Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 62 - Pagpapalitan ng Kotse

Chapter 62 - Pagpapalitan ng Kotse

Chapter 62: Pagpapalitan ng Kotse

"Ma, lalabas lang ako para sagutin ang tawag. Pa-gabi na rin, kaya magpahinga ka na. Bukas, aayusin ko na ang mga papeles para makalabas ka na. Pagkatapos, kikitain na natin si Zhixin." Pagkatapos, maingat na lumayo si Huo Mian habang hawak ang cell phone.

Pagkasagot niya ng tawag, binulong niya, "Hello?"

"Nasaan ka?" tanong ni Qin Chu.

"Nasa ospital."

"Anong oras ka uuwi?"

"Night shift ako ngayon e."

"Anong oras ka matatapos?"

"Bukas ng umaga."

"Susunduin kita."

"Huwag na pero thank you."

"Bakit?" halatang masama ang loob ni Qin Chu. Bakit kailangan pa niya ipaalala na mag-asawa na sila?

"Dahil agaw-atensyon iyang Audi R8 mo. Ayokong pag-usapan ako ng mga tao sa ospital. Tsaka… kahit ang kotse ng director namin ay hindi kasing bongga ng sayo." Kung tama ang pagkakