Chapter 45
Ax Villareal ~
Ilang oras lang din ang itinagal ko sa patuloy na pagsubok na makatakas sa lugar na to. Bullshi*t. Inabutan na lang din ako ng mga nilalang na nagbukas sa kulungan ko. Manlalaban pa nga ako ngunit may kung anong bagay silang inilagay sa aking mga kamay dahilan upang makuryente ako ng doble sa ilang beses na manlalaban ako sa kanila! Hindi na lang din ako lumaban pa dahil tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa patuloy na paglakas ng daloy ng boltahe ng kuryente sa katawan ko.
Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa isa sa mga pintuan sa loob ng gusaling iyon. May kakaiba sa kwartong iyon dahil malakas ang itim na kapangyarihang nararamdaman ko doon.
Unang bumungad sa akin ang mga estatwa na sa tingin ko ay hindi lang ordinaryong mga estatwa. Parang mga buhay dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Ang kwartong iyon ay malaki, na sa laki ay hindi na umangkop ang laki ng pintuan dahil dito. Para itong pinalaking gymnasium hall ng Astravision University.
Napatigil lang ako sa paglilibot sa loob ng silid na iyon ng bigla na lang umalis sa pareho kong gilid ang mga kawal na naghatid sa akin sa loob. Ngayon ko lang din napansing nasa unahan na pala ako ng hall na iyon.
" Is he the man you're talking about Bianca? The same with you Aivee? "
Napatingin ako sa isang gilid ko. The woman who talked is a gorgon. I immediately close my eyes to avoid her stares. A gorgon is a snake – haired and snake – bodied humanoid. It has the ability to turn a person to a stone by only using her stare at it.
" Yes! He's really handsome right? "
Sabay na sabi ng dalawa. The pixie and the one who killed my grandfather. Muli na namang bumalik sa akin ang poot na matagal ko nang inilibing simula ng tanggapin ko ang pagiging guardian ko kay Axel.
" Not that bad! He's the man before who leads the group who killed Ryan! You jerk! "
Isang malutong na sampal ang natanggap ko sa gorgon na iyon. Hindi ko man ito nakikita dahil sa nakapikit ako, alam kong ito iyon lalo na at ramdam ko ang mga kaliskis nito sa katawan.
" Itigil mo na yan Colleen! Walang magagawa ang mga sampal mo sa pagkamatay ni Ryan! "
Isa pang boses ang lumabas sa aking gilid. And by the smell of it, it looks like a siren. A siren is a beautiful creature using a women's body whose song compels men to worship them and after, they will be eaten for them to survive the aging.
" It has! I will never stop until he begged to live! "
Nanggigigil pa nitong sabi sa huli. Hindi naman ako kumikibo, dahil tanging presensya lamang ng mga nandoon ang kinakabisado ko kung sakali mang makahanap ako ng matatakasan.
" Tumigil na kayong dalawa! In a minute, the Hell Prince will be here! "
Doon nagpantig ang mga pandinig ko.
Hell Prince.
" Wag kang makisali rito Jhoshua! You have no position for us to – "
" Silence! "
Bigla akong napadilat ng marinig ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko, boses yun ni Lolo! Mabilis kong inilibot ang mga paningin ko sa loob ng kwartong iyon upang makumpirma kung tama ba ang pagkakarinig ko! Ngunit kahit na anong libot ko sa buong paligid ay wala akong nakitang anino ni Lolo, maliban na lang sa nilalang na nababalutan ng mahabang balabal sa mukha na nakaupo sa gitna ng silid na ito.
" Lolo! "
Bulong ko sa sarili ko. Hindi ako pwedeng magkamali na si Lolo ang nilalang na natatakpan ng mahabang balabal sa mukha. Alam kong sya yun! Yun nga lang at bakit sya nandito? Bakit sya ginagalang ng mga nilalang na to? Anong meron at nag – iba ang enerhiyang lumalabas sa katawan nya? Anong nangyayari?
Napahawak na lang ako sa ulo ko ng kusa itong sumakit dahil sa mga tanong na unti – unti nang nabubuo sa utak ko. Hindi maaari?
" Apo! "
0_0
Si Lolo. Mabilis akong napa – angat ng tingin sa harapan. Ganoon na lang ang gulat na bumalot sa buo kong pagkatao. Buhay si Lolo. Buhay sya.
" Halika! "
Dahan – dahan akong lumapit sa kinaroroonan nya dahil sa sinabi nya. Hindi na ako nag – iisa, hindi na.
" Ax! "
Napatigil kaagad ako dahil sa isang boses na tumawag sa pangalan ko.
Si Axel.
Napatingin kaagad ako sa likuran ko upang makita kung nandoon ba sya, ngunit wala ni isang bakas nito roon. Napailing na lang ako ng malamang guni – guni ko lang ang boses na iyon. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin na hindi na maaari pang maayos ang mayroon sa aming dalawa.
" Halika na apo! "
Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Lolo at muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad sa ikalawang pagkakataon. Hindi ko na lang din pinansin pa ang mga nilalang na nakapalibot sa akin. Ang mahalaga lang sa akin ay muli kong makasama si Lolo, sya na lang kasi ang meron ako dahil matagal na akong ulila.
" Ax! "
Muli akong napatigil. Hindi ako pwedeng magkamali, boses talaga iyon ni Axel. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata upang malaman kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
" Ax, apo! Halika na dito! "
Napadilat ako ng wala sa oras ng makita ang seryosong mukha ni Lolo. Mabuti pang puntahan ko na muna si Lolo bago ko hanapin sa paligid ang presensya ni Axel.
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil dito. Bakit hindi ko magawang maging seryoso ngayon kahit kaharap ko si Lolo? Hindi naman kasi ako sanay na nakikita ni Lolo na ganito, I mean, hindi kasi ako nagpapakita ng kahit na anong ekspresyon pag nakikipagkita kay Lolo.
" Got you! "
Mabilis akong napatigil sa isang mainit na hangin na dahan – dahang bumabalot sa katawan ko.
" Let the war begin! "
End of Chapter 45