Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 56 - Pagkukusa

Chapter 56 - Pagkukusa

Chapter 56: Pagkukusa

"Huo Mian, narinig kong naaksidente yung kapatid mo," sabi ng isang lalaki sa phone.

Kahit hindi naka-save ang number nito sa phone niya, sapat na ang '9999' sa dulo ng number para makilala niya siya.

Ang lalaking ito ay walang iba kung hindi si Huo Siqian, panganay na lalaki ng Huo Family at vice president din ng Huo Corporation.

"Oo. Bakit? Andito ka ba para hamakin ako? Kung yun ang dahilan kung bakit ka tumawag, nakita mo na ang lahat. Ibaba ko na ito."

Bago pa niya matapos ang kanyang sinasabi, ibaba na sana ni Huo Mian ang phone.

"Sandali."

"Ano pa bang gusto mo?" kahit kailan hindi naging magaan ang loob ni Huo Mian kay Huo Siqian, kahit pa na sinusubukan nito maging malapit sa kanya sa mga nagdaang taon.

Lagi siyang nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagka-irita sa lalaking ito; naisip niya nga na dapat naging katulad nalang siya nila Huo Yanyan at Huo Siyi - kung di siya talaga gusto nito, mas okay na ipakita niya ito kaysa magkunyari.

"Huo Mian, hindi mo naintindihan ang gusto ko sabihin. Sinabi ko na ito noon pero iba talaga ako kay Huo Yanyan at Huo Siyi."

"Lahat naman apelyido niyo nagtatapos sa Huo, kaya ano ang pagkakaiba?" cold na sabi ni Huo Mian.

"Ha… tama ka. Pero hayaan mo kong itanong ito sayo, anong apelyido mo?" natatawang tanong ni Huo Siqian.

"Wala akong oras para makipag-usap sayo tungkol sa mga walang kwentang bagay. Busy ako, goodbye."

"Huo Mian, pwede kitang pahiramin ng pera," biglang sabi ni Huo Siqian nang papatayin na niya ang tawag.

Ikinagulat ni Huo Mian ang sinabi niya.

"Ano? Gusto mo ko pahiramin ng pera?"

"Oo, narinig ko na tumakas yung driver pagkatapos ng aksidente. Habang ang mga pulis naman ay patuloy sa pag-iimbestiga, at ikaw naman ay wala pang natatanggap na compensation. Yung kapatid mo naman ay kasalukuyang nasa First People's Hospital, ibig sabihin nito kailangan mo ng madaming pera para sa pagpapagamot niya. Alam ko rin na wala ka masyadong kaibigan na kaya kang pahiramin ng ganoon kalaking pera, kahit pa ang fiance mo. Kaya naisip ko na ako nalang ang magpapahiram sayo ng pera. Pwede mo akong bayaran ng paunti-unti, walang interest."

"Bakit ang bait mo sa akin?" sabi ni Huo Mian. Syempre, walang libre sa panahon ngayon at natutunan niya ito matagal na.

Isang businessman si Huo Siqian, at hindi mapagkawang-gawa. Hindi niya tutulungan ang isang tao ng walang kapalit. Kaya sobrang curious niya kung bakit siya tinutulungan nito.

"Kasi nakakabata kitang kapatid," tumawa si Huo Siqian.

"Wala akong maalala na may kapatid ako na kasing-makapangyarihan mo. Sinabi ko na ito at sasabihin ko ulit, tigilan mo na ang pagtawag sakin ng kapatid. Kung may binabalak ka man, huwag mo na gawin. Wala akong shares sa Huo Family, at ang tatay mo ay hindi magbibigay sa akin ng mana. Kung makikita mo naman dati, wala siyang pakialam kahit mamatay pa ako sa daan. Kaya, wala akong maibibigay sa'yo, Mr. Huo."

"Sobrang baba ng tingin mo sakin. Ano naman ang hahabulin ko sayo? Gusto lang naman kita tulungan."

"Talaga? Edi sige, thank you, pero hindi ko talaga kailangan. Bayad na ang… mga bayarin para sa operasyon ng kapatid ko."

"Bayad na? Sinong nagbigay sayo ng ganoong kalaking pera?" halata ang pagkagulat ni Huo Siqian.

"Wala ka nang kinalaman pa dun. At, sa tingin ko, hindi tayo ganoon ka-close para pag-usapan ang mga personal na bagay. Kaya tigilan mo na ang pagtawag sakin, busy kasi akong tao," pagkatapos, ibinaba agad ni Huo Mian ang phone.

Iba talaga ang pakiramdam niya kay Huo Siqian. May kakaiba talaga sa kanya…

Kahit pa siya lang ang tanging parte ng Huo Family na mabait sa kanya, sa di malamang dahilan, ayaw niya dito.

Pagkatapos din ng aksidente ni Uncle Jing, nawalan na siya ng pag-asa mag-aral abroad at pumasok na lamang sa isang third-rate domestic university.

At kahit pa inalok siya noon ni Huo Siqian na ipadala siya sa England, di niya tinanggap ito.

Ayaw na niya talagang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa Huo Family. Isa itong pamilya na walang pagmamahalan, at ayaw na niya bumalik doon kailanman.

Pagdating sa mga kapatid, ang tanging kinikilala niya lang ay si, Jing Zhixin. Wala na siyang pakialam sa iba.

Ang bagal ng oras at sa wakas, pagkatapos ng limang oras, nagbukas na ang mga pinto ng OR.

Napatayo agad si Huo Mian...