Chapter 2 - Small World

Pagdating sa hotel, unang bumaba yung lalaki dahil nga nasa likod siya nakaupo. Habang kasunod niya ako matapos kong magbayad ng pamasahe sa driver bale hinati naming dalawa yung pamasahe tag one hundred kaming dalawa.

Ang ganda ng ngiti ni Manong driver nung tanggapin yung bayad ko paano ba naman kumita siya ng tiba-tiba kundi lang sana sa lalaking iyon okey na sana yung fifty pesos dun pero wala na kong magagawa andiyan na eh kaysa di pa ko makasakay kaya kahit masama loob ko nagbayad parin ako.

"Good evening po Sir and Ma'am!" Bati ng Security Guard habang pinagbubusan kami ng pinto.

"Small World", talaga akalain mo bang sa isang hotel pala kami mag check-in kung mamalasin ka nga naman.

"Good Evening po! Meron po ba silang reservation?" Tanong ng receptionist sa amin nung makalapit kami sa kanya.

"Wala!" Sagot ng lalaki dahil nga siya ang unang naka pasok kaya hinayaan ko na siyang mauna. Napansin ko lang na kayumangi pala yung kulay ng balat niya.

Umupo muna ako sa may gilid para di ako maka lapit sa kanya kasi baka maitulak ko siya kasi nga di ko parin nakaka limutan yung ginawa niya sa akin sa Van kanina.

"Meron kming couple room two thousand peros lang po per night maluwag po yun."

Muling sabi ng Receptionist mukang nagpakamalan pa kaming magkasama.

"Sorry Miss pero di ko siya kilala! Please bigyan mo ko ng Presidential suite." Masungit na sagot ng lalaki.

"Wow grabe maka react, kala mo naman gusto ko siyang makilala!" Bulong ko sabay irap sa gawi niya at ibinaling ko nalang yung tingin sa iba.

"Ganun po ba Sir, Wait lang po check ko muna kung may available pa po yung Presidential suite."

"Okey!" Matipid niyang sagot.

"Sorry Sir pero Single Deluxe room at single nalang po yung available namin."

"Pwedi bang makita?"

"Sige po, Wait lang tawag lang po ako ng bell boy!"

"Okey!" Muli niyang sagot.

Agad namang tumawag yung Receptionist ng Bell boy at mabilis din itong dumating nung maka alis sila saka ako lumapit.

"Miss may reservation ako under Web Security Solutions Inc." Magalang kong sabi sabay ngiti.

"Ay wait lang Ma'am check ko po!"

"Okey!" matipid ko ding sagot.

Mabilis naman niyang nakita yung reservation ko.

"Upon checking sa record isang deluxe room for three days, Bale po Ma'am One Thousand Five Hundred per night po siya so a total of four thousand five hundred pesos po lahat...cash po ba or card?" Tanong ng Receptionist

"Cash, Miss!" Sabay abot ko sa five thousand peros na pera.

"Okay po Ma'am." Sabay bilang ng pera at iniabot din yung sukli kong five hundred pesos.

"Pag check-out ko nalang kukunin yung resibo." Sagot ko sakanya nung makita kong gagawan na niya ako. Gusto ko lang talaga ng makapag pahinga at makakain.

"Ah okey po Ma'am! Ito po pala yung card para sa pinto, remote ng TV and aircon." Pagkaabot sa akin agad siyang bumaling sa Bell Boy na pabalik kasama din yung lalaki malamang natapos yung tour nila.

"Kuya Pepe pahatid naman si Madam sa room 204." Bilin niya sa Bell Boy na agad namang kinuha yung gamit ko at sumunod narin ako.

Nilagpasan ko yung lalaking naka tayo sa gilid ngi di ko siya tiningnan kasi nga asar parin ako sa kanya kung pwedi lang talagang suntukin eh ginawa ko na sana.

Dinala niya ako sa may second floor ng hotel kaya pala di na kami gumamit ng elevator.

"Sa may bandang dulo po yung kwarto mo Madam" Sambit nung matanda sa akin.

Pinagmamasdan ko yung paligid ng hotel, okey naman siya two star hotel lang siya pero mukang disente naman kaya wala akong pangamba naputol yung pag-iisip ko ng magsalita uli si Manong.

"Taga Maynila po kayo?" Tanong niya sakin.

"Opo!" Magalang kong tugon.

"Babakasyon po kayo?"

"Di po... work related po!" Naka ngiti kong sagot.

"Ah parehas pala kayo nung lalaki trabaho din daw ang pinunta niya dito."

"Ay naku Manong di ako intresado sa kanya." Sabi ko sa sarili ko dahil mas pinili kong wag ng mag comment sa sinabi ni Manong.

"Yung anak ko po sa Manila din nagtatrabaho.. sa may Hotel din sa may Araneta Center Cubao sa may Sampaguita hotel din, dun kasi siya inilagay ni Boss."

"Ah talag po, malapit po dun office namin, Ang layo naman po ng pinaglagyan sa kanya."

"Ewan ko ba sa batang yun, gusto daw tumuntong sa Manila hehe!" Naka ngitng sagot ni Manong.

Ininaba niya muna yung maliit kong maleta habang binuksan yung hotel room ko.

"Wala naman siyang makikita dun, maliban sa ingay at polusyon!" Sambit ko habang sumunod na kay Manong sa pagpasok sa kwarto.

"Siguro ayaw na niya ng tahimik na lugar dito sa Laoag, kaya hinayaan ko nalang muna para ma-experienced niya ang buhay sa Manila." Sagot ni Manong sa akin habang binubuksan ang aircon.

"Sabagay di matatapos yung curiosity niya hanggat di niya yun nararanasan." Pagsang ayon ko kay Manong habang inilagay sa aprador yung bag ko. Mamaya ko na aayusin.

"Sige po Ma'am, mauna na po ako! Enjoy your stay!"

Pero bago tuluyang maka alis si Kuya agad ko siyang inabutan ng one hundred pang kape niya na agad naman nagpasalamat.

Pagkasarado ni Kuya ng pinto, pinagmasdan ko ung kwarto malinis naman, wala namang amoy at mukang wala namang multo kasi di nanayo yung balahibo ko. Malaki yung kama kasya tatlo kung sakali mayroon ding thirty two inches na tv naka kabit sa dingding, merong ding cabinet kung saan ko inilagay yung bag ko kanina, may maliit na mesa at dalawang upuan malapit sa bintana na pwedi mong kainan. Speaking ok kainan kanina pa ko nagugutom.

"Ggrrrr....!" Ayan nga nagreklamo na yung tiyan ko di na nakatiis di pa nga pala ako kumakain ng dinner kaya mabilis kung hinubad yung rubber shoes ko at kinuha ko yung tsinelas ko sa may maleta ko.

Kinuha ko narin yung wallet at cellphone ko bago lumabas. Sinigurado ko munang naka lock yung pinto bago ako umalis.

Pagbaba ko sa lobby, tinanung ko si Guard kung may pwedi pa bang mabilhan ng pagkain sa ganitong oras.

"Naku Madam sarado na po ang kainan pag ganitong oras ang bukas nalang po yung seven eleven dun sa may kanto." Sagot ng guard sa akin.

"Ganun po ba?" Malungkot kong sagot.

Dahil yun na lang ang option wala akong nagawa kundi puntahan yung itinuturo ni Mangong guard na bukas.