Chereads / Special Section / Chapter 48 - Chapter 46

Chapter 48 - Chapter 46

Chapter 46

Axel Valerie De Guzman ~

Ang daming pagsabog na maririnig sa bawat sulok ng silid na pinasukan namin. Kaharap ko rin ngayon ang pekeng Headmaster. Paano ko nalaman? The real keeper tells me.

Flashback ~

Gulat ang bumungad sa akin ng makapasok ako sa library ng sarili kong bahay. Hindi na ito ordinaryong silid, isa na itong daan patungo sa lupain ng mga naging Keeper ng Heart of Creation.

" Follow us! Don't worry, we will tell you everything you must know! "

Seryosong banggit sa akin ni Avin. Napatingin naman ako kay Riley na ngayon ay nasa kanyang orhinal na anyo. Malungkot itong nakatingin sa akin at nang makitang nakatingin ako sa kanya, mabilis nyang ginawang seryoso ang kanyang itsura upang maitago ang kanyang nararamdaman.

Napailing na lang ako dahil sa drama ng isang to. Hindi tuloy ako makapaniwalang isa sya sa mga kinatatakutan ng mga kaibigan ko.

Sumunod lang ako sa kanila hanggang sa tumigil kami sa isang kaharian. Oo. Isa itong kaharian dahil sa laki. Hindi ito masasabing mansion dahil mas malaki ito sa mansion kaya nasabi kong isa itong kaharian.

" Let's go! "

Hindi ko namalayang napatulala na pala ako. Hindi mo naman talaga maiiwasang hindi mapamangha sa ganda ng kahariang ito. Puro ginto at dyamante lamang ang nandito. Isa pa, masyadong payapa ang buong lugar kahit na marami rin kaming nadaanan na kabahayan.

" The Blessed Light Controller is here! "

Napatingin ako sa isang bahagi sa loob ng kaharian. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko si Alastar dito. Wag mong sabihing nandito rin ang iba pa sa mga naunang keeper ng Heart of Creation?

" Yep! Basically, dinala ko sya dito para malaman nya ang totoo nyang pagkatao! "

Doon ako muling napatingin kay Sir Franco na – 0o0 – anong nangyari sa itsura ni Sir Franco? Bakit bigla na lang syang naging bata? Yung sa tingin ko ay kasing edad lang namin?!

" Don't try to make that face my dear student? Hindi bagay sayo! At isa pa, marami ka pang bagay na makikita dito na ikagugulat mo! Kaya't sanayin mo na ang sarili mo! "

Sabi nito sa casual na boses. Ano pa bang dapat kong malaman ng hindi ako ganoong nagugulat? Tss.

" Sumunod ka na lang sa akin! Dito na lang kayo Riley at Avin! "

Tumango lang ang dalawa na akala mo ay mga maamong tuta. Hindi ko na lang sila pinansin pa at sumunod kay Sir Franco. Mabilis lang rin kaming nakarating sa isang kwarto kung saan ako pinapasok ni Sir. Maliit lang itong opisina kumpara sa laki ng kahariang ito.

" Hindi na ako magpapaligoy – ligoy pa! My name is Franco De Lavine – the Keeper of the Heart of Creation! "

Napatanga lang ako sa sinabi nya. Hanggang sa unti – unti kong nakain ang sinabi nya dahilan upang matawa ako.

" Si sir talaga! Ang galing nyong magbiro ah! "

Ngingiti – ngiti ko na lang na nasabi sa kanya. I am the keeper kaya paanong magiging –

0_0

" Wag nyong sabihing – "

" Yes, you are! You are the Keeper of the Light Part of the Heart of the Creation! Which Ax hold the reverse part of the Heart! "

Kaya pala! Kaya pala hindi ko masyadong magamit ang mga dark energy ko ng maayos! They belong to him not to me! But – ibig sabihin ba noon na –

" Yep! The thing between you two may continue! "

Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilan pang mapayakap sa kanya! Yun lang naman ang hinihingi kong paliwanag sa kanila eh!

