Chereads / Special Section / Chapter 41 - Chapter 39

Chapter 41 - Chapter 39

Chapter 39

Daryl Sales ~

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung saan ang lagusan sa gubat na kinalalagyan ko? Ni hindi ko magamit ng maayos ang lakas ng pang – amoy ko dahil sa isang masangsang na amoy na kanina ko pang naaamoy. Kahit ang pakiramdam ko ay hindi ko magamit dahil sa kakaibang temperatura sa loob ng gubat na ito. Mabilis ang pagbabago ng lahat na mula sa isang tag – araw na kalangitan, magkakaroon bigla ng bagyo, at pagkatapos naman ay uulan ng nyebe. Ganoon ang ikot nito. Ni hindi ito umabot ng limang minuto para magpalit ng bawat panahon. Ang aking paningin ay maaayos pa naman kung kaya't nakakapag – isip pa ako ng maayos. Kailangan ko nang makalabas sa gubat na ito dahil maaaring ito ang aking ikamatay.

" I have the ability to control weather. Your weakness! "

Alam ko namang kanina pa may nagmamasid sa akin sa malayo. Hindi nga lang ako sigurado kung saan ang eksaktong lokasyon nito dahil hindi na malaman ng aking lakas ng pakiramdam ang lugar na iyon. Sa tingin ko ay nasa labas sya ng gubat na ito kung kaya't nakokontrol nya ng maayos ang lahat ng panahon sa gubat na ito.

" You cannot escape the weather curse I give it to the forest. A centaur like you depend on weathers to forecast everything! And as you can see, you cannot forecast the location I am about? Am I right? "

Hindi ako sumagot sa tanong ng halimaw na iyon. Alam kong iyon ang shade na isa sa mga kakalabanin namin upang makalabas sa loob ng dimensyong ito. At alam kong isa na rin ito sa parte ng aming pagsasanay na ibinigay sa amin ni Axel. But right now? Gusto ko nang magreklamo! How can I even fight that thing kung sa paghahanap pa nga lang ng direksyon ay hindi ko na kaagad mahulaan?

" Just give up! You will never ever find me! You're a simple centaur at all, you don't even have the royal blood of a creature like us! "

Biglang umulan ng malakas tanda ng paparating na bagyo. Sa tagal ng pamamalagi ko sa lugar na ito, naobserbahan kong may isang parte ng gubat kung saan hindi natatamaan ng kahit na anong pagbabago ng panahon – ang malaking ilog sa dulo ng gubat. Hindi ko ito napansin kanina dahil tag – init, but then again, umulan pagkalabas ko sa loob ng sakop ng malaking ilog kaya't nagtaka na kaagad ako dahil dito. Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa direksyon ng malaking ilog. Nagpalit na rin ako ng anyo upang mapabilis ang punta roon, may kalayuan din kasi ito kahit na apat ang gagamitin kong mga paa.

" Alam kong dito ko makukuha ang sagot upang makalabas sa lugar na ito? But how? "

Ani ko ng makalapit sa malaking ilog. Napaupo pa nga ako sa gilid nito habang hinahapo ang aking paghinga. Katulad ng sinabi nya, ordinaryo lang ako sa lahi ng mga centaur kung kaya't hindi ganoon kalakas ang kakayahang meron ako. Ngunit alam kong kahit na mahina ito, may bagay naman na nakalaan para dito.

" Don't you feel any difference here and there? "

Napatayo ako ng bigla dahil sa isang boses na narinig ko sa aking isipan. Lumingon – lingon pa ako upang tingnan kung may panibago na naman akong magiging kalaban. Although, ang creepy ng dating ng boses na iyon, it somehow helps me to find the key to get the hell out of me inside this freaking forest.

Hindi ko na lang pinansin ang boses na iyon at pagkatapos ay inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng malaking ilog. Magaganda ang bawat bulaklak na namumukadkad sa gilid nito, kita rin ang ilalim ng ilog dahil sa taglay na linaw nito.

Yun nga lang at may nakakapagtakang bagay sa ilalim ng ilog na ito. May kung ano kasing bagay ang nakakasilaw sa gitna nito. Kahit ako na nandito sa itaas at wala sa malapit nito, pakiramdam ko ay nasa tapat lamang ito ng aking mga mata kung kaya't masakit sa pakiramdam.

" As soon as the time that you didn't find me, you'll die here helplessly and miserably! Hahaha! "

Mas malapit na ngayon ang boses na iyon kumpara kanina. Ang kailangan ko na lang alamin ay kung nasaan ito. Tama na rin ang hinala ko na nandito ang lagusan papalabas sa gubat na ito at hindi ito basta – bastang lagusan dahil ang lagusan na iyon ay ang bagay na kumikinang ng nakasisilaw sa ilalim ng malaking ilog.

Mabilis akong tumalon sa ilog upang sisirin ang bagay na iyon. Bumalik na rin ako sa dati kong anyo dahil hindi ako makakasisid gamit ang apat na paa. Malapit na ako noon dito, ngunit isang bagay ang bigla kong naramdaman sa aking likuran. Ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko ang isang Charybdis na papalapit sa kinaroroonan ko. Kailan pa nagkaroon ng ganitong klaseng halimaw sa ilog? Charybdis are creatures that lives beneath the ocean floor. It is a creature that fed by humans blood with the help of the Loch Ness Monster.

" What the hell? "

Mas binilisan ko pa ang paglangoy upang hindi ako nito maabutan. Kaunting sipa pa at tagumpay kong nahawakan ang bagay na iyon kahit masakit ang init na ibinibigay nito sa katawan.

" I didn't know that you are really smart to know that the pearl at the bottom of the river is the door to get out the forest? "

Iyon ang boses ng shade na kanina ko pang hinahanap. Hindi muna ako dumilat dahil maaari nitong makita ang ginagawa kong konsentrasyon upang ipunin ang lahat ng aking kapangyarihan at gawin itong isang lance. Iyon na lang ang huli kong lakas dahil sa tagal ng aking pamamalagi sa loob ng gubat. Hindi ko na rin alam kung makakaya ko pa bang makipaglaban sa kanya ng pisikalan kung hindi magtatagumpay ang pag – atake kong ito? Basta't ang alam ko, kaunting lakas pa at tamang direksyon lang kung nasaan sya'y alam kong matatalo ko sya.

" Why don't you open your eyes to see how beautiful your foe is? "

Kung ngayon ay nakangiti ka, pwes, maghanda ka dahil yan na ang huli sa mga ngiting magagawa mo! Dahan – dahan akong nakarinig ng mga paggalaw ng mga paa patungo sa direksyon ko. Tama lang ang ginagawa nitong paglalakad ngunit may mali, parang wala na itong buhay? Parang isa lamang itong manika na kinokontrol ng may – ari?

0_0

Sa likod?

Boogsh ~

Malalalim ang ginawa kong pagbuntong – hininga dahil sa bilis ng pangyayari. Basta't naramdaman ko na lang ang isang matulis na bagay na nakabaon sa aking mga balikat.

" You – are good! You – beat me! "

Napapikit na lang ako ng kusang sumabog ang katawan ng halimaw sa aking harapan. Bad for her.

End of Chapter 39