Chapter 44
Ax Villareal ~
Isang kulungan ang pinagbagsakan ko matapos akong higupin ng isang itim na nilalang papasok sa isa pang dimensyon. Sinubukan ko namang kumawala ngunit may kakayahan ang itim na nilalang na iyon upang hindi paganahin ang isang ability ng kanyang kalaban. Sinuri ko ang bawat sulok ng kulungang ito at saka ko sinubukang sunugin ang nagsisilbing harang dito. Ngunit walang lumabas na kahit na ano sa bibig ko, kahit ang mga apoy na dapat sana'y lalabas sa aking mga kamay ay hindi lumalabas. How come?
" Hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo habang nasa loob ka ng kulungang yan! And I am telling you, namatay lang ang lahat ng mga katulad mo na nagpumilit na makatakas dito! "
Isang boses ang pumainlalang sa kwartong iyon, kung saan nakalagay ang kulungang kinalalagyan ko. Mula sa dilim lumabas ang isang Pixie. Pixies are not fairies like the human world knows. They are creatures who has pointy ears and cause mischief to a person they like.
" Who are you? "
Napangiti naman ito sa itinanong ko sa kanya. She's giving me the creeps with her smile.
" My name is Bianca, the Pixie Queen! "
Maikli nitong pakilala matapos umupo sa upuang kusa na lang lumitaw sa kanyang tagiliran. Hindi sa akin nakaligtas ang kakaibang enerhiyang kanina nya pang tinatago sa kanyang mga kamay.
" Nasaan ako? "
Ani ko sa kanya habang nililibot ko ang paningin ko sa labas ng kulungang iyon. Tanging kadiliman lang ang makikita mo sa labas. Walang ni isa na kahit na ano doon. Maliban na lang sa mga boses na maririnig mo kahit nasa malayo. They were screaming like hell.
" You are here, in the Hell Prison Jail! Dito inilalagay ang mga katulad mong nagtaksil sa kanyang sariling lahi! Dito rin inilalagay ang mga nilalang na nakagawa ng mga kasalanan sa itaas! "
Naguluhan ako sa sinabi nya. Anong nagtaksil ako sa lahi?
" What do you mean? "
Ngumiti lang ito sa akin at pinailawan ang kanyang kamay. Doon bumungad sa akin ang iba't – ibang uri ng nilalang. They were punished by those creatures na katulad ng lahi ni Aries. And the voices I hear screaming around is basically, from them.
" Hell Prison Jail, like other jails – mortals or immortals – these were places build to punish those who tend to have unforgiven sin! "
Paliwanag pa nito ng makitang hindi ako kumikibo at tangi ko lang pinagmamasdan ang mga bagay na nakapalibot sa amin.
" Then why the hell am I here? "
Ngumiti lang ito sa akin ng matamis at saka lumapit sa kulungang pinaglalagyan ko.
" That's for you to know! Hahaha! "
Hindi ko na ito pinansin pa at saka ko muling sinubukang paganahin ang kapangyarihan ko. Ngunit katulad ng nauna kong mga subok, walang kahit na anong gumana sa mga ito. Bullsh*t!
Axel Valerie De Guzman ~
Lumipas pa ang ilang oras bago kami nagtanghalian ng sabay – sabay. At katulad pa rin ng dati, hindi ko kinikibo sina Riley at Avin. Hangga't hindi nila sinasabi sa akin ang mga dapat kong malaman, kahit na may hint na ako at kahit na alam ko na ang iba, hindi ko pa rin sila kakausapin! Hindi naman talaga dapat ako magagalit sa kanila, but I feel betrayed lalo na ng maglambing sa akin si Riley kanina. Ibig bang sabihin noon, lahat ng mga pinapakita nila sa aking kabutihan ay hindi totoo? Kahit yung mga sinasabi nila sa akin? Naiinis ako.
" Papi! "
Hindi ko pinansin si Riley. I don't care kung umiyak sya, nasasaktan din naman ako eh! At the very least, napanindigan ko na kaya kong tiisin ang isang yan o kahit na sino sa kanila.
" Fine then! You want the truth, we will tell you the truth! "
Napatingin ako kay Avin ng bigla itong magbagsak ng mga kamay sa lamesa. Hindi man ako nakatingin sa mga kaibigan namin, o kaibigan ko? Alam kong kanina pa sila nagmamasid sa amin.
" Really? "
Maikli kong tugon sa kanya. Hindi ko sasabayan ang pagiging seryoso nya, ayokong mag – init ang ulo ko. May laban pa akong dapat ipanalo kahit na alam kong malaki ang tyansa na magwagi sila! But then again, naisip ko na darating din naman sa ganito ang lahat, kaya't tama lang na kami ang maunang sumugod sa mga demonyong iyon!
" Follow – "
Ding Dong ~
Naging alerto ako sa pagtunog ng doorbell. Hindi ko na hahayaan pang may mapahamak pa ni isa sa kanila. I am in charge to protect them, and I will never allow to hurt them twice.
" Ako na ang magbubukas! "
Deklara ni Myrko. Tumango naman ang iba at naghanda rin sa maaaring mangyari. Naghintay pa kami ng ilang saglit bago namin sinundan si Myrko sa labas. Nakita namin syang may kausap na lalaki. Hindi lang namin makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng mahabang panaklong na nakasuot sa buo nitong katawan na umabot sa ulo. Hindi rin naman kami nabahala dahil kita ko ang pagkagalak sa mukha ni Myrko habang kausap ito.
Ilang saglit pa ng bumalik ito kasama ang estranghero. Kita ko pa ang saya dito ng bumalik sa hapag – kainan.
" Axel! I've had a good news! "
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Tumingin rin ako sa lalaking katabi nya sa tapat ng pintuan.
" Buhay si Sir Franco! "
Masaya nitong sabi sa aming lahat at kasunod noon ang pagtatanggal ng lalaki sa tabi nito ng mahabang panaklong sa kanyang mukha. Ganoon na lang ang pagkabigla ng lahat, ngunit hindi doon napunta ang atensyon ko. My attention diverted to Riley and Avin na yumuko lang kay Sir Franco. What's with this two doing?
" Axel! Axel! "
Napatingin ako sa katabi ko, si Alai.
" Kanina ka pa tinatawag ni Sir Franco! Sumunod ka na lang daw sa kanila nina Riley at Avin! "
Ngayon ko lang nalaman na kanina pa pala ako na out of space. Dali – dali akong umakyat sa library sa second floor upang doon pumunta. Palagi naman kasi doong ginagawa ang mga ganitong lihim na pag – uusap.
" Bakit nyo nga po pala ako hinahanap Sir? "
Bungad ko kaagad ng makapasok sa loob ng library. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok dito ng agad din akong mapatigil. What the hell is happening?
0_0
Sh*t.
End of Chapter 44