Chapter 41
Margaux Valencia ~
Hindi ko malaman kung anong direksyon nandoon ang shade na iyon. Puno na rin ng sugat ang buo kong katawan. Gamitin ko man ngayon ang kapangyarihan ni Reshalga, hindi ito sapat upang mahuli ko ang shade na kalaban ko. Ang kailangan ko'y mahawakan sya. I've read it before from a book inside the Astravision University's Library, a shade's weakness is its emotion. Yes, they are only a ghosts of the dead people, but the more is important – tao lang din sila dati.
I concentrate my force on the object that is moving 3 kilometers away from me. He's fast as I observed on how he attacked me a while ago. In 3, 2, 1 –
" Got you! "
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya. Hindi na nga lang ako nakakapit sa kanya, nakayakap na ako upang hindi ako mapahiwalay sa kanya kung saka – sakali mang atakihin nya akong muli. Nang tumigil ang pagtilapon naming dalawa ay saka ko pinasok ang nakaraan nya. It is one the ability of a clairsentience people, to perceive the history of a certain object or person by entering their past.
Third Person's Point of View ~
Unang bumungad kay Margaux ang isang lugar kung saan maraming halaman, hindi lang ordinaryong halamanan ang nasa harapan nya kundi isang hardin ng mga bulaklak – mga kulay pulang rosas sa kaliwang bahagi ng lugar at kulay puting rosas naman ang sa kanan.
" Ang ganda! "
Hindi mapigilan ni Margaux ang mamangha dahil sa nakikita nya. Ngayon lamang sya nakakita ng ganito kagandang lugar sa tanang buhay nya. Maya – maya pa ay may lumabas na isang hindi katandaang babae sa loob ng puting bahay hindi kalayuan sa syudad sa ibaba, kasunod nito ang batang lalaki sa kanyang likuran na ayaw pang bumitaw sa laylayan ng damit nito.
" Mama! Wag na po kasi kayong bumaba sa bayan, ako na lang po! Baka kung mapano kayo sa daan? Mataas pa naman po ang lagnat nyo! "
Ani ng batang lalaki sa kanyang ina. Hindi naman napigilan ni Margaux ang mapaiyak dahil naalala nya ang kanyang ina.
" Babalik din ako kaagad, nandito na ako bago maghatinggabi! Dito ka na lang at bantayan mo ang hardin, baka may dumating na mamimili at malingat ka pa! "
Wala namang nagawa ang bata kung hindi ang sumang – ayon sa kanyang ina. Sa kabilang banda naman, si Margaux ay sumunod sa ina ng bata dahil masama ang kanyang pakiramdam sa mga mangyayari. Totoo naman ang kanyang pangitain dahil sa kalagitnaan ng paglalakad nito hindi kalayuan sa bahay nito ay may mga lumabas na hindi mga kilalang lalaki na pumalibot dito.
" Magandang araw sa iyo binibini! "
Bati ng isa sa mga lalaking halatang lulong sa kapangyarihan ng alak.
" Hindi! Kailangan nya ng tumakbo! Takbo! "
Hindi naman marinig ng mga ito si Margaux dahil isa lamang syang espiritu ng mga panahong iyon na nakalimutan nya dahil sa pag – aalala. Hindi naman makagalaw ang ina ng batang lalaki sa pagkagulat. Nang makabawi ito ay saka ito ngumiti sa mga lalaki kahit alanganin pa.
" Magandang umaga rin sa inyo! Mauuna na ako at may bibilhin rin ako sa bayan! "
Sabi nito sa mga ito ngunit hindi sumagot ang mga ito, sa halip ay malakas na hinatak ang ina ng bata sa loob ng kagubatan.
