipagpasadiyos ko.
"Ate, bago mamatay si Mommy. Ang totoo niyan, tinawagan ko siya para sabihing buntis si Bridgette." Umiwas ito nang tingin habang nakatingala. Nakaawang din ang mga labi, pinapawalan ang hanging naipon sa dibdib nito. Sumulyap ito sa kanya, "Nalaman ko sa mga katulong na tinawagan ni Mommy si Bridgette. Sinabi raw ni Mommy na patawarin na ako at balikan para sa bata. Pero may sinabi raw ang nasa kabilang linya na nagpabigat sa dibdib ni Mommy hanggang sa—" Hindi nito itinuloy ang sasabihin at buong tapang na humarap sa kanya. "Pero hindi si Bridgette ang pumatay kay Mommy. Mother was perfectly fine after the conversation but I can't deny that that was one of her heavy load and stress aside from the company."
"At bakit galit na galit ka kay Shawn?" she interrupted.
"I heard from my bro's that Bridgette was deeply in love with him, and he was the reason why Bridgette hides from me about her pregnancy. Marami ring nagsasabi na palaging pumupunta si Bridgette sa condo ng gagong 'yon. Malaki ang posibilidad na ako ang ama pero puwede ring iba. Sana... ako nalang."
"Shut up! Hindi niyo deserve si Bridgette. Paanong naging long term girlfriend mo si Bridgette, kung hindi naman ikaw ang pinakilala niya sa amin na boyfriend niya? Sa kaunting panahon na nakasama ko si Shawn, alam kong hindi niya gagawin iyon. Tiyak ako riyan. Kilala ko kung sino ang gusto niya at hindi ang babaeng 'yon. Sa mga oras na ito alam mo nang hindi ikaw ang ama."
Tumango ang kapatid niya sa kanya.
"Anong nangyari sa bata? Bumalik pa si Bridgette sa stage, a!"
"Hindi ko alam. Wala na akong pake," malamig na tugon nito.
Bagaman nagbago ang kapatid, bakas sa pagkakabagsak ng balikat nito ang pagod. His strong expression might tell he can dodge everything, he is not weak, but in his eyes, she can read how torn and ill he was. He needed help.
"Are you alright?" she asked out of the blue.
"I am perfectly fine."
Sinungaling. Nakangiti siyang umiling-iling.
Ang mga lalaki talaga kailanman hindi kayang magpakatotoo. Kahit gaanong kahina nila, hindi nila ipapakita sa iyo o ipaparamdam iyon.