Chereads / Loving the Vampire King ( Tagalog ) / Chapter 5 - Chapter five

Chapter 5 - Chapter five

*Alistair pov*

Nakaupo ako sa tabi ng football field at nanonood kina Thomas, na naglalaro ng football parang napakanormal na araw. Taliwas kagabi ng ihatid namin si Akina sa kanila ay nagsimula na kaming maghanap ng mga Class B Vampire, at nagkaroon kami ng ingkwentro kagabi lang nahirapan kami dahil kakaibang nilalang sila mga nasa tatlo sila pero dahil kay Thomas,at sa special nyang kakayahan ay nahanap namin sila yun nga lang may nabiktima nanaman sila ang nakakadiri ay hindi lang dugo ang iniinom nila kundi laman loob ng tao.

Authors note:

pasintabi po sa mga readers*-*

Ayoko nang alalahanin yon dahil nandidiri ako yung kambal ang galit na galit dahil isang inosenteng tao nanaman ang biktima alam kong marami pa sila kaya hindi ako titigil hanga't hindi sila nauubos at kailangan din naming alamin kung sino ang namumuno sa kanila. Mayroon na akong ideya pero hindi ako nakakasigurado at isa pa anong motibo nya at bakit dito sila pumunta sa malayong bansa na ito nakakainis lang na kailangan pang may mabiktima ang mga halimaw na iyon.

"Hindi ko nakikita si Akina mula pa kanina pero sabi ni Thomas, ay nararamdaman nya ang presensya nya nakapagtataka lang eh" napatingin ako kay Fendrel, na nagpupunas ng pawis atsaka sumalampak ng upo sa tabi ko.

"Baka busy miss mo agad" medyo nairita ako sa sinabi ni Fraden, kaya pinukol ko sya ng masamang tingin natawa lang sya at umupo sa harap ko.

"Umiiwas sya dahil hindi nya matangap na kung anong mga nilalang tayo,syempre mas matindi ang aftershock kesa sa umpisa na nalaman nya." napatingin kami kay Thomas, na mayroong seryosong boses napaisip ako dahil sa sinabi ni Thomas pero hindi sya dapat matakot dahil hindi naman kami masamang Vampira pero hindi ko rin sya masisi dahil sa kasalanan ko din naman eh hindi ko namalayan na nasabi kona sa kanya kung sino ako.

Tumayo ako at huminga ng malalim atsaka ako pumikit,pinakiramdaman ko sya malapit lang sya nakita ko agad syang nagmamadalaling naglalakad alam kong umiiwas sya kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko at mabilis na lumapit sa kanya saka ko sya binuhat at dinala sa rooftop sa sobrang bilis ko ay hindi man lang sya nakapalag.

"Anong kailangan mo bakit bigla ka na lang nantatangay dyan!" Malakas nyang singhap bigla syang napaupo sa sahig nanginginig pa ang buo nyang katawan,shit! Natakot ko nanaman sya.

"Hindi ako nanaginip!" Pabulong lang iyon pero narinig ko parin napatingala sya saakin at umatras ng dahan-dahan. Nasasaktan ako sa paraan ng tingin nya pero hindi ako nagpahalata.

"I guest you have an major shocked right now!" Napabuntong hininga ako.

"Look! Akina were not bad Vampires,at please sana tanggalin mo yang takot sa puso't isip mo dahil hindi kami masamang tao." Sinubukan kong humakbang sa kanya pero atomatiko din syang umatras kaya nainis ako sa inaasta nya,akala ko pa naman hindi sya matatakot ng ganito tama si Thomas, sino nga ba naman ang tatangap nang ganoong kabilis sa pagakatao namin.

"Paanong hindi ako matatakot eh hindi ko naman akalain na totoo talaga ang lahat" hindi sya makatingin saakin na nakapagpahina saakin dahil siguro nasasaktan ako sa ikinikilos nya.

