Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 6 - Trouble Shoot

Chapter 6 - Trouble Shoot

"Mukang mababaliw talaga ako... huhu...huhu...!" Nabulong ko habang hinilamos yung mga palad ko sa muka ko buti nalang talaga wala akong make-up kung di ewan ko nalang ano ng itsura ko dahil sa ginawa ko.

"Anong sasabihin ko kay Boss Helen?" Unang tanong na dapat kong sagutin. Biglang sakit ng ulo ko sarap untog sa pader.

"Ma'am okey ka lang?" Tanong ni Sir Arnold sa akin. Doon ko lang napansin na andun nga pala siya malamang iniisip narin ni sir na nababaliw na ko.

"Sir si Big Boss ba talaga yun?" Naiiyak kong tanong.

"Opo Ma'am! Nag-iisang anak po yun ni Sir Mariano. Siya yung nagsusupervise nung mga bagong tayong hotel ng Casa Milan." Paliwanag ni Sir Arnold.

"Talaga Sir? Eh bakit siya nakasakay sa Van kagabi?" Di ko mapigilang itanong kay Sir Arnold baka kasi nagkakamali lang siya atleast may pag-asa pa kong maayos ang lahat kung sakaling di siya yung anak ng may-ari.

"Bakit nakita mo siyang sumakay sa Van kagabi?" Ulit na tanong ni Sir Arnold.

"Opo Sir!" Habang tumatango tango pa ako habang sumagot dahil sigurado ako sa sinasabi ko siya nga yung sumiko sakin eh napaka bastos pero syempre di ko na yun sinabi kasi baka lalo pang mapasama.

"Ah... nasira kasi yung sasakyan ni Boss kahapon habang papunta dito ang alam ko nga sa La Union din sila nung mangyari yun. Naiwan nga dun yung driver niya para hintaying magawa ang sasakyan. Bakit may nangyari ba sa inyo di maganda ni Boss?" Curious na tanong ni Sir Arnold.

"Wala naman Sir!" Mabilis kong sagot.

"Eh bakit parang galit sayo si Sir Martin!" Comment ni Sir.

"Di ko nga rin alam Sir, wala naman akong naisip na nagawa sa kanyang mali." Pa-inosente kong sagot. Kasi kung tutuusin wala naman talaga siya pa nga yung may ginawa saking masama di ba nga siniko niya ako at di siya nag-sorry. Maliban sa sinabihan ko siyang karma nung napaso siya sa kinakain niyang cup noodles at sa pagirap-irap sakanya wala naman akong ibang alam na nagawa sa kanya para magalit siya sa akin ng sobra.

Bigla ko naisip yung reaksyon niya nung masandalan ko siya agad akong siniko para malayo sa kanya napaka selan porkit anak mayaman. Ayaw niya madampian ko kung tutuusin di naman siya lugi sa akin kasi maganda naman ako isa pa kahit pinawisan ak kahapon sure naman ako na mabango parin ako. Kaya di ko talaga maintindihan yung reaksyon niya kasi kung ibang lalaki yung malamang niyakap pa ko maliban na lang kung siya ay "GAY!"

Umaaliwalas na ang muka ko nung maisip ko yung sagot kung bakit siya nagalit sa akin kasi nga allergic siya sa babae kaya ganun.

"Tama yun ang dahilan." Nasabi ko habang tumatango ng bigla akong mapatingin kay Sir Arnold na nakatingin din sakin mukang nagtataka na talaga siya sa ikinikilos ko.

"Sir gawin muna natin yung parking barrier baka tama si Sir Ronald di maganda gising ni Boss baka mamaya kumalma na siya pagkatapos magkape hehe... hehe....!" Pambawi ko.

"Sige Ma'am tama yun para dirediretso yung testing natin mamaya." Pag-sang ayon ni Sir Arnold.

Magkasunod kaming lumabas ni Sir sa security room. Nasa unahan siya habang ako naman ang nasa likod sukbit sukbit yung back pack ko. Naglalakad kami papuntang parking area sa likod ng hotel at parehas na kaming di na nagsalita hanggang makarating dun sa location.

"Bale ito Ma'am yung sinasabi ko sayong di namin napapagana!" Sabay turo sa barrier na nasa gitna ng open area sa likod ng hotel.

Nine thirty palang ng umaga pero matindi na ang sikat ng araw nakasilong kami sa isang puno ng narra na nasa gilid ng parking lot.

"Sir naka up na po ba yung power nnung device?" Tanong ko kay Sir Arnold.

"Ay di pa mam... wait lang at papaandarin ko!" Sabay lakad papapunta sa power source at iniwan ako.

"Sige po Sir!" Sagot ko naman sabay punta ko sa may isang bench kung saan ko ipinatong yung bag pack ko para kunin yung mga tools at itinali ko ng pony tail yung buhok kong nakalugay kanina dahil nga basa pa buti nalang natuyo na kasi sumasakit yung ulo ko kapag iniipit ko ng basa yung buhok ko kaya lang minsan walang choice kasi nga nakaka sagabal sa trabaho kung hahayaan kong naka lugay saka para mabawasan ang init kapag may pagkakataon papagupit ko ito eh.

Nung matapos kong yung seremonya ko agad ko ng nilapitan ko yung mismong barrier at agad binuksa ang likod para makita yung problema.

Red wire to power

Blue wire to output

yellow wire to system

white wire to ground

Sinasabit ko habang pinagdudugtong dugtong ang mga wire habang nakayuko. Ramdam na ramdam ko yung init sa balat ko buti nalang talaga kahit anong bilad ko sa araw di ako umiitim.

Kung tutuusin napaka sisiw nito sakin sabi kasi simula pagkabata mahilig na ko magkalikot ng kung ano anong mga gamit. Sabi nga ng nanay ko mas gusto ko pang kumalikot ng wire kaysa maglaro ng barbie kaya nga kumuha ako ng kursong engineering. Ako ang babaeng walang arte sa katawan kahit pagpawisan pero wlaa naman sa point na hahayaan kong mangamoy ako di ko lang alintana yung pawis at itinuturing na one of the boys ng mga kalalakihan pero di ako tomboy... sadyang iba lang ang trip ko pero syempre babae ang mga barkada ko di ako sumasama sa mga lalaki.

"Naikabit ko na Ma'am yung power." Sambit ni Sir Arnold ng maka lapit sa akin.

"Okey na sir naayos ko na!" Sambit ko sa kanya habang nanatili akong naka-upo.

Pinaliwanag ko sa sakanya yung pagkakabit ng mga wire. Sinabi ko narin yung mga basic maintenace and trouble shoot para kahit papano alam na niya yung gagawin.

"If ever naman magkaproblema Sir alam mo nman number ko saka yung support namin you can call us any time basta during office hours."

"Sige Ma'am!" Pag-sang ayon niya sa akin.

"Ako na po magsasarado!" Pagpigil sa akin ni Sir Arnold mukang nakita niya yung position ko plus medyo pinapawisan narin ako dahil nga sa araw.

"Okey lang Sir, kaya ko na po ito!" Tanggi ko.

Trabaho ko yun kaya kailangan kong tapusin at least kung sakaling pauwiin ako nung masungit na yun kahit papano may nagawa ako.