Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 37 - Trials

Chapter 37 - Trials

Sa pagmulat niya nang mata nang araw na iyon ay tawag agad sa Candella ang umagahan niya. Riding the BMW, she drove off to the main. Mr. Ross wants to help her portfolio. Ang naging feedback kasi sa video niya sa Candella ay pumutok sa madla.

May ilang interesadong company ang gustong makilala siya. Kalakip noon ay kakailanganin ng samples.

She's on the phone with Mrs. Friis when she stepped her feet out on the elevator. Three ladies in casual attire eyed her from head to toe. Habang tumatagal parang nasasanay siya sa ganitong pagbati. Kapag talaga bago ka sa paningin nila iniisip nilang wala kang karapatang magtaas ng noo o magbuhat ng bangko. Dapat ay hanggang sa lebel ka lang ng pagiging bago dahil mas matagal na sila.

I don't give a shit. "Yes, I am here now. Kailan po kayo uuwi?"

Nahuli niyang bumulong sa katabi niya iyong babaeng nasa gitna. The lady on the left uses wig. Iyong gaya ng kay Sia. Halata iyon noong tumango at lumingon pa sa kanya.

"Miss ko na po kayo. Sige po. Mag-iingat po kayo riyan. Bye!" She put back her phone in her sling bag and greeted the three ladies, "Good morning!"

Sabay-sabay na umismid ang mga ito.

Ngumisi siya dahil doon. Hindi naman nagpasabi itong si Clara na marami palang gaya niya. Sa susunod paghahandaan ko ito.

"Anong oras na? Kanina pa kami rito, ngayon ka lang." Reklamo noong naka-brush up ang buhok.

Sumulyap siya sa relo at inalala ang sinabi ni Mr. Ross. "I'm not late. Actually, I'm early. Bakit ka nagagalit?" buwelta niya rito.

Halatang na-offend 'yong babaeng naka-wig. Tumayo ito pero humalukipkip lang. "Kanina pa kami rito. Hindi kami pinapapasok dahil apat daw dapat na babae. Ikaw ang dumating, so ikaw ang hinihintay namin."

"Hello!"

Naguguluhan niyang tiningnan ang babaeng kakarating lang. She's pretty but messy because of an obvious reason. Taas ang kilay niyang binalingan ang tatlong babaeng hindi rin makapaniwala.

"Tingin ko. Hindi ako ang rason kung bakit hindi pa rin kayo pinapapasok." Aniya, dumiretso sa pinto para itulak.

Some of the staff greeted her. She teasingly stayed at the open door. Tinawag niya ang isa sa mga facilitator ng photoshoot at tinuro ang tatlong babae. "Who are they?" she asked, mimicking of how they eyed her from head to toe.

"Ay sila po ang makakasama niyo sa shoot, Ma'am." Mahinahong sagot ng babae, bmaling ito sa apat na babae. "Sa dressing room nalang." Tinuro nito ang kabilang daan. "Diretsohin niyo lang 'yan at sa pinakadulo kumaliwa kayo."

"Ano bang theme?" singit niya rito.

"Hot girls on the club, Ma'am."

Tumango siya at sumunod dito patungo sa kabilang set. She has a separate solo photoshoot. It was about modern Tinkerbell. Ang bagong design para next month ay peplum dresses, pero ang sa Candella ay may twist. She's excited when she scanned the samples.

She grabbed her quick breakfast. Her twenty minutes preparation were very fast. Hindi nga niya matandaan kung nanguya ba niyang maigi iyong croissant.

"Beautiful. Look up and add some drama!" Mr. Ross shouted.

Tumingala siya at hinaplos ang leeg. Her eyes were drowsy when she glanced at the camera. Napansin niya ang ngiti sa labi ni Mr. Ross, marahil ang nagustuhan nito ang post niya. She walked a little and face forward.

"Very good. Keep it up, Jyra!" Mr. Ross shouted while checking the camera. Humiga ito sa sahig at sa ganoong posisyon ay kinuhaan siya ng larawan.

That reminded her about Mr. Chen. All the models of Swizz like him because he's lively and exotic. His ideas were exquisite and fascinating. Mahirap ang madalas na stunts na naiisip nito pero panalo kapag nakuha niya ang perpektong anggulo.

"Okay, let's move to next phase." Mr. Ross shouted. Tinawag nito ang isa sa staff. "Tell Cinder to changed Jyra. The hotter the better make-up." Lumingon ito sa kanya. "I will assure you that you will not regret coming here." Ngumiti ito sa kanya bago sinagot ang tawag. "Honey, she's here. I told you she will come. Pumunta ka rito at nang makilala mo siya."

Nagpahatak siya kay Cinder ngunit nananatiling nakatingin sa ginoo.