"Please! Sweetheart, wag kang matakot saakin" linapitan ko sya at biglang kinabig at yinakap ng mahigpit ramdam ko ang panginginig nya pero hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya.

"Hindi mo ako sasaktan diba?" Tanong nya pa.

"Hindi! Akina hindi mangyayari iyon" lalo ko lang syang yinakap ng mahigpit,ramdam na ramdam ko ang mainit nyang katawan ang bilis ng pintig ng puso nya at ang hininga nya na tumatama sa malamig kong katawan.

"Pwede mo na siguro akong bitiwan diba? Hindi na ako makahinga eh." Nagulat ako sa sinabi nya kaya binitiwan ko sya tumingin sya saakin na may kaunting ngiti sa labi.

"Oyyy...tapos na kayo magsisimula na ang susunod na klase" napakamot na lang ako ng ulo sa biglaang pagsulpot ni  Fendrel. Napatingin ako kay Akina na namumula ang pisngi dahil sa pagsulpot ni Fendrel.

"You should not snap like that Fendrel"! Pagkausap ko sa kanya sa isip nakasunod kami kay Akina na nauunang maglakad.

"Sorry naman Kamahalan,kase naman ang cheesy nyo" napatingin ako sa kanya pero isang nakakalokong ngisi lang isinagot nya.

Napatingin na lang ako sa likod ni Akina halatang nagmamadali sya at syempre dahil sa nangyari kanina kaya medyo nahihiya pa sya,ramdam ko din ang lakas ng tibok ng puso nya kaya napangiti ako. Sa ngayon wala na akong problema kay Akina kahit alam na nya kung sino kami nina Thomas,at ang kambal ay alam kong hindi nya kami ipapahamak dahil ramdam kong nagtitiwala na sya saamin ng paunti-unti.

Napatingin ako sa langit may usok na namumuo sa kawalan isang senyales na uulan,ganito siguro dito sa Pilipinas aaraw at uulan.

*Akina pov*

Ang lakas parin ng tibok ng puso ko lalo na at nakasunod saakin sina Alistair at Fendrel,hindi parin ako makapaniwala na nakumbinsi ko ang sarili kong maniwala at hindi matakot sa mga sinabi ni Alistair.

"Akina sandali!" Nagulat ako ng bigla akong kinabig ni Alistair kaya napayakap ako sa kanya,sa lakas ng tibok ng puso ko napapikit na lang ako.

"Akina...!" Malambing nyang tawag saakin.

"Hmmm?" Napatingin ako sa kanya.

"Susunduin kita mamaya ako ang maghahatid sayo" napatango na lang ako atsaka sya hinila palayo ni Fendrel,magkasalungat kasi ang mga kwarto namin napatingin na lang ako sa kanila.

"Naaalala nanaman nya si Alistair..." Napatingin ako kay Sandy na kumakanta pa habang sinasabi nya iyon. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa sinusulat ko ang daya ng teacher namin dahil pinapasulat ba naman kami ng isang detalyadong journal tapos hindi sya magtuturo as in magsusulat lang kami sa klase nya. Napatingin ako sa labas ng bintana nasa tapat ng football field ang kwarto namin at kitang-kita mula dito ang mga styudanteng naglalaro ng football sa baba,sina Fendrel pala nakita ko na naglalaro din si Alistair nandito nanaman yong malakas na pagtibok ng puso ko,hindi ko maintindihan itong damdamin na ito sakto napatingin sya sa gawi ko kaya napatungko ako agad at pinagpatuloy ang sinusulat ko.

Iniisip ko parin ang totoong pagkatao nina Alistair nandito parin ang kaba sa dibdib ko lalo na at nakita ko mismo ang kakayahan nya yong bilis nyang kumilos pero bakit kaya hindi sila nasusunog sa araw?. Sabi sa mga nabasa ko eh ang mga Vampira ay nasusunog sa ilalim ng araw,kagaya ni Edward Cullens na bawal sa sikat ng araw.

Naangat ako ng tingin ng may bumato lng papel saakin napatingin ako sa grupo nina Lira na nakatawa pang nakatingin saakin mga alipores nga pala sila ni Xia kaya dakilang mga bully din ang mga ito. Hindi ko na lang sila pinansin ar pinagpatuloy ang ginagawa ko pero may bumato nanaman saakin kaya inis akong tumingin sa kanila.

"Ano ba problema nyo ha!" Naunang tumayo saakin si Sandy kaya galit syang lumapit kina Lira.

Napatayo din ako dahil kilala ko ang mga ito baka pagtulungan ng mga ito ang kaibigan ko.

"What.? we are just having fun" maarteng turan ni Lira sabay pilantik ng kamay kaya napailing na lang ako.

"Nakakainis kayo ha having fun eh namamato kayo ng papel akala nyo hindi kayo nakakadistrak"! Mariin pang sabi ni Sandy pero sa hindi namin malamang dahilan ay humangin ng malakas at sobrang daming papel ang humagis papunta sa grupo nina Lira kaya hiyawan sila. Napatingin ako sa baba ng bintana nakatingala ang isa sa mga kambal hindi ko lang matukoy kung sino si Fraden o Fendrel.

Sa sobrang gulat nila ay nagsitakbuhan sila sa isang sulok.

"Ano ang bilis ng karma diba.?" Natatawang turan ni Sandy atsaka ako yinayang umupo uli na parang walang nangyari. Siguro dapat kong pasalamatan ang isa kambal mamaya dahil natakot ng husto ang iba pa naming kaklase.

"Magpapaliwanag ka saakin mamaya Akina" bulong saakin ni Sandy bigla akong kinabahan pero napatango na lang ako.

Mukhang mahihirapan ako ah at isa ang pagpapaliwanag kay Sandy ang pinakamahirap.

Kami na lang ang naiwan dito sa kwarto nakaharap sya saakin kaya hindi ako makatingin sa kanya hindi ko alam kung paano magsisimula kaya lihim akong napabuntong hininga.

"So?. Ahhm paano mo ipapaliwanag yong nangyari kanina Akina nakita ko ang nagyari!. May magic kaba?." Napailing ako at deretso syang tiningnan.

"Sandy walang majic ok tsaka baka guni-guni mo lang yon" deretso kong sabi sa kanya.

"Pero kita ko kung paano humagis yong mga papel eh" frustrated nyang turan habang pabalik-balik pero sa gulat ko bigla na lang syang natigil at parang hindi na gumagalaw kaya naman napatingin ako sa may pinto,ang salarin ang grupo nina Alistair.

"Wag kang magalala solve na ang problema mo" isa sà mga kambal ang nàgsàlita hindi na ako nagulat kaya napabuntong hininga na lang ako,nakatingin pala saakin si Alistair kaya napayuko ako.

"Ano halika kana, si Thomas, na bahala sa kaibigan mo" napatango ako kay Fendrel yata ewan basta isa sa mga kambal. "Atsaka sya narin maghahatid dyan, bukas wala na syang maalala" dagdag pa nya.

"Pasensya na kanina,Akina." Napatingin ako kay Alistair habang palabas na kami ng Building. "Ok lang nagalala lang ako na kung paano makakapagpaliwanag kay Sandy." Hindi na sya nagsalita pa yong dalawa na kasabay namin ay may sariling pinaguusapan nasa likod ko sila pati si Alistair.

"Akina...!".

Nasa malapit na kami ng gate ng may biglang tumawag saakin,kaya napatingin ako sa kung sino ang tumawag saakin nagulat ng bigla na lang na yumakap saakin ang taong tumawag sa pangalan ko.

Author's Note: hala ka dyan sino kaya ito? Magiging karibal kaya siya ng Vampire king? +-+

Abàngan n'yo na lang sa next update mag-iisip pa ako ng susunod na kwento.

Related Books

Popular novel hashtag