Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

27

Day-off ni Nay Lordes ngayong araw kaya naman hindi na kami nag-abala pang gumising ng maaga. Dahil minsan lang sa isang buwan ang kanyang day-off ay sinusulit niya ito sa pagbawi ng pahinga. Pasado alas diyez ay mahimbing pa rin ang kanyang tulog, kaya naman nag-iwan na lamang ako ng sulat na sasaglit ako kina Aling Petring. Kakauwi lang kasi ng anak nito na si Andeng na aking kababata.

"Kriseeeel!" maligayang salubong sa akin ni Andeng pagkapasok ko ng kanilang bahay. Kasing-edad ko lang ito pero tila tumanda ito ng ilang taon sa tunay niyang edad dahil sa paraan ng pananamit nito.

"Ang laki ng pinagbago mo," puna ko habang sinisipat ang kanyang suot na spaghetti strap at napakaikling shorts na halos iluwa na ang kanyang kaluluwa.

"Of course naman yes 'coz why not? Ganito ang awrahan sa siyudad girl, masanay ka na."

Nagbago man ang kanyang hitsura at pananamit ay ganoon pa rin naman ang kanyang ugali. Marami kaming napagkwentuhan. Halos idetalye niya ang kanyang naging buhay mula ng umalis siya para mag-aral sa Maynila.

"Ikaw Kriselda, may nobyo ka na?" Hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko nang itanong niya ang bagay na iyan. Halos mabingi tuloy ako nang tumili ang lokang si Andeng at talagang niyugyog ako.

"Meron, ano? Oh my gosh girl, sinong maswerteng lalaki iyan? Pogi ba? Ha?"

"Ahhh--"

"Tae Kriselda! Malandi ka rin pala!" Loka-loka talaga, wala pa nga akong sinasabi. "Sino nga?" parang ginigiyok na untag nito.

"Si Sir Rod," pag-aamin ko.

"Sir Rod who?"

"'Yung lalaking anak ng mga Tuangco."

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Andeng at pagkaraa'y bumunghalit ito ng tawa. "Grabehan Krisel, taas mo rin palang mangarap!"

"Seryoso nga," iritado kong daing.

"Hay naku Krisel, bukod sa sosyalin 'yun, halos kuya mo na 'yun ano."

"Bahala ka nga diyan kung ayaw mong maniwala." Tinawanan niya lang ako, talagang hindi naniniwalang si Sir Rod nga ang nobyo ko.

Nagkwento na lamang siya ng kanyang buhay pag-ibig. Halos ipainggit niya sa akin ang nobyo niyang taga-Maynila at ang mga bagay na ginagawa nilang dalawa.

"Sikreto lang natin ito Krisel ha..."

"Ano?"

"Di na ako virgin," kinikilig na bulong nito.

"Anong virgin?"

"Ay boplaks ka talaga! 'Yung ano 'yun, kapag hindi ka pa natitira ng lalaki. Hihihi."

"Ha? Bakit ka titirahin? May nagawa ka bang kasalanan?"

"Ay putakte! Basta ikwento ko na lang sayo. Ganito kasi 'yun. Itong jowa ko na si Jerome, susmiyo napakagwapo. Kung alam mo lang Krisel kung gaano kagandang lalaki ang jowa kong ito. Kaya naman nung nag-aya siya na titirahin niya raw ako nung monthsary namin, pumayag ako. Hihi."

Wala akong naintindihan sa kwento niya. Bakit titirahin siya ni Jerome? Ang gulo nitong si Andeng.

"Good kisser din ang walanghiya, tangina! Galing sumupsop!" Natawa ako roon. Naalala ko kasi si Sir Rod, magaling din 'yun.

"Tapos alam mo Krisel, nung nililigawan niya pa lang ako, sobrang napaka-effort niya. Palagi niya akong dinadalhan ng bulaklak tapos kinantahan niya pa ako one time ng paborito kong kanta kahit na sintunado ang gago. Basta sobrang sweet niya kaya ayun, sinagot ko agad." Mariin itong humagikgik. "Ikaw ba Krisel, sa ganda mong iyan, imposibleng wala pa sayong nanligaw."

"Ligaw?"

Napasapo ng noo si Andeng. "Oo, ligaw. As in 'yung ginagawa ng lalaki sa babae bago sila maging magjowa."

"Ah 'yung hahalikan ka ng iba't ibang klaseng halik tapos hahawakan ang dede mo?" 'Yun 'yung ginawa sa akin ni Sir Rod bago kami naging magjowa e. Siguro 'yun 'yung ligaw na sinasabi ni Andeng.

"Taragis 'yan Kriselda! Hindi 'yun! Napaka-advance mo naman. Ang ligaw, 'yun 'yung bibigyan ka ng bulaklak kada magkikita kayo, ipaparamdam sayo na ikaw ang pinakamagandang babaeng nabubuhay sa balat ng lupa. 'Yun bang paglalaanan ka ng oras, ng effort, ng pagmamahal para lang maipakita sayong deserving siyang maging nobyo mo."

Natameme ako. Pilit kong kinalkal sa kailaliman ng aking alaala kung may ganoon bang ginawa sa akin si Sir Rod.

"Ano, Kriselda?"

Malungkot akong umiling-iling. "W-wala... wala pa sa aking nanliligaw," mahinang anas ko.

Kinabukasan, tahimik lamang ako habang nasa loob ng silid ni Sir Rod. Hindi maalis sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Andeng kahapon.

"Why are you so silent?" tanong ni Sir Rod nang hindi na nakayanan ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Nagbuntong-hininga ako saka nangalumbaba sa kanyang study table. "Hey, may problema ba?" pagtatanong niyang muli.

"Wala," walang ganang tugon ko. Hinila niya ang isa pang upuan at itinabi iyon sa silyang inuupuan ko.

"Look at me, what is it? What's bothering you?"

"Wala nga."

"Krisel," may pagbabanta na sa tono ng kanyang boses. Humugot muli ako ng malalim na hininga bago siya inundayan ng tingin. Salubong ang may kakapalan nitong mga kilay at nakakapaso ang klase ng tingin na ibinabato nito sa akin. "What is it?"

"B-ba't... ba't 'di mo 'ko niligawan?" nahihiyang tanong ko. Tumikwas ang isa niyang kilay at lalong tumiim ang titig niya sa akin.

"Come again?"

"Sir..." Umasim ang kanyang hitsura. "Diba sabi ko Rod na lang o kaya Roderick o kung gusto mo mahal. Anything you want, just drop the Sir, boyfriend mo na ako, remember?" Malungkot akong tumango-tango.

"What's with that face?"

"Bakit 'di mo po ako niligawan? May nakapagsabi po sa akin na dapat nililigawan muna ng lalaki ang babae bago nito ito maging nobya."

"Kailangan pa ba 'yun?" Hindi ko alam kung bakit tila isa iyong punyal na bumaon sa aking dibdib. Pakiramdam ko hindi ako ganoon kaimportante sa kanya para paglaanan niya ng kanyang oras at effort.

Tumayo ako at naghanda sa pag-walkout nang hawakan niya ako sa palapulsuhan. "Hey, I'm sorry. Alam mo namang lumaki ako sa ibang bansa, Krisel. Courting is not big deal there. Nakaligtaan kong iba nga pala rito. Don't worry mahal, hindi man kita naligawan bago tayo naging tayo, I'll make sure na kada araw na dadaan, ipaparamdam ko sayo kung paano manligaw ang nobyo mo."