"Ingat, Honey. I love you."

Ngumiti siya rito noong sumulyap sa kanya. Mali kasi ang unang impression niya kay Mr. Ross. He is respectable and gentleman. And she's glad that there's still a good man in this world.

Pinapanood niya sa salamin kung paano lagyan ni Cinder ng smoky effect ang kanyang mata. Cinder is like her famorite make-up artist in Swizz. Parehas silang may mabilis na kamay at palaging maganda ang resulta. Ang ipinagkaiba lamang ay si Cinder alam ang itsura niya habang ang kilala niya ay hindi.

Kamusta na kaya siya?

Her eyes drifted on her phone. Malik is calling her.

"Hello?" She completely closed her eyes when Cinder tells her to do so.

"Good morning. Where are you?"

Napangiti siya sa boses nito. "Kakagising mo lang?"

"Hmmm. Miss na kita agad. Can I see you?"

"I'm here in the main. Maaga akong gumising. Wala ka bang pasok?" Dumilat siya nang maramdaman ang pagbaling ni Cinder sa kanyang buhok. Nahuli niyang nakangisi sa kanya ito. Inilayo niya ang cellphone para bulungan ito. "Anong nginingisi mo riyan?"

"Si Ma'am talaga. Kaya blooming. Papuntahin niyo po rito." Tukso sa kanya, busy sa pagplantsa ng kanyang buhok.

Lumapad ang ngisi niya dahil doon. Some part of her was telling why not, but hell she might lose her focus if he did.

"I have work today. But, I can pick you up when you're done."

Medyo napalakas ang boses ni Malik kaya narinig ni Cinder. Bahagya itong tumili para sa kanya.

"No. I mean, Malik, you don't have too."

"I badly wanted to see my baby."

Napakagat labi siya noong hindi na napigilan ni Cinder ang mapa-upo sa kilig. Tinakpan pa nito ang bibig para hindi marinig ni Malik ang pagtili nito.

Tinitigan niya ng masama si Cinder. She even mouthed her to shut her mouth. "Silly. Baka matagalan pa kami rito. Maraming phase at ideas kaya hindi ko alam kung anong oras matatapos." And why I am explaining myself as if I wanted him to pick me up for real? Tiningnan niya mual sa salamin si Cinder.

Namumula sa pisngi nito sa sobrang kilig na para bang ito ang kausap ni Malik at hindi siya.

"Alright. In one hour I'll be there."

Napadiretso siya sa upuan dahil doon. Samantalang si Cinder ay hindi magkamay sa pagtili.

Bumukas ang pinto at niluwa ang nagtatakang si Mr. Ross. "Are you guys alright?"

Nagkatinginan sila ni Cinder at inosenteng tumango.

Kunot na kunot ang noo ni Mr. Ross lalo noong tumingin ito kay Cinder. "Okay, bilisan mo Cinder. Five minutes, Jyra should be in room five."

Wala nang inubos na oras ang dalawa. Ganoon nga ang ginawa ni Cinder habang siya naman ay biglang kinabahan.

Room five photoshoot done in less forty minutes. Aminado siyang magaling ang tatlong maldita kanina. Nagbago ang mga itsura nito noong maayusan. Hindi nga niya nakilala. At naging mabait din sa kanya.

"Ma'am, sorry nga po pala kanina." Iyong naka-wig na ngayon ay naka-balck long hair na.

"It's okay. I enjoyed working with you. Basta 'wag niyo ng uulitin ang attitude. Hindi iyon maganda." Sinulyapan niya ang late na babae. Tahimik lamang ito at halatang bully ng tatlo. Naka-ilang iling siya sa mga ito nang talikuran upang dumiretso sa dressing room.

Cinder assisted her for the next outfit. Isang hilera ng one piece at two piece ang mga naroon. She can wear them actually, but being watched by Malik on the shoot while wearing those makes her uncomfortable. Bakit kasi swimsuit pa?

Isinuot niya ang itim na one piece. It was shiny and crisscross on the back. Sobrang hapit noon sa katawan niya. At some point, it suits the background but when she knew that she will be assisted by a male model she speaks with Mr. Ross. Hindi ito pumayag pero sinabihan naman siyang 'wag masyadong dumikit.

Habang papasok sa room six ay natigilan siya noong sabay-sabay na lumingon sa likuran ang mga kasama niya.

Malik in his dashing corporate attire filled her system. Inasiste ito ng kanyang maharot na make-up artist na si Cinder. He was treated VIP with the staff. Binigyan pa ng upuan pero hindi pinansin dahil titig na titig ito sa kanya.

Perhaps, this is one of the trials of reality.

She heave a long sigh.

Anong gagawin niya ngayon?