" But the thing is – Ax is now under the power of the Hell Prince! And we need to go there now! "

Mabilis nitong sabi sa akin dahilan upang mabilis rin akong mapatingin sa kanya.

" Opo! "

Magalang kong pagsagot sa kanya at saka kami bumalik sa orihinal na mundo. Doon namin ipinaliwanag sa kanila ng maikli ngunit naiintindihan naman ang mga mangyayari! Maging kung paano kami susugod doon!

End ~

" Darkness Invasion! "

Pag – atake sa akin ng pekeng Headmaster. He's the Hell Prince as what they've call him!

" Holy Light! "

Si Sir Franco or I must say na si Franco ang humarang sa atakeng iyon. He signaled me to help the others and he will be the one who will fight the Hell Prince. Tumango lang ako sa kanya at mabilis na hinanap si Ax sa gitna ng laban. Hindi naman ako nahirapan dahil nasa isa lamang syang sulok at nakayuko.

Mabilis ko syang pinuntahan sa kinalalagyan nya upang tulungan sya. Ngunit agad rin akong napatigil dahil sa kakaibang kapangyarihang lumalabas sa kanya. Wag mong sabihing –

" Ahhhh! "

Isang malakas na pwersa ang nagtulak sa aming malalapit doon para mapalayo sa kinaroroonan nya. Maagap naman akong tumayo dahil ibang pwersa na ang nararamdaman ko kay Ax. Hindi maaaring sa sandaling panahon na hindi kami kaagad nakapunta dito ay ganoon na lang kadali nilang gigisingin ang kapangyarihan nito? Sa pagkaka –

0_0

Napahawak na lang ako sa tyan ko dahil sa isang bagay na bumaon doon. Napatingin din ako sa direksyon kung saan ito nanggaling. Ganoon na lang ang panghihina ko ng makita si Ax na nakangiti sa akin. He's smiling like a demon.

" Axel! "

Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko – si Alex. Nasa likuran nya sina Ana, Allyson at Alaina.

" Don't move! I will heal you but not totally mended! I will just keep the bleeding stop! "

Pagpigil sa akin ni Alex ng muntikan na akong humarap sa kanila. Sumunod na lang din ako dahil bigla ring nanghina ang kalamnan ko. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon, hindi ngayon lalo na at nasa kamay nila ang buhay ng taong mahalaga para sa akin.

" Ax is coming this way! Kami nang bahala sa kanya ni Alai, make sure na kaya nya nang lumaban Alex bago ka umalis sa tabi nya! "

Mabilis na umalis sa aming harapan sina Ana at Alai, na kasing bilis ng pagsangga nila sa pag – atake ni Ax. Hindi ko na lang sila inintindi at ginamit ko ang isa ko pang kapangyarihan upang matulungan ang iba.

" I call the Gate Keeper of the Heaven's Dungeon – Helvaquero! "

Pagtawag ko sa isip ko. Nagulat pa sina Ally at Alex ng may bumukas na portal sa mismong harapan namin. Doon lumabas si Helvaquero dala ang kanyang mga susi at ang kanyang pana at mga palaso.

" Do you need anything? "

Seryoso nitong banggit sa akin. Tumango na lang ako at itinuro ang nangyayari. Hindi naman sya nagsalita at kusang nawala sa hangin. Ilang sandali ang lumipas ng bumukas ang portal kung saan kami nanggaling kanina at lumabas ang iba't – ibang light creatures kabilang na ang mga Alicorn at Unicorns kung saan nakasakay sa likuran nila ang mga Heaven Knights, White Fairies na pinamumunuan ni Alvistra – the Queen of the White Fairies, Nymphs habang ginagabayan ang mga Flying Mermaids at Mermans, Sprite at Sylph's, Thunderbirds na kalahi ni Andre, at ang panghuli ay mga Phoenix na kalahi ni Ax at ang nag – iisang si Typhon na tagapagbantay ng Sacred Fire sa Templo ng mga Diyos.

Now, it is a real war.

End of Chapter 46