"Do you forgive me now?" she asked her eyes were twinkling brightly as she felt accepted when her brother tsked.
"Si Shawn ba ang kapatid ni Winona?" galit na tanong nito.
Iniwan niya ito sa sala para dumiretso sa kusina. Bigla siyang nauhaw sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Gusto mo ng tubig?"
"Yes, please!" sagot nito.
Naabutan niya ang kanyang kapatid na nakaupo sa sofa at tulala. Hinagis niya rito ang bote ng mineral. Napatuwid tuloy ito sa gulat at busangot ang mukhang iniringan siya.
"Friis business is progressing. I saw your video." Anito bago uminom nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"A, 'yung sa Candella." Turan niya biglang natulala sa kanyang cellphone na patuloy na umiilaw. Malik was calling her. Namatay ang tawag, kaya doon lang siya napatingin sa kapatid.
"I think modeling suits you. Bakit hindi mo nalang i-pursue 'yan? Don't worry about Lazarde. I can handle it. Trust me."
Natulala siya sa kumpiyansa ng kapatid. Mukhang nagkamali siya sa nakitang pagod sa mata nito. Mukhang maging ang mismong lakas ng loob ay lalong nadagdagan, parang lumagpas pa nga sa sobrang yabang.
Gayunpaman, ang ideyang bumalik sa pagmomodelo ay kinakatakot niya. She can't understand her sudden fear about that, it was like Winona will get mad. And it was weird.
She shrugged that idea because it was not her top priority as of the moment.
"Fuck!" Frank cussed.
Nagulat siya sa biglang pagtayo nito at nagmadali sa pag-ayos ng bow tie. Dahil sa pagkataranta ay lalo nitong hindi maayos iyon.
Agad siyang lumapit dito at inagaw iyon. "Bakit ka ba nagmamadali? Para kang maiiwan sa kasal mo kay Bridgette sa sobrang takot na baka hindi ka siputin."
"Nakakatawa. Sobra," bulong nito sa kanya, humahaba ang nguso.
Tumatawa niyang pinalo ang balikat nito. "Saan ba ang lakad mo?" Dinungaw niya ang pulang marka sa bandang leeg nito. Napangiti siya dahil doon.
"I'm going to meet, Tris."
Umarko ang kilay niya nang matapos sa ginagawa. Mukhang tama pa ang kanyang hinala. "New girlfriend?" she asked pretending innocent.
"Tristan Jacob Caesar, i-search mo nalang. I have to catch him. Mailap pa naman ang isang 'yon."
Naiwan siyang tulala sa nagsarang pinto habang inaalala kung saan niya narinig ang pangalan na Tristan. Biglang sumagi sa isip niya si Roena. She gave her a call immediately.
"He is one of the CEO of Vixie Empire, Ma'am Jyra. Na-receive ko po ang schedule ni Sir Frank sa secretary niya. He has a reservation at Funtastic Club. Kakatagpuin niya po ang best friend niyang si Mr. Tristan. Then, in the evening he has to catch his flight going to Madrid. Congratulations, Ma'am. Elegance just broke the record of International bestselling jewelry. Kinilabutan po ako dahil natalo po ang isa sa popular na tie-up ng Swarovski."
"Salamat, Roena." Pinatay niya ang tawag habang tumatambol ang kanyang puso. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang nakangiting si Carla. Malamang kung itoy' nabubuhay sobrang proud nito sa kapatid.
Sino ba ang mag-aakalang ang isang basagulero at mukhang walang future na si Frank ay maabot ang ganitong tagumpay?
Nakangiti niyang nilingon ang cellphone. Naabutan niya iyong umiilaw. She tried to chase the call but her phone suddenly drain. Nanghihina niyang ibinagsak sa sofa ang katawan at patamad na tumingin sa kisame.
I should make myself busy.
Habang naka-charge ang kanyang mobile, inabala niya ang sarili sa ibang bagay. She answered some of her emails and do some paper works that Roena send her from yesterday. Hindi na siya nag-abalang magluto dahil wala rin namang laman ang refrigerator. She asked for a delivery. And within thirty minutes the food arrived.
When she felt she needed to check her phone, she immediately crept the small space going on the side table. Nakita niya ang sign na fully charged na kaya agad niya iyong dinampot at binuksan.
Nananagana sa miscall at text ang bumungad sa kanya. Pinaghalong pangalan ni Shawn at Malik ang naroon, hindi niya tuloy alam kung dapat ba niyang tawagan ang dalawa o hahayaan niya nalang. Pero sa huli si Malik pa rin ang iniisip niya.
He must be at work now.
Napapitlag siya nang bigla tumawag ang cellphone niya rito. Sa sobrang sensitive at makabago ng kanyang mobile, nahagip lang ang button ay nagkusa na itong tumawag. Kinakabahan niyang pinatay iyon habang namimilog ang mga mata.
Oh my gosh, ano nalang ang iisipin niya?
Muli siyang umupo at tinakpan ang mukha gamit ng parehas na kamay. Naiiyak niyang inisip ang matatalim na titig ni Malik.
Nakakahiya. Ano ipapalusot ko?
Marahas siyang tumayo at nginatngat ang kuko sa hinlalaki. "Really, tumawag ako? Hindi ako 'yon." Ginulo niya ang buhok habang umiiling-iling. That's frigging lame, Jyra. Think something else. "Namalikmata ka lang. Hindi ako tumawag sa'yo." Masigla niyang dahilan ngunit sumagi sa isipan niya ang nag-aapoy na tingin ni Malik kagabi. Umiling-iling siya at agad pinulahan ng mukha.
A-ano 'tong iniisip ko? God!
Walang pag-asa niyang ibinagsak ang katawan sa sofa. Ibinaon ang kanyang mukha sa throw pillow at ilang beses nagtitili sa sobrang hiya.