Chapter 53: Tulungan mo ko
"Anong problema, nag-aalala ka ba na hindi ko tutuparin ang kasunduan pagkatapos ko makuha ang pera? Huwag ka mag-alala, gagawin ko kung ano ang ating mapagkakasunduan."
"HIndi, wala kang kasalanan dito, ako ang may problema. Gusto ko lang din sabihan na… Sorry, hindi na kikitain kailanman." Pagkatapos niya magsalita, binaba agad ni Wei Dong ang tawag at hindi na binigyan ng chance si Huo Mian para makipag-usap.
Gumuho ang mundo ni Huo Mian. Ginawa niya ang lahat para makuha ang 300,000 yuan at ngayon, napunta sa wala lahat ng efforts niya.
Gusto na niyang maiyak…
Ngunit, nasa loob pa rin ng VIP Operating Room si Zhixing, nag-aantay sa kanya.
Napagdesisyunan na niyang humingi ng tulong mula sa media. Wala na siyang pakialam kung pagtatawanan man siya ng ibang tao, ang mahalaga ay maligtas niya ang buhay ni Zhixing.
Bago pa siya makapagsearch ng mga contact list ng media, nakatanggap siya ng tawag galing sa ospital.
"Kailangan mo nang pumunta rito, malubha ang lagay ng kapatid mo."
"Okay, papunta na ako diyan."
- Pagkatapos ng kalahating oras, sa labas ng First Hospital's VIP room -
"Sobrang lala na ng kondisyon ng pasyente at hindi na tayo pwedeng magsayang pa ng panahon. I suggest na gawin na natin ang surgery ngayon, pero hindi ako ganoon ka-confident para isagawa ito. Huo Mian, sabi ni director kilala mo raw si Dr. Qin? I suggest na tanungin mo siya kung pwede na siya nalang ang magsagawa ng surgery. Mas mabuti kasi kung siya. Plus, ayaw mo rin naman na may mangyaring post-surgical side effects, tama ba? Ito ay between life and death. Anong masasabi mo?"
"Pag-iisipan ko muna."
"Wala ng oras para mag-isip. Patuloy ang cerebral hemorrhage ng pasyente. Kapag nagsayang pa tayo ng oras, magiging brain dead na siya."
"Okay, antayin niyo ko, babalik ako."
Sa huli, nanaig pa rin ang pagmamahal niya kay Zhixing. Wala na siyang pakialam kung insultuhin man siya ni Qin Chu o kung gaano man siya hindi ka-komportable sa kanya.
Ano man ang mangyari, kailangan niyang subukan… para sa kanyang pinakakamamahal na nakakabatang kapatid.
- GK Headquarters -
"Mr. Qin, may babaeng naghahanap sayo. Ang kanyang family name ay Huo," tawag ng front desk.
"Papasukin mo siya," si Huo Mian lamang ang kakilala ni Qin Chu na may apelyidong "Huo" na bibisita sa kanya sa panahong ito.
- Pagkatapos ng limang minuto -
Kumatok si Huo Mian sa office ni Qin Chu.
"Pasok."
Binuksan ni Huo Mian ang pinto at naglakad papasok. Nakatayo si Qin Chu sa may bintana, maamo ang mga mata nito pagkaharap niya.
Siguro si Huo Mian lang ang tanging nakakita sa maamong itsura ni Qin Chu.
"Bakit napapunta ka?"
"Kailangan kita makiusap. Emergency ito."
"Sige, sabihin mo."
Pagkatapos nang saglit na pag-aalinlangan, tumingin si Huo Mian kay Qin Chu habang dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang bibig.
"Naaksidente yung nakakabata kong kapatid at ngayon ay nasa emergency care ng isang ospital. May cerebral hemorrhage siya ngayon, at ang surgery na pwede makapagligtas sa kanya ay sobrang hirap kaya kailangan ng second surgery pero wala ni kahit isang doctor sa ospital ang confident para gawin ito. Kinausap na rin ako ng director at nirecommend niya na ikaw dapat ang maging main attending sa surgery na ito, at..." ang boses niya ay unti-unting humihina.
"Ituloy mo lang." Nakatingin si Qin Chu sa kanya habang siya ay nagsasalita.
"At… nagkakahalaga ng 300,00 yuan ang surgery. Kahit ikaw pa ang magsagawa ng surgery, kailangan ko pa rin magbayad para sa mga medical supplies at equipment. Wala ako ganoon kalaking halaga, kaya kung pwede pahiramin mo muna ako?"
Napakagat-labi si Huo Mian, sobrang nahirapan siya sabihin ang kanyang dalawang requests.
Iniisip niya kung iinsultuhin, pagtatawanan o kaya naman hahayaan siyang magmakaawa nang paulit-ulit ni Qin Chu.
Dahil siya ang nang-iwan dito seven years ago at sinabing hanggang classmates lang sila sa graduation day sa harap ng buong school. Sobrang nasaktan si Qin Chu kaya naman umalis ito ng bansa.
Iniisip niya rin kung gagamitin niya ba itong sitwasyon na ito para makapaghiganti sa kanya.
Ngunit, pagakatapos marinig ang lahat, ang tanging sinabi lamang ni Qin Chu ay, "Sure, okay lang."
"Talaga?" hindi makapaniwala si Huo Mian sa kanyang sagot.
Ang totoo niyan, alam na ni Qin Chu ang nangyayari sa kapatid ni Huo Mian. Hindi alam ni Huo Mian na pinapanuod ni Qin Chu ang bawat galaw niya, at pagkatapos din ipadala ni Liu Siying ang WeChat message na iyon, tiningnan niya ang contact history nila Huo Mian at Wei Dong, kaya siya ay nag-issue ng death warrant sa Triumph Steel Works at hindi na rin nagulat si Qin Chu nang sabihin sa kanya ni Huo Mian ang sitwasyon. Inisip nalang niya na isa itong magandang opportunity.
"Ako mismo ang magsasagawa ng surgery ng kapatid mo, at bibigyan din kita ng 300,000 yuan, pero..." Napatigil bigla si Qin Chu.
Medyo na-disappoint si Huo Mian. Alam niyang may mga kondisyon ito at hindi siya tutulungan nito ng walang dahilan.
"Pakasalan mo ako."
"Ano?" sobrang nagulat si Huo Mian.
Talagang kailangan niya magbanggit ng kasal sa malubhang sitwasyon na ito?
"Pakasalan mo ako at tutulungan kita. Kung hindi… no deal," determinado si Qin Chu.