Chapter 13 - Good Night

Matapos kung settle yung bill ko agad akong tumayo para lumabas. Pagtingin ko sa may lamesa nila andun parin si Sir Martin. May kausap sa telephone at mukang seryoso kasi nakakunot yung nuo niya.

Pinili ko nalang siyang ignore at tuluyan ko nilampasan yung lamesa niya at tuluyan akong lumabas. Tumayo ako sa harapan ng restaurant gaya ng sabi ni Sir Ronald.

Makalipas ng ilang minuto may napansin akong may tumayo sa tabi ko pagtingin ko Si Sir Martin iyon kaya napilitan akong dumstansya ng kaunti sakanya kaya humakbang ako sa gilid para ma-maintain ko yung dalawang dipang distance namin.

Di ako tumingin sa direksiyon niya at nanatili lang ako sa harap nakatingin di ko lang akalain na naka sunod lang pala siya sakin. Tahimik lang kaming dalawang nakatayo dun sa harap. Di niya ako kinakausap sympre wala din akong balak siyang kausapin mamaya mapagbintangan nanaman akong nagpapapansin. So stay put lang ako kung kakausapin niya ko sasagot ako pero kung hindi eh... di ko rin siya kakausapin kung baga hindi ako magkukusang kausapin siya para malaman niyang wala talaga siyang dating sa akin.

"Sir Martin... Ms. Michelle let's go na po!" Sigaw ni Sir Ronaldo samin habang nasa sasakyan siya.

Agad naman kaming lumapit ni Sir Martin pero hinayaan ko na siyang mauna. Nung makita kong sumakay siya sa may likuran bahagi ng sasakyan, ako naman ay agad umikot para maka upo sa may harapan katabi ni Sir Ronald.

"Kamusta naman yung experieced mo sa restaurant Ms. Michelle?" Tanung sakin ni Sir Ronaldo habang binabaybay namin yung kalsada pabalik ng hotel.

"Okey naman Sir, sarap ng pagkain tapos ang ganda ng ambiance. Pwedi po ba dun maglakad sa tabing dagat if ever? Tanong ko.

"Naku mukang di pwedi, iniiwasan kasi ng may ari na madumihan yung baybayin saka may mga customer kasing makukulit. Sa pagkakatanda ko dati kasi pwdi dun maglakad lakad at kumain. Kaya nga lang nagdudumi sila sa dagat kaya pinagbawal na." Paliwanag ni Sir Ronald.

"Sayang naman!" Malungkot kong sagot.

"Bakit gusto mong maligo sa dagat?" Tanong ni Sir Ronald.

"Sana Sir hehe... hehe...!" Nahihiya kong sagot pero halatang exited.

"Gusto mo sa pagudpod ka pumunta. Maganda dun di ka magsisi."

"Narinig ko nga rin Sir maganda dun, kaya lang medyo malayo na yun eh, nasa three hours ata biyahe mula dito papunta dun. Isa pa ayaw ko naman mag-isa syempre babae parin ako."

"Anu kaba Ms.Michelle isa't kalahating oras lang biyahe dun kaya lang may oras ang mga public transportation dun. Saka tama ka mahirap magpunta dun pag mag isa ka lang, maganda ka pa naman baka mapagtripan ka dun at bigla kang makapangasawa ng wala sa oras haha...haha...!" Tawa ni Sir Ronald.

"Grabe ka naman Sir!" Nahihiya kong sagot di parin ako sanay na sabihang maganda ng harap harapan lalo pa nga't nakikinig Si Sir Martin sa likod. Na di ko maiwasang sulyapan. Nakapikit ang kanyang mga mata na halatang di siya intresado sa pinag uusapan namin ni Sir Ronald.

"Di ba pweding boyfriend muna makita ko dun Sir?" Mahina kong tugon para di ko maistorbo yung natutulog.

"Wala ka pa bang boyfriend?"

"Wala pa po!" Sagot ko naman habang naka tingin sa may labas ng bintana.

"May pamangkin ako twenty seven years old anak ng Ate ko sea man. Pagbumaba sa barko papakilala kita. Malay mo magkagustuhan kayo. Gusto ko nga sana anak ko nalang ireto sayo kaya lang highschool pa lang eh."

"Ano couger lang ang peg baka pwedi ko pang consider yung pamangkin mo Sir malay natin siya pala ang para sakin." Sagot ko naman kahit sa totoo lang wala akong balak.

Sasagot pa sana si Sir Ronald sa akin ng umubo si Sir Martin sa likod kaya nilingon ko siya.

Doon ko nakitang nakaupo siya ng tuwid si at nakasimangot habang naka kunot ang nuo na mukang hobby niya yata. Mukang nagising sa ingay namin ni Sir Ronaldo kaya di na namin tinuloy yung kuwentuhan tungkol sa paghahanap ko ng boyfriend baka bigla niya kong pababain eh. Pero sa bagay mukang malapit nanan na kami. Tumingin nalang ako sa may bintana.

Alas nuebe palang ng gabi pero halos lahat ng establishment sarado na at wala naring halos tao sa kalsada. Makalipas ng ilang minuto dumating na kami sa Casa Milan. Agad kung tinangal ung seat belt ko at bumaba sa sasakyan.

"Good Night Ms. Michelle!"

"Good night Sir Martin! Mauna na po ako!" Paalam ni Sir Ronald sa amin.

"Good Night din Sir Ronald, Ingat po sa pag uwi!" Ngiti lang ang itinugon sakin ni Sir na agad ng naglakad papunta sa sasakyan niya.

Hinintay ko muna makaalis siya bago ako pumasok sa hotel. Natanaw ko si Sir Martin na naglalakad na papasok kaya sumunod narin ako pero dumistansya ako sa kanya ng mga tatlong dipa.

Napansin kong umakyat siya ng second floor parehas sa pupuntahan ko. Kaya nakasunod parin ako sakanya. Kaya lang kumakabog ang dib-dib ko baka mamaya isipin niya sinusundan ko siya. Kaya medyo binagalan ko yung lakad ko. Mahirap na kasi baka isipin niyang may masama akong balak. Pero kala mo naman luging lugi siya sakin kung sakaling rerapin ko siya. Napailing nalang ako sa naisip ko. Pero napansin ko ng bigla ding bumagal ang lakad niya. Kaya lalo ko din binagalan lakad ko. Kumanan siya sa hallway ng second floor.

"Shet! Mukang magkahelera pa yung kuwarto mamin ah!" Reklamo ko.

Ang masaklap pa di lang magkahilera magkatabi pa.

"Ewan ko ba sa nag design ng hotel na ito bakait pinagdikit yung pinto may pagitan lang ng isang biga." Muli kong reklamo.

Dahil nga kahit anong bagal ko maabutan ko parin siya kasi nga mukang wala pa siyang balak pumasok sa kwarto dahil busy pa sa pag text sa cellphone niya kaya minabuti ko nalang na ako muna ang maunang pumasok.

Kahit medyo kinakabahan agad kong inilagay yung thumbs ko sa may lock na agad naman niyan binasa kaya agad ko itong binuksan pero di pa ko nakakapasok ng magsalita siya.

"Let's meet at the security room tomorrow at exactly eight o' clock in the morning."

"Okey po!" Matipid ko naman sagot.

"Good night!" Muli niyang sabi bago tuluyang pumasok.

Dahil sa sinabi niya bigla ako natigilan at di ko maiwasang mapahinto sa pagpasok.

"Okey lang kaya siya?" Natanong ko sa sarili ko.