Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 32 - Shawn

Chapter 32 - Shawn

TINABIG ni Jyra si Timmy na nakaharang sa daraanan niya. She stormed the staircase of the club the fastest that she can never minding the volume of people on the way. Nanginginig at hinihingal niyang hinanap si Frank. Naabutan niya itong kinukuwelyuhan si Shawn, habang si Bridgette ay nasa gilid at gulat na gulat.

Agad siyang lumapit at hinawakan ito sa braso. "Bitawan mo siya Frank. Ano ba!"

Nagdidilim ang paningin ni Frank kay Shawn, bakas iyon sa nagngangalit na mata nito at nanginginig na labi. "Gago ka. Talagang hindi ka pa nadadala," asik nito bingi at hindi alintana ang kanyang prisensiya.

"Frank!" Iyak niya ngunit tinulak lamang siya nito upang bigyan ng suntok ang kaaway

Sinalo siya nila Mark, Grace at Lawrence na sumusunod lamang sa kanya kanina. They were all looks worried, shock and clueless to what was going on.

Tumili si Bridgette noong lumanding si Shawn sa bakanteng mesa at natabig ang mga bote roon. Frank looks scary and wild beast crawling on his fray when he walked fast and grab Shawn on his shirt.

Tatayo sana siya upang muling pigilan si Frank, ngunit agad lumingon sa kanya si Shawn. Wala itong sinasabi ngunit sa mga mata nito ay malinaw niyang nababasa na ayaw nitong lumapit siya at hayaan lang.

Umiling siya at hinila ang braso nila Mark. "Please Mark pigilan mo ang kapatid ko. Please! Please!"

Tumalima si Mark ngunit dalawang bouncer ang agad lumapit noong aakmang suntikin ni Frank si Shawn. Pinaghiwalay ng apat na malalaking lalaki ang dalawa. Noong hawakan noong isang lalaki ang kapatid niya'y biglang sumulpot ang dalawang bodyguard ni Frank.

May ilang pag-uusap ang mga ito at ipinakita ang VIP card ng kapatid niya. Tinuro rin siya ng isa sa mga body guard kaya lumingon sa kanya ang mga ito at agad tumango.

Nananakit ang gulugod niya noong subukang tumayo. Ngayon niya lang naramdaman iyon matapos ang lahat.

All the gossipers come back on their own world. Hindi pumayag si Shawn na gamutin ang pumutok niyang labi. Nananatili lang ito sa gilid at matamang nakatingin sa kanya. Frank was all eyes to Bridgette while the girl was crying as if she's the one who got hit.

"Hindi ba't kasama 'yan sa parade ni Vika?" the bob cut woman on her group spoke.

Sinundan niya ang tinitingnan nito. Nakita niya sa kabilang table si Graciella. Hindi pala nag-iisa si Bridgette rito. She's with Gracy. Her curious eyes drifted to Shawn and to the other tables. Hinahanap niya sila Colin or Pao, dahil malabong mag-isang pumunta rito si Shawn para magsaya.

"Mukhang nagkakasiyahan lang sila Bridgette noong biglang sumulpot ang kapatid mo, Jyra. May ano ba sa kanila at galit na galit 'yon?"

Hindi niya iyon sinagot. Nanatili kasi ang tingin niya kila Graciella. May kasama itong dalawa pang babae na hindi niya kilala at tatlong lalaki na parang pamilyar. Napaiwas siya nang tingin noong maglingunan ang mga ito sa kanila. Lalo noong tumayo 'yung isang lalaki at lumapit kay Shawn.

"Hindi ba't si Winona 'yan. Kilala niya si Frank?"

Ngayon alam niya kung bakit pamilyar. Isa ito sa mga inhenyero na kasama naroon sa North Gate noong bumisita siya.

Hindi sumagot si Shawn. Hindi na rin ito tumingin sa kanya.

"Okay ka lang ba?" si Grace. Inabutan siya nito ng mineral water. Tumagos ang paningin niya sa tubig patungo kay Shawn. Napansin niya ang natutuyong dugo sa gilid ng labi nito.

Kinuha niya ang tubig. "Okay lang ako, Grace. Salamat." Agad siyang tumayo para lumapit kay Shawn. Hinila niya ang isang upuan at padarang na ipinatong sa tapat nito ang tubig. Pagkaupo'y kinuha niya ang first aid kit. "Salamat at hindi mo pinatulan ang kapatid ko." Bulong niya rito habang abala sa pagprepara ng panglinis ng sugat nito.

Huminto siya nang mapansin si Bridgette na lumabas. Tahimik na sumunod dito si Frank.

"Bakit ba kasi pinipilit pa rin ng batang 'yan ang sarili kay Bridgette. Hindi nga siya ang ama. Ang kulit!"

Lumingon siya sa table nila Graciella noong magsalita ang isa sa mga babae roon. Napansin niya rin ang pag-irap sa kawalan ni Lawrence. Nang makita siyang nakatingin ay inilingan siya nito habang nangingiti.

Tahimik na ngiti ang isinukli niya rito at nag-mouth na manahimik nalang. Pagbaling niya kay Shawn ay nawala ang saya sa labi niya. Pinapanood kasi siya nito.

"G-girlfriend mo si Bridgette." Aniya habang nilalagyan ng alchohol ang cotton. Pagbaling niya rito'y bumuntong hininga siya sa pagiging tahimik lamang at hindi pagsagot. Binigla niya ang dikit kaya napakislot sa hapdi ito. "Gusto mo talaga dinadaan ka sa rahas, e." Parinig niya rito, sinasadyang idiniin ang pagpahid.

Natigilan siya noong hawakan ni Shawn ang kamay niya. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

Shawn was making her uncomfortable. Hinila niya ang kamay upang kumuha ng bandage. Binuksan niya iyon at agad idinikit sa sugat nito.

"Mag-usap tayo sa ibang araw, Shawn." Niligpit niya ang first aid kit at aakmang aalis ngunit pinigilan siya nito.

Her eyes roam the two tables. She awkwardly look on Shawn's stance especially with his familiar concern eyes. Amoy alak ito kaya alam niyang wala sa katinuan. Ayaw niyang isipin ng iba na may kakaiba sa pagitan nila. She casually come closer to him to give a peck. She even whispered, "I'll be home by the next day."

Hinarap niya sila Graciella. "Pasensiya na kayo sa ginawa ng kapatid ko. By the way, my real name is Jyra Keith Aldrich but I am still Shawn's sister—"

"Will you shut the fuck up! You are not my sister!" Shawn immediately interrupted her and grabbed her arm.

Sa sobrang gulat ng dalawang panig ay magkakasabay itong tumayo. Nagulat din si Jyra sa biglang pagsulpot ng isang bodyguard sa gilid niya. Pinigil niya lamang ang gagawin nito noong itaas ang kamay.

Alanganin niyang hinarap ang grupo nila Mark at Graciella. "Lasing lang si Shawn." Nanatili ang mata niya sa pamilyar na lalaki. "Please, iuwi niyo na ang kapatid ko." Marahas niyang hinila ang braso ngunit ayaw papatibag ni Shawn.

He even snaked his other hand around her waist.

"Shawn, let go of me." Galit niyang bulong dito.

He looks struggling of letting her go. That if he did it, she will never come back to him and he feared that happen.

"Get off your hands of her."