Chapter 52: Kompromiso
"Wala."
"Sorry sir, sobrang busy kasi ni President ngayon. Hindi mo siya pwede makita nang walang reservation."
"Tama na. Di mo ba alam na highschool classmate niya ako?"
"Ganoon pa rin, sir. Huwag niyo na ako pahirapan at kung highschool classmate ka nga niya talaga, edi dapat ikaw mismo ang kayang maka-contact sa kanya. I suggest na direkta niyong tawagan si President."
Gusto nang sapilitang pumasok ni Wei Dong, pero sobrang higpit ng security sa GK at kung makakaabot man siya sa first floor, paano siya makaka-akyat sa pinakamataas na floor, 56 floors pa naman ang kailangan niya akyatin mula sa kinakatayuan niya.
Pauwi na sana si Qin Chu sakay ng Audi R8 niya, nang biglang, hinarang siya ni Wei Dong sa gates ng parking lot.
Kung hindi nakapagpreno si Qin Chu sa tamang oras, baka nabangga na niya ito.
Inihinto ni Qin Chu ang kotse, bakas sa mukha nito ang pagka-inis at dahan-dahan niyang ibinaba ang bintana ng kanyang kotse.
"Lumabas ka diyan, Qin Chu. Mag-usap tayo," agresibong pagkakasabi ni Wei Dong.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa," puno pa rin ng pride si Qin Chu.
Sa totoo lang, sa lahat ng kanyang mga naging highschool classmates, wala siyang naging pakialam sa mga ito maliban lamang kay Huo Mian.
Paniguradong hindi niya bibigyan ng chance si Wei Dong…
"Bakit ginawa mo yun sa company namin? Ano bang nagawa ko sa'yo? Bakit gusto mo kaming mamatay?" puno ng galit ang mukha ni Wei Dong.
Tumingala si Qin Chu, walang emosyon at sobrang cold ng mukha nito, "Sapilitan kong kukunin ang company niyo sa mababang presyo sa loob nitong week, kaya ikaw at ang tatay mo ay mababaon sa utang na nagkakahalaga ng daan-daang milyong yuan. Pagkatapos, wala ka nang ibang magagawa kung hindi magpakamatay. Ayun ang tinatawag kong kamatayan."
Namutla si Wei Dong pagkatapos niya marinig ito.
Kung iba ang nagsabi nito, baka matawa lang siya at sabihin na nagyayabang lamang ito.
Ngunit, kung si Qin Chu ang nagsabi nito. Paniguradong katapusan na niya, lalo na kung titingnan ang status at posisyon ni Qin Chu.
Si Qin Chu ang tagapagmana ng GK, isa sa mga top businesses sa bansa, na baka kasama rin sa top 50 sa Asia.
Kayang-kaya niya sirain ang isang maliit na company katulad ng sa kanila sa loob ng maiksing panahon.
"Qin Chu, bakit mo ba ito ginagawa? Naging magclassmates naman tayo. May… gusto ka pa rin ba kay Huo Mian? Takot ka bang maaagaw ko siya sayo?" hindi tanga si Wei Dong para hindi mapansin.
"Agawin siya mula sa akin? Masyadong mataas naman ang tingin mo sa sarili mo. Sa tingin mo ba kaya mong makipag-kompetensya sa akin?" natawa si Qin Chu.
Walang masabi pabalik si Wei Dong; paniguradong hindi niya kaya…
"Bibigyan kita ng isang oras para putulin lahat ng ugnayan niyo ni Huo Mian, kung hindi, maghanda ka na sa pagbagsak mo."
Pagkatapos niya magsalita, itinaas ni Qin Chu ang bintana ng kanyang kotse at tuluyan nang umalis sa company garage…
Naiwang nakatulala lang si Wei Dong sa kanyang kinakatayuan…
Sobrang gusto niya talaga si Huo Mian at sigurado siyang gusto niya pakasalan ito, ngunit hindi man lang nagtagal ng isang araw ang magandang panaginip na ito.
Mukhang wala na talaga siyang pag-asa na mapakasalan ang kanyang goddess sa lifetime na ito.
Pagka-uwi ni Huo Mian, lalabhan na dapat niya ang kaniyang kahuhubad lang na mga damit, nang biglang nagring ang kanyang phone.
Pagkatingin niya sa phone, nakita niya na galing kay Wei Dong ang tawag, alam na niya kung ano ang kanyang isasagot.
Sinagot niya ang tawag at bago pa makapagsalita si Wei Dong, sinabi niya na, "Nakapagdesisyon na ako, papayag na ako sa gusto mo. Magpakasal na tayo at please, ipadala mo na ang pera kaagad, hindi na kayang maghintay ng kapatid ko."
"Huo Mian… Sorry, sobrang sorry talaga," maririnig sa kabilang linya na medyo hirap magsalita si Wei Dong.
"Bakit? May nangyari ba?" Tanong ni Huo Mian pagkarinig na may kakaiba sa boses ni Wei Dong.
"Sa… tingin ko hindi na kita mapapahiram ng pera."
Ang puso ni Huo Mian ay tila nawalan ng buhay pagkarinig sa mga sinabi niya.