" Hindi! Hindi! Tulong! Tulong! "
Sigaw nito, ngunit kahit na anong sigaw nito ay wala ditong makakarinig dahil walang malapit na mga tao roon at tanging si Margaux lamang ang nandoon ng mga panahong iyon. Mabilis syang bumalik sa bahay ng mga ito at hinanap ang batang lalaki na nakita nya sa sala ng bahay. Upang makagawa ng ingay ay binasag nya ang picture frame ng ina ng bata.
" Masama ang ibig sabihin pag nabasag ang litrato ng isang tao, yun ang sinabi sa akin noon ni Papa bago sya kunin sa amin ni Ina! Wag naman sana! "
Mabilis na tumakbo ang bata papalabas sa kanilang bahay at maagap na tinakbo ang daan papuntang bayan. Hindi pa ito nakakalayo ng mapatigil ito sa pagtakbo dahil sa kanyang nakita, ang dalang basket ng kanyang ina. Napatingin pa sya sa gilid ng lugar na iyon dahil may naiwang marka doon ng mga paa.
" Ina! "
Mabilis nyang tinakbo ang daan na iyon kahit hindi sigurado sa kanyang makikita, basta't ang alam lamang nya ay mailigtas ang kanyang ina sa kapahamakan, na kahit sarili nyang buhay ay kaya nyang ibigay para rito!
Nakakalayo na rin sya ng makarinig sya ng mga pag – ungol sa di kalayuan. Mabilis nyang pinuntahan ang pinanggagalingan ng tunog na iyon. Hanggang sa –
" I – ina! "
Hindi sya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang kanyang ina ay hindi na makilala dahil sa mga sugat at kalmot nitong natamo. Mga halimaw ang sumalubong sa kanya ng makita ang kanyang ina na pinagsasamantalahan ng mga ito.
" Hi – hindi! Hindi! "
Napapikit si Margaux dahil sa nasaksihan. Iniisip pa lamang nya na ganoon ang mangyayari, sana ay hindi na lamang nya hinayaan pang makita ito ng bata. Hindi nya mapigilang mapaluha dahil sa kanyang naririnig na pag – iyak.
Nang mawala ang tunog ng pag – iyak ng bata ay saka lamang nya tinanggal ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Ganoon na lamang ang kanyang gulat ng makitang wala na sa kanyang katinuan ang bata at mayroon na ring kumokontrol sa katawan nito.
" Anong ginagawa mo sa kanya? "
Hindi naman sumagot ang halimaw na may hawak sa katawan ng bata. Ngumiti lamang ito ng nakakakilabot at saka bumulong sa bata. Napatigil naman ang mga lalaking humahalay pa sa kanyang ina at tumingin sa kanya.
" Mukhang may bagong putahe ang nakalaan para atin ngayon! Hahaha! "
Sumugod ang isa sa mga lalaking halimaw na iyon. Hindi pa nito nakakagat ang bata ng tumilapon ang ulo nito di kalayuan sa kanila. Ganoon na lang ang pagkagulat sa mga mukha ng mga ito ng makitang nagbago ang anyo ng kamay ng bata. Hindi pa sila nakakakilos ng kusang kumilos ang bata at isa – isa silang sinugod hanggang sa tuluyan na silang mamatay.
" I – ina! I – na! "
Huling sabi ng batang lalaki at saka nya isinunod ang kanyang sarili.
Margauz Valencia ~
" Tama na! "
Umiiyak na sabi ko sa shade na ngayon ay yakap ko pa rin. Hindi ko kayang labanan ang isang tulad nya na may mapait na nakaraan habang nabubuhay sa mundo. Tama na!
" Wala kang ginawang masama, nagpapasalamat ako dahil pinalaya mo ko! I am free from that nightmare today! And that is because of you! "
Napadilat kaagad sya at mabilis na tumingala sa mukha ng shade. Hindi na ito itsurang halimaw at bumalik sa itsura ng bata.
" You win! "
Nakangiti nitong sabi sa kanya at dahan – dahang nawala sa kanyang harapan.
" Welcome! "
End of Chapter 41