Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

23

May binabasa siya sa libro tungkol sa second base na sinasabi niya ngunit talagang 'di ko magawang makapagpokus doon dahil sa labi niyang hindi ko magawang lisanin ng tingin dahil sa napaka-sexy nitong pagkibot.

"Nakikinig ka ba, Krisel?"

"Ha? Ah... O-opo... opo!"

"Alright, let's do it then."

"S-sige po."

Tumayo siya kaya tumayo rin ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin. Bahala na. Nagulat na lang ako nang hapitin niya ako sa baiwang para ilapit lalo sa kanya.

"S-sir?"

"Diba gusto mo ako?"

"O-opo sir."

"So papayagan mong mag-second base tayo?"

"Kahit third, fourth, fifth, six, seven hanggang one hundred base pa 'yan Sir, ayos lang."

Natawa si Sir Rod sa sinabi ko. E totoo naman e. Kahit anong number pa 'yan ng base kung si Sir Rod naman ang gagawa, ayos na ayos lang.

"Loko! Hanggang tatlo lang ang bases Krisel," natatawa pa ring ani Sir.

"Ah hanggang tatlo lang ba? Hehe. Naiba na pala," bulong-bulong ko habang napapakamot ng ulo.

"Anong naiba? Ganon talaga yun Krisel, hanggang tatlo lang dahil pagkatapos ng tatlong 'yan..." Hinapit niya pa ako kaya nagkandasubsob ako sa matigas niyang dibdib. At taragis 'yang bagay ni Sir sa baba, todo makatusok ng tiyan! Kaya naman umatras ako ng konti.

"Pagkatapos po ano?" tanong ko.

Ngumisi siya saka dinampian ako ng halik sa ilong. "You'll know soon."

Ayt! Pabitin naman ito Sir Rod. Saka bakit sa ilong niya lang ako hinalikan? Napasimagot tuloy ako.

"Wag kang ngumuso, Krisel. Baka dumugo na naman 'yang labi mo." Ngumuso ako lalo. E'di dumugo kung dumugo. Kung siya naman ang dahilan ng pagdurugo, iindahin ko na lang.

Umayos na kami ng tayo. Magsisimula na sana kami kaso biglang nag-alburuto ang aking tiyan. Oo nga pala, hindi pa ako nag-aagahan. Napansin iyon ni Sir Rod dahil sa papansin kong tiyan kaya naman pinag-almusal muna ako nito ng hinandang agahan ni Nay Lordes kanina. Kakailanganin ko raw kasi ng lakas sa gagawin namin. Jusko naman! Kakanerbyos tuloy iyang second base na 'yan. Mala-PE pala na nangangailangan ng lakas at enerhiya.

Sobrang sabik na tuloy ako malaman at maranasan ang second base. Sa sobrang pagkasabik ko ay binilisan ko ang bawat subo ng sinangag at toyo. Susubo kaagad kahit may laman pa. Nabulunan tuloy ako sa pagmamadali kaya itong si Sir Rod, hindi magkandaugaga sa pagkuha ng maiinom.

"Damn, Krisel! Nasaan ang jag niyo rito?!" pikon nang sigaw ni Sir Rod na kanina pa kalkal nang kalkal sa mga gamit sa kusina. Ako naman ay hindi ko magawang makasagot ng matino dahil halos malagutan na ako ng hininga sa pagkaing bumara sa aking lalamunan.

"Acckkkkk... S-sir.. Arrrgghh! W-wala kaming... Aaacckkk... A-aray!"

"Shit! Ano? I can't understand you!"

"Acccckkkk... Aaarrrckk..."

"Anong arc? Tell me where the hell your jag is!"

"S-sirrr... Acckkkk! B-bobo ka ba? A-aray! Aarrckk akkkk... M-mahirap lang... Aaackkk... k-kami! W-WALA KAMING JAG!" Napaluhod na ako sa sahig sa sobrang sakit na ng lalamunan ko. Taragis! Mamamatay na yata ako! Ito namang si Sir Roderick, nagagalit pa e sa wala kaming jag, anong magagawa ko?

"Shit! Stay still! Nasaan ba dito yung tubig niyo?" Tarantang-taranta na itong pabalik-balik sa akin at sa gilid ng lababo kung saan nakalagay ang mga gamit sa kusina.

Tirik na ang mga mata kong basang-basa na ng luha. Pakiramdam ko ano mang oras ay malalagutan na ako ng hininga. Kakalungkot naman ang dahilan ng pagkamatay ko. Babae, namatay kasi nabulunan sa pagmamadaling maranasan ang second base! Pahamak na second base 'yan!

Nanghihina man ay sinikap kong tinuro ang kinalalagyan ng mga bote ng 1.5 na softdrinks. Dali-dali namang kumuha roon ng isang bote si Sir Rod. Wala nang baso baso pang pinalagok niya sa akin ang laman nun.

Halos naubos ko ang kalahati ng laman nun. Habol-habol ko ang hininga ko nang makabawi. Nanghina ako sobra. Inalalayan ako ni Sir Rod sa pag-upo sa silyang kahoy.

"Damn it, Krisel! Wag mo nang uulitin yun!" tunog iritadong wika ni Sir Rod. Pawis na pawis ito at may bakas ng pag-aalala sa mga titig niya sa kabila ng iritado niyang ekspresyon.

Ngumiti ako saka ko hinawakan ang pisngi niya. "Sorry," mahinang anas ko.

Tipid siyang ngumiti bago ako hinigit sa isang yakap. "Kinabahan ako, Krisel. Wag mo nang uulitin yun."

"S-sorry Sir," mahina pa rin ang boses ko dahil sa panghihina. Lalong humigpit ang yakap niya. Hinahagod-hagod niya aking likod habang ako ay pilit na dinadama ang lakas ng pintig ng dibdib niya.

"Wag mo nang uulit iyon. Mag-iingat ka Krisel... dahil hindi ko kakayanin kapag napahamak ka."