Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 25 - Chapter 25

Chapter 25 - Chapter 25

25

Tagatak ang pawis ko. Hindi ako mapakali. Kinakausap ngayon ni Nay Lordes si Sir Rod sa loob ng aming bahay. Pinalabas niya muna ako matapos niya kaming makitang magkasama sa napakaliit naming kwarto.

Galit na galit si Nay Lordes. Abot-abot tahip ang dagundong ng dibdib ko kanina sa sobrang nerbyos. Mabuti na lang at naroon si Sir Rod at nakumbinsi nitong idaan iyon sa masinsinang usapan. Kaya ito ako't naghihintay sa magiging resulta ng pag-uusap nilang dalawa.

"Kriselda, pumasok ka na rito!" sigaw ni Nay Lordes. Nagkukumahog naman akong tumalima. Pagkapasok ko ng aming pinto ay nakita ko agad ang nakaupong si Nay Lordes at si Sir Rod na nakatayo sa harap nito. Tumabi ako kay Sir Roderick.

"Relax," bulong niya sa akin. Tipid akong ngumiti, pilit na kinakalma ang naghuhuramentado kong puso.

"Kriselda, totoo bang may relasyon kayo ni Sir Roderick?"

"Po?" Nagulantang ako sa tanong ni Nay Lordes. Tiningnan ko ang seryoso nitong mukha pabaling kay Sir Rod na seryoso rin ang ekspresyon.

"Ang sabi sa akin ni Sir Roderick ay nagmamahalan daw kayong dalawa." Pinanliitan ko ng mata si Sir Rod. Nanatili namang seryoso ang mga tingin nito sa akin. Bakit niya sinabing may relasyon kami? Ibig bang sabihin may gusto rin siya sa akin?

"Bakit mo inilihim sa akin, Kriselda? Ina mo ako. Oo aaminin kong hindi ako pabor sa relasyon niyo pero kung diyan ka sasaya, sino ba naman ako para pigilan ka?" Tila dinurog ang puso ko nang makita ang mukha ni Nay Lordes. Kaagad ko siyang nilapitan saka niyakap. Napakasama kong anak para isiping magiging hadlang siya sa amin ni Sir Rod. Na itatakwil niya ako. Na hindi magiging bukas ang kanyang isipan sa mga padalos-dalos kong desisyon. Ina siya. Maaaring hindi siya ang tunay kong ina pero siya ang tumayong ina sa akin mula pa ng sanggol pa lang ako at higit sa lahat ako dapat ang nakakaalam na siya lang ang tatanggap at iintindi sa akin sa kabila ng mga kamalian ko dahil anak niya ako at siya ang ina ko.

"S-sorry 'Nay Lordes... S-sorry..." hikbi ko sa balikat niya. Hinagod niya ang aking likod kasabay ng pagpapatahan niya sa akin.

"Kung mahal mo si Sir Roderick, hahayaan kita. Pero sana alam mo ang mga limitasyon mo. Nakapag-usap na kami ni Sir Roderick. Ayos na Kriselda, makakapunta ka na ulit sa mansiyon nila."

Kung may mas sasaya pa sa pinakamasaya, iyon na yata ang nararamdaman ko ngayon. Napakasayang isipin na tanggap kami ni Nay Lordes. Higit pa roon, hindi ako makapaniwalang sa mga bibig ni Sir Roderick nanggaling ang mga salitang may relasyon na kami.

"Sir?"

"Hmm?"

Nasa labas kami ng aming barong-barong. Nakaupo, walang ginagawa. Ngunit sa kabila nun ay nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ko dahil katabi ko ang nag-iisang lalaki sa buhay ko.

"Totoo po bang tayo na?"

"Why? Ayaw mo ba?"

"H-hindi naman po! Hindi lang po ako makapaniwala." Halos mangawit ang labi ko sa lapad ng aking ngiti. Ito na yata ang pinakamagandang tanawin na nakita ko sa tanang buhay ko. Ang nakangiti niyang mukha habang akbay-akbay ako.

"Oh my gosh, Krisel! You're back!" Sa unang araw ng pagbabalik ko sa mansiyon ng mga Tuangco ay ang galak na galak na si Ma'am Mira kaagad ang sumalubong sa akin. Marami siyang tinanong kung bakit hindi ako bumibisita nitong mga nakaraang araw. Na-miss niya raw ako. Maging ng mga kaibigan niya.

"Dahil nandito ka na, papupuntahin ko rito sina Faye," pagkakuwa'y dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at kinausap isa-isa ang kanyang mga kaibigan.

"Yes, she's here na. Hahaha! Don't be so excited! Magpagwapo ka muna! Sige ka, baka ma-turn off sayo." Pagkatapos ng huling tawag niya ay makahulugan akong pinasadahan ng tingin ni Ma'am Mira.

"B-bakit po? Sino po yung huling nakausap niyo?"

"Si Felix. Ayun at naloka nang malamang nandito ka na ulit. Hay naku, kung alam mo lang patay na patay sayo ang poging yun."

"Po?" tanong ko dahil humina ang boses niya, hindi ko tuloy narinig ang huli niyang sinabi.

"Wala, tara ayusan kita!" pangangaladkad nito sa akin paakyat ng kanyang kwarto. At dahil si Ma'am Mira iyan, wala na akong nagawa.

Hindi ko tuloy mapupuntahan ang boyfriend ko sa kwarto niya. Hihi. Mamaya na lang.