Naunang naglakad si Sir Martin papunta sa sasakyan kung saan naka sakay na si Sir Ronald at Sir Albert. Dahil nga inutusan niya kong sumama sa kanila wala akong nagawa kundi sumunod pero di ko nakalimutang magbilin sa guard na bumaba ng kotse ng sumakay si Sir Martin.
"Kuya pasuyo muna ako ng bag ko ha!"
"Okey po Ma'am!"
"Salamat!" Sagot ko bago ako sumakay sa kotse dahil nga nasa unahan ng naka upo si Sir Albert wala na kong choice kundi tumabi kay Sir Martin sa likod. Si Sir Ronald yung driver namin pero ang pinagtataka ko wala yung kotse ni Sir martin na ginamit namin last time nung kumain kami kasi kotse ni Sir Ronald gamit namin ngayon.
Dahil nga ilang parin ako kay Sir Martin pinili kong magiwan ng malaking space sa pagitan naming dalawa para kahit malubak yung kotse di kami magdidikit. Di rin ako tumitingin sa gawi niya nanatili akong naka tingin sa harap or sa labas ng bintana sa pwesto ko kasi hanggang ngayong mabilis parin tibok ng puso ko. Di ko nga rin maintindihan kung bakit kasi matagal na skong di nakaka ramdam ng ganun.
"Wag mong sabihin may crush ka sa TH na yan?" Silent question ko sa puso ko na patuloy sa pagkabog.
Makalipas ng ilang minuto huminto kami sa isang Chinese restaurant. Agad kaming bumaba at tahimik na sumunod kay Sir Martin.
"Table for four?" Narinig kong tanong ng waiter na sumalubong samin.
"Yes!" Sagot ni Sir Martin.
"This way po Sir!" Gabay samin ng waiter sa isang square na lamesa kung saan kakaysa lang yung apat na tao para kumain.
Pinili ni Sir Ronald at Sir Albert na magkatabing umupo kaya wala akong nagawa kundi umupo sa opposite nila samantalang si Sir Martin naman ay nag excuse muna para pumunta sa banyo.
"Here is the menu!" Abot samin ng waiter.
"Salamat, tawagin ka nalang namin kapag may order na kami!" Wika ni Sir Albert.
Kaya umalis muna yung waiter Binuksan ko yung menu para tingnan kung ano bang food yung available.
Nagtaas lang ako ng tingin ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko at si Sir Martin yun na casual lang na dinampot yung menu sa lamesa sabay tawag sa waiter sa pamamagitan ng pagkaway na agad namang lumapit.
"Bigyan mo kami ng sweet and sour pork, Ma po tofu, Spring rolls, chow Mein, saka yangzhou fried rice at roasted chicken." Dirediretso niyang sabi.
"May dadagdag ka?" Tanong niya sa akin na ikunagulat ko.
"Okey na po ako Sir!" Nahihiya kong sagot kasi ang lapit nanaman niya sa akin.
"Pa-add ng iced tea para sa lady, tapos orange juice sakin." Muling sabi ni Sir Martin bago ibinalik yung menu sa waiter.
"Order na lang kayo ng drinks niyo Sir Ronald and Sir Albert if ever may add kayo sabihin niyo lang sakin yung bill." Huling sabi ni Martin sabay kuha sa phone niya at nagtext.
"Iced tea din sakin." Sagot ni Sir Albert.
"Sakin Mango!" Sagot ni Sir Ronald.
Bago umalis yung waiter muli niyang inulit yung order namin para masigurong tama. Nung walang mali ay agad siyang umalis at iniwan kami.
Dahil andun si Martin parang ayaw kong ibuka yung bibig ko kaya nanatili lang akong nakikinig sa pag-uusap ni Sir Ronald at Sir Albert tungkol sa mga anak nila na may gustong ipabili sa darating na pasko.
Doon ko lang naiisip na November 17, na pala ngayon. Ang bilis ng panahon thirty eight days na lang at pasko na. Twenty five na ko sa March twenty six na ko na pero parang ang dami paring kulang sa buhay ko parang wala pa kong na-achieved.
"Ikaw Ma'am nasabi na ba sayo ng boyfreind mo yung regalong gusto niya sa pasko?" Tanong sakin ni Sir Albert na ikinagulat ko kasi bigla nila akong isinali sa usapan.
"Wala yang boyfriend!" Mabilis na sagot ni Sir Ronald.
"Ay ganun ba? Di mo kagad sinabi may pinsan akong single. Gusto mo pakilala kita?"
"Sige Sir, malay mo siya na yung the one ko." Pagbibiro ko.
"Uy Michelle, papakilala ko rin sayo yung pamangkin ko naalala mo nabangit ko sayo kahapon yung seaman!" Paalala sakin ni Sir Ronald.
"Ah sige wala pong problema maganda nga po yun madaming choices!" Pagbibiro ko.
"Tama yun makipag kilala ka sa maraming lalaki ng makarami ka!" Biglang sabat ni Sir Martin.
Nagulat ako sa pahayag niya at napahinto ang pagtawa ko. Agad ko siyang tiningnan nakasandal siya sa upuan pero napaka lazy ng posture niya. Naka cross ang hands ang ankles niya. Sinisipat ko ang muka niya kung nag joke ba siya o ano pero wala akong makitang emosyun kahit sa mga mata niya.
Naging ackward yung paligid buti nalang dumating na yung waiter na may dala ng pagkain namin. Kaya umupo na siya ng maayos at inalis na sakin ang kanyang tingin. Ganun din ang ginawa ko. Tiningnan ko nalang yung pagkain na inilalagay ng waiter sa lamesa.
Natapos yung lunch namin na wala ng nagsalita hanggang makabalik kami ng hotel. Agad akong nag excuse para bumalik muna saglit sa kuwarto ko para mag tooth brush at kahit papano makapag ayos ng sarili.
Pag dating ko sa kuwarto humiga muna ako sa kama ng flat naka taas ang kamay at naka buka yung dalawang paa. Iniisip ko parin yung sinabi sakin ni Sir Martin sa restaurant. Kung tama ba pagkakaintindi ko na iniisip ni Sir Martin na malandi ako at desperado ako sa lalaki?
"Hays yaan mo nga siya paki ko!" Sambit ko sabay tayo at diretcho sa CR agad akong nag brush ng teeth.
"Bakit ko nga ba iisipin yung sinabi niya eh alam ko naman sa sarili ko na di ako ganun kasi kung ganun ako malamang sana nakarami na ko ng boyfriend at sana di ko na iniisip yung bwisit kong ex at sana naka move on na ko at sana di na malamig ang pasko at sana...!"
Bigla akong napahinto sa pag totooth brush at dinura yung bula sa bibig ko. Napahawak ako sa lababo habang hawak parin yung tooth brush ko. Nakatingin ako sa reflection ko sa salamin na masusi kong pinagmamasdan baka sakaling may makita akong mali sa muka ko.