Chereads / Loving the Vampire King ( Tagalog ) / Chapter 4 - Chapter four

Chapter 4 - Chapter four

*Alaistair pov*

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahaplos ko ang pisngi nya napakaamo at napakainosenteng tingnan hindi ako makapaniwala na hawak kamay ko na ang magiging reyna ko,sa wakas matutupad narin ang mga plano ko. Ang pagsakop sa mundo...sigh* syempre joke lang yun. Para narin akong naging kasingsama non ni Dracula na ninais na gawing kauri namin ang lahat ng tao sa mundo.

At dahil isang dakilang taong/vampirang namumuhay ang aking ama ay hindi nya pinagbigyan si Dracula na masama ang budhi. Totoo nga yung kasabihan na kapag isinilang kang makasalanan,makasalanan karing lalaki kung wala kang matinong gabay ng isang mabuting ina. Ganoon ang nangyari kay Drago o Dracula nang maglaon.

Alam kong may mga class b vampire na nandito ngayon sa pilipinas kaya kami nandito upang alamin kung saan sila nagmula at kung bakit nandito sila sa bansang ito na di hamak namang napakalayo mula sa Romania. Muli ko syang tiningnan hindi ko hahayaan na masaktan sya ng kahit sino ito ang ipinangako ko sa kanya noon.

Napakatagal naring panahon mula ng makilala ko sya noong maliit pa sya at ang huli kong tapak sa bansang ito. Napatigil ako ng marinig ko si Thomas sa isip ko na pinapalabas ako sa silid na ginamitan ko ng shield para hindi sila makapasok pero nakagawa parin sila ng paraan para makausap ako sa isip ko. Kaya naman binaba ko na ang depensa ko at tumayo para lumabas ako ng silid pero kaagad din akong bumalik sa kama at,hinalikan sya sa noo at tuluyang lumabas.

"Kamahalan bakit nananatili parin sya dito kailangan mo nang ibalik ang mortal sa tahanan nya,o kaya naman ay burahin ang isip nya" ito agad bungad nya saakin naupo ako sa nagiisang sofa at nakadekwatro at sabay halukipkip.

"She is my Queen kaya wala kang karapatan na kwestyunin ako" timpi kong turan kahit kailan talaga pakialamero itong si Thomas.

"Bakit ba kase nasayo si Akina?" Tanong ni Fendrel napatingin ako sa kanya na pinaglalaruan ang buhok ng kapatid nya na busy sa paglalaro ng temple run dahil naka volume pa ang cellphone nya.

"Siguro espesyal talaga sya kaya di natin siya mabasa o mapasok manlang ang nasa isip nya kakaibang mortal" sabi uli ng isang kambal napabuntonghininga na lang ako, hindi ko masabi sa kanila na nararamdaman ko ang presensya nya di ko man mabasa ang isip nya pero ramdam ko naman kung takot sya o kaya ay may iba syang nararamdaman napakalakas nang enerhiya niya kumpara sa pangkaraniwang tao.

"I told her who i am,i told her that i am Vampire" napasinghap pa sila pare- pareho kaya muli akong napabuntong hininga inaasahan kona ito dahil ito ang iniiwasan nila hindi nila magagawang burahin ang alaala ni Akina.

"Fu*cking holy sh*it" napamura si Fraden at nabitawan pa nya ang cellphone nya buti na lang may temperd glass kaya di yun mababasag.

"King naman nanggulat ka eh na may pinakamataas na ako score eh konti na lang eh" nabatukan tuloy sya ng kapatid nya na nagaaway na kaya napailing na lang ako.

"Kung sinabi mo sa kanya yan ano balak mo baka ipagkalat nya kung ano tayo" baling ni Thomas saakin.

"Hindi sya magsasalita alam ko ang nararamdaman nya diko man mabasa ang isip nya alam kong hindi nya sasabihin ang lihim natin sa ibang tao" para naman silang nabunutan ng tinik dahil naniniwala sila saakin sa mga ganitong bagay,para saan pa at ako ang hari nila kung hindi sila magtitiwala sa kakayahan ko.

"Hi guiz" napatingin kami lahat sa biglang nagsalita sa may hagdan,nagulat pa ako ng hindi ko man lang napansin ang presensya nya.

Agad akong lumapit sa kanya atsaka sya binuhat at iniupo sa tabi ko sa sofa sa harap ng mga kaibigan ko. Napayuko sya dahil sa tingin sa kanya nina Thomas.

"Pwede ba kayong tatlo wag nyong tinatakot sa tingin si Akina,baka dukutin ko yang mata nyo" asik ko na nakapagpapitlag sa kanya,kaya napatawa ng malakas si Fendrel sinaway sya ng dalawa kaya natahimik sya.

"Bakit hindi ko manlang naramdaman na nakababa kana nang silid?" Tanong ko sa kanya tumingin sya saakin.

"Eh kasi naman seryoso kayo sa paguusap nyo" katwiran nya kaya napiling ako.

"Ahmm tungkol sa sinabi mo kanina totoo ba yun oo nga pala totoo yon dahil nakita kita ngayon lang kung paano ka mabilis na lumapit saakin" wala akong nasabi dahil doon kakaiba talaga ang Reyna ko.

"So paano kung oo mga Vampira talaga kami hindi ka ba natatakot na baka masama kami at patayin ka namin o kaya ay inumin namin ang dugo mo?" Seryosong tanong ni Thomas,tiningnan nya si Thomas at tsaka napahawak sya dulo ng uniform nya.

"Naisip ko din yan eh pero alam ko na hindi naman kayo kasingsama siguro ng Volturi, tsaka kanina pa sana ako wala dito sa mundo at hindi sana ako nakaharap sainyo" sagot nya, volturi? Gusto kong magtanong pero naunahan ako ni Fraden.

"Volturi talaga? Eh sa pelikula lang iyon" sabay tawa nya "pero mayroon kaming mga Velos yun ang tawag sa mga ministro ng palasyo" patuloy na tawa ni Fraden siniko sya tuloy ng kapatid nya.

"Seryoso talaga!" Napahawak sya saakin ng mahigpit.

"Please wag nyo akong patayin ha, ayaw ko pang iwan sina Lolo,Lola at si Papa" naiiyak nyang pakiusap kaya naman kinabig ko sya payakap ngayon ay ramdam ko na ang takot nya.

"Hindi namin iyon gagawin Sweetheart" napatingin ako kina Thomas at kinausap sila sa isip ko napatango sila sa sinabi ko.

"Hindi nyo ako sasaktan?" Muli nyang tanong timingin pa sya kay Thomas at sa kambal na pare-parehong umiling.

"Kung totoo talaga na mga Vampira kayo,totoo din na Vampira ang nambibiktima ng mga babae sa balita ngayon?" Tanong nya mukhang interesado sya sa mga ganitong kaso.

"Oo at kaya kami nandito dahil doon gusto naming mag-imbestiga kung saan sila nanggaling" seryoso kong turan kung ganoon ay may ideya na sya na Vampira yung mga nambibiktima ng mga babaeng kaidaran lang nya.

"Hmmm pwede na ba akong umuwi kase baka hinahanap na ako ni Lola"ayoko man syang paalisin pero kailangan dahil may pamilya sya na hinihintay ang paguwi nya,hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ng mariin.

"Ihahatid ka namin para makauwi ka nang ligtas" namumula ang pisngi nya na tumango kaya nginitian ko sya.

"Fraden magdrive ka atsaka para makapag trabaho narin tayo ngayong gabi" napatango sya atsaka umalis sandali mukhang kukuha iyon ng sandata.

"Hmmm marami ba kayo? I mean kung maraming mga Vampira sa mundong ito?" Nasa sasakyan na kami medyo tahimik ang byahe ng ilang sandali ay nagtanong sya,curious sya pero may tiwala ako sa kanya kaya sasagutin ko ang katanungan nya.

*Akina pov*

Tumingin ako sa kanya at nagsimulang magkwento si Alistair.

"Oo sa Pensylvania ang pinakasentro ng aming Lahi, may palasyo kami at ako ang kasalukuyang namumuno sa lahi namin. Lahat kami ay sumusunod sa batas na itinatag pa ng aming mga ninuno,at hangang ngayon ay sinusunod namin." Huminga muna ako malalim saka nagpatuloy. "Pwera lang doon sa mga class b na uri ng Vampira sila ang salot dahil nambibiktima sila ng mga inosenteng tao para lang makatikim ng dugo. Kaming mga Class A na Vampira ay nabubuhay narin kami sa pagkain ng mga tao at mayroon kaming iniinom na nagmula sa mga dugo ng hayop para hindi manghina ang aming imortal na katawan" napatango ako at pilit na ipinoproseso ang mga sinasabi nya parang gusto kong matawa pakiramdam ko nasa isang eksena ako ng bluff yong katulad sa palabas sa channel 5 ang host si Joey De leon hindi ako makapaniwala kanina ko pa yon hinihintay tapos may confetti pa pero wala totoo talaga sya napapikit ako dahil grabe parang napagod ako kahit kakagising ko lang.

"Nandito na tayo" napabalikwas ako ng mahinang tapikin ni Alistair ang pisngi ko nakaidlip pala ako nakakahiya.

"Pasensya kana kung masyado kang nagulat sa rebelasyon namin kanina ha." Napatingin ako sa isa sa mga kambal napayuko lang ako nanginginig ang kamay ko dahil hindi parin ako makapaniwala pero kailangan dahil ito ang katotohanan.

"Papasok na ako sa loob sige salamat sainyo" hindi kona hinintay na makapagsalita sila kaagad kong binuksan ang pinto ng kotse na laking pasalamat kong nagbukas naman tsaka ako nagmamadaling pumasok sa loob ng bakuran ng bahag namin,pero napagtanto ko rin na hindi dapat ako matakot kaya lumingon ako nakita kong nakabukas ang bintana nakita kong nakatingin saakin si Alistair. Itinaas ko ang kamay ko para kumaway saka umandar ang kotse kaya napabuntonghininga ako.

Bukas panibagong araw at alam kong mayroong magbabago lalo na ngayon ay nakakilala ako ng mga kakaibang nilalang na ni sa hinagap ay hindi ko aakalain na mayroon sa mundong ito.

Baka bukas makalimutan ko ito at sana walang magbago sa normal kong pamumuhay dahil sa mga nilalang na natuklasan kong mayroon pala sa mundong ito.