Chereads / Loving the Vampire King ( Tagalog ) / Chapter 1 - Chapter one

Loving the Vampire King ( Tagalog )

🇵🇭SeirinSky
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 130.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter one

*Akina pov*

"Saan ba tayo pupunta ha?" Tanong ni Akina, sa kaklase nyang si Sena. Aka'y siya nito kanina palang paglabas nila ng huling subject sa EP.

"Basta nga kase eh!" Liningon nya ako. "Birthday ni Tom sabi nya isama daw kita hindi ko sya pwedeng tanggihan" napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya ayaw ko sa lahat ay pinipilit siya at ayaw niya ring mapalapit sa grupong iyon nagpumiglas sya sa hawak nito. Kaya ikinagulat iyon ni Sena nakawala sya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso nya. Malalagot sya mamaya sa lola nya kapag nakitang may pasa sya sa braso.

"Ano ka ba!" bigla siyang nagtaas ng boses. "Sumama ka na lang kase saakin Akina!" Kaya nakaramdam ako ng inis at umayos ng tayo.

"Sabi ko naman na ayoko diba bakit ba namimilit ka ha!" Inis kong wika sa kanya kaya lalong bumagsik ang itsura nya,desperada talaga tong babaeng ito tch!.

"Oh! eh! kung ayaw mo edi wag d'yan ka na nga ang KJ mo kahit kailan!" Tumalikod na sya at lumakad palayo nasundan ko na lang sya ng tingin.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil buti na lang ay maaga kong nalaman ang totoo niyang ugali. She use to be my friend before ng kalilipat ko lang dito noong nakaraang taon pero ng ipakilala niya saakin yung grupong kinabibilangan niya ay doon ko unti-unting nalaman ang totoo niyang ugali, doon ko nakita nang turuan nya akong uminom at manigarilyo lahat yon ay tinangihan ko.

Doon nagsimula yung paglabo ng pagkakaibigan namin. Matagal na nya palang ginagawa yon at narinig ko rin sa ibang classmate namin na 'walwal' sya at suwail sa magulang at halata yon sa kanya base sa itsura nya at pag-uugali.

Noong una ay nagagawa ko pa siyang unawain dahil sya ang unang kong naging kaibigan dito, pero ngayon ay naubusan narin ako ng pasensya sa kanya at sagad na talaga.

Naglakad na lang ako mag-isa pauwi tutal malapit lang bahay namin mula dito sa School kaya hindi na ako namamasahe.

Ako nga pala si Akina Smith,17 years old at Third year college, Fine-arts ang kurso kong kinukuha dahil katulad ni Lola ay gusto ko din na maging sikat na Painter, nag-iisa akong anak, ang Papa ko ay nagtatrabaho sa barko, si Mama naman ay yun may iba na syang pamilya naghiwalay sila ni Papa noong four years old ako, simula noon ay sina Lolo, Lola at Papa na ang nag aruga saakin,at masasabi kong kahit broken family kami ay nandyan parin sina Lolo, Lola at Papa na bumubuo sa pagkatao ko, masaya kaming magkakasama at tahimik ang aming buhay.

Kada tatlong buwan ay bumababa ng barko si Papa para saamin nina Lola lalo na sa mga importanteng okasyon katulad ng Pasko,Bagong taon at syempre tuwing kaarawan ko.

Swerte ako kay Papa dahil napakabait nyang Ama, at ni minsan ay hindi sya nagkulang saakin pinupunan nya lahat ang pangangailangan lalo na't wala si Mama, kaya hindi na nya nagawa pang mag asawa uli dahil saakin, hindi katulad ni Mama na kung hindi pa kami magkakasalubong ay hindi nya maalala na may isa pa syang anak.

May dalawa narin akong kapatid anak nya sa asawa nya dalawang anak din ng asawa nya puro masasama ang pag-uugali ng dalawang iyon wala nang ibang ginawa kundi ipamukha saakin na sampid lang ako sa buhay ni Mama,minsan pinag dadasal ko na lang sila sa Diyos na sana balang araw ay magbago din sila.

Pero iba naman ang mga kapatid ko na parehong lalaki buti pa sila ay malapit saakin pero patago lang kung magkita kami dahil magiging malaking gulo kung malalaman iyon ng ama nila at ni mama.

At dahil pinalaki akong may takot sa diyos nina Lola at Papa ay nanatili na lang akong tahimik,wag lang nila mababangit sina Lola at Papa at papatulan ko talaga sila dahil wala silang alam sa mga sakripisyo nila para saakin. Hindi yon alam ni Lola at ayaw ko naring malaman pa nya.

At hindi ako katulad ng iba na duwag at nagpapaapi,dahil palaban ako sa totoo lang ay takot saakin yung mga bully sa school namin at meyembro din ako ng Deciplinary Committe hangat maari ay nasa lugar ako kung may naaaping studyante ay tumutulong ako,yun ang dahilan kung bakit galit saakin si Mama madalas kasing nasasangkot sa gulo ang dalawa nyang anak na sina Xandra at Zia dahil pareho silang dakilang bully kaya madalas ay napapatawag sa school si Mama at ang Asawa nyang harapan akong iniinsulto sa harap ni Mama na wala din naman ibang sinasabi kundi masasakit na salita minsan kapag nagkakatinginan kami Madam Principal ay awa ang nakikita ko sa kanya pero hinahayaan ko na lang sila dahil ginagawa ko lang ang tama.

Naglalakad na ako sa gilid ng daan ng naramdaman kong parang may nakatingin saakin kaya lumingon ako.napakunot ang noo ko ng may isang kotse na nakahinto din kalayuan kung nasaan ako.bahagyang nakabukas ang bintana nito at may lalaking nakatingin saakin nakashade sya kaya di ko mabistahan ang mukha nya.

Kinabahan ako bigla dahil sa intensidad ng tingin nya kaya bigla kong inalis ang tingin ko sa kanya at nagmamadaling lumakad. Nakita kong umandar din sya kaya lalo kong binilisan ang bawat hakbang ko.

Hindi ko alam pero ngayon ko lang naramdaman ito,nakakatakot sya,ng makarating ako sa tapat ng subdibisyon namin ay agad akong tumakbo papasok sa gate hindi ko na pinansin si Manong guard na bumati saakin ang mahalaga ay makauwi ako kaagad.

Nang makapasok ako sa gate ng bahay namin ay saka ko lang pinakawalan ang hininga ko at hinawakan ang dibdib ko atsaka ako dahan dahang muling huminga.

Sino kaya yon? nakakatakot!

*Someone pov*

Napangiti ako ng masilayan ko ang napakaganda nyang mukha pero parang kumirot din ang puso ko ng magtama ang paningin namin kinakitaan kasi ng takot sa mga mata nya ng makita nya ako. Pero hindi ako kailangang mapanghinaan ng loob dahil ngayon pang halos abot na sya ng mga kamay ko. Maghintay ka lang "baby" magkakasama din tayo.

An: hi sana suportahan nyo din po ang kwentong ito :) this is Vampire genre :)

_Sky

This story is one of my stand alone story this kinda intense" and trilling" genre so just kindly comment if you have your some question or suggestion :)