Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 8 - What did you say?

Chapter 8 - What did you say?

"Ma'am dito na po tayo!" Wika ng driver sa akin na nagpabalik ng ulirat ko.

"Ay... okey po!" Sabay baba sa tricycle at abot ng bayad. Patakbo akong pumasok sa hotel at diretso na sa kwartong inuukupahan ko habang hawak ko parin yung cellphone ko na tumigil na sa pagtunog.

"Ting!" Notification one message receive na parang ayaw kong buksa. Di ko alam parang gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Bwisit ka talaga!" Muli kong curse kay Martin dahil kung di dahil sa kanya di sana ako magkaka problema. Makalipas ng ilang minuto wala akong nagawa kundi basahin yung text na galing kay Boss Helen.

"TAWAGAN MO KO KAGAD!!!!!!" Laman ng text at lahat yun naka capslock mukang galit na talaga siya.

"Hays! Ano na Michelle ang yabang mo kanina, ngayon wala kang lakas ng loob sagutin ang tawag ng boss mo. Asan na yabang mo, ipakita mo?" Sabi ng devil kong sarili.

Samantalang yung angel ko naman ay umiiiyak na "Huhu...huhu...!"

"SAKIT NG ULO KO!" Sigaw ko habang dumapa sa kama at pinaghahampas yun. Di ko pa nga naiilalabas lahat ng sama ng loob ko ng muling tumunog yung cellphone na hawak ko.

Wala akong nagawa kundi sagutin na bago magka letche-leche lalo.

"Hello Boss!" Mahina kong sagot.

"ANONG NANGYARI SA CASA MILAN?" Bulyaw ni Boss Helen halos matanggal lahat ng tutuli sa tenga ko kaya bigla kong nilayo ang cellphone bago tuluyang mabasag yung eardrum ko.

"MICHELLE SUMAGOT KA!" Muli niyang sigaw,

"Boss.. ayaw sakin ni Sir Martin eh!" Mahinahon ko na sagot na parang batang nagsusumbong sa nanay niya.

"ANONG AYAW... PANONG AYAW?" Pabulyaw parin niyang sagot.

"Di ko nga din alam Boss eh sabi niya lang sakin I don't like you tapos pinaalis niya ako di man lang niya pinaliwanag kung anong problema tapos tinanong ko wala naman sinasabi basta umalis daw ako." Maiksi kong paliwanag sa nangyari kasi di ko naman talaga alam kung bakit ayaw niya sa akin wala naman talaga akong nagawang mali in terms of work.

"KAYA UMALIS KA NAMAN HA MICHELLE!" Sigaw uli niya na mas malakas kanina. Buti nalang di ito namamaos sakit na sa tenga ah reklamo ko.

"Yes po Boss!" Mahinahon ko paring sagot.

"I don't believe na ginawa mo yun. Anong tumakbo sa isip mo Michelle alam mong pinakamalaking project natin ang Casa Milan at may mga susunod pa yan ng braches. Bakit di mo man lang tinanong kung anong problema, anong mali, di kita tinuruan ng ganyan makipag deal sa mga client natin. Anong tumakbo sa isip mo ha?" Sermon niya pero buti nalang medyo humina na yung boses niya kung hindi naku basag na talaga eardrum ko at pasalamat narin ako nasa malayo ako paano nalang kung magkaharap kami baka sinakal ako nito parang dragon pa naman si Boss Helen kapag nagalit. Halata naman sa boses parang nag-aapoy.

"Sorry boss naisip ko kasi pag di pa ko umalis baka lalo siyang magalit at tuluyang icancel yung project." Palusot ko.

"EH KINACEL NA NGA!" Muling sigaw ni Boss Helen. Akala ko pa naman kalmado na siya kaya nilapit ko na sa tenga ko yung phone tapos sumigaw nanaman.

"Shit talaga!" Raklamo ko habang hinahaplos yung tenga ko ng muli siyang nagsalita. Napilitan kong loud speaker nalang para di naka tapat sa tenga ko.

"BUMALIK KA DUN MICHELLE MAGMAKAAWA KA KUNG PWEDI LUMUHOD KA PARA MAAYOS 'TO. SINASABI KO SAYO!" Pinagbabantaan na niya ako.

"MICHELLE NARIRINIG MO BA KO?" Muli niyang sigaw ng di ako sumagot.

"Opo Boss...! Sobrang rinig na rinig ko po sa sobra ba namang lakas ng boses mo!" Mahina kong sabi.

"WHAT DID YOU SAY?"

"Wala po Boss!" kiming sagot ko uli pero alam ko narinig niya yung sinabi ko di lang siguro malinaw. Napa ngiti ako sa kalokohan ko pero napahawak ako sa noo ko na bigla nanaman sumakit dahil nga sa inuutos niya.

"AYUSIN MO TO!" Sabay baba ng cellphone.

"Hays...!" Bunting hininga ko sabay higa sa kama ng nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Simula ng biyahe ko puro nalang ako problema di ko na nga mabilang kung ilang beses ako bumuntunghininga dahil sa kamalasan na nararanasan ko.

"Sakit talaga ng ulo ko di ko alam anong gagawin ko. Magresign na kaya ako nakakasawa ang bunganga ni Helen naisip ko. Pero naisip pano yung kotse yung pangarap kong bahay."

Di naman malaking company ang Web Security Solution Inc. pero kahit papano malaki magpasahod si Boss Helen. Saka maayos yung mga katrabaho ko sa opisina para ko na silang pamilya. Mabait din naman si Boss Helen lalo na kung nakakapag close kami ng deal. Malaki din siya magbigay ng incentives at maganda rin yung binibigay niyang opportunity samin. Mag-grow ka talaga kaya lang kapag ganitong sitwasyon ang sakit niya sa ulo.

"Anong gagawin ko?" Muling tanong ko sarili ko.

"Isip Michille Isip... paganahin mo yung utak mo! Huhu.... Huhu.... wala akong maisip!" naiiyak na talaga ako.

Pero maya-maya bigla kong naisip si Sir Ronald. Tama, baka matulungan niya ko. Hinanap ko agad yung cellphone ko na binalibag ko kanina sa side table na agad kong kinuha at tinawagan si Sir Ronald.

"Hello Sir Ronaldo\?" Magiliw kong bati na halatang may pabor na hihingin.

"Oh Michelle... anong nangyari?? Agad niyang tanong sakin ng may halong pag-aalala nung sagutin niya yung tawag ko.

"Sir medyo masama nga talaga ata gising ng Boss mo?" Pabiro kong sabi.

"Pinapabaklas ni Sir Martin lahat ng materials niyo! Buti nga tumawag ka kasi nga balak din talaga kitang tawagan na kung maari bumalik ka dito at humingi ka nalang ng pasensya. Sobrang init ng ulo ni Sir sabi niya samin na lahat daw ng project sa inyo i-cancel. Ano bang nangyari Michelle?" Tanong ni Sir Ronald.

Di ko akalain na ganun kalala yung nangyari kaya pala nagwawala si Boss Helen pero di ko talaga kasi maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit sa akin nung lalaking iyon.

"Pasensya na Sir, di ko nga din alam! Pero andiyan pa po ba si Sir Martin?" Mahinahon kong sabi.

"Oo andito pa siya di pa siya maka alis kasi wala pa yung sasakyan niya. Nasa kwarto niya malamang nagpapalamig grabe init ng ulo kaya mabuti pa at bumalik ka na kagad dito rinig ko kasi babalik na siya sa Manila once dumating yung sasakyan."

"Sige po Sir, pabalik na po ako. Salamat!" mabilis kong sagot sabay baba ng cellphone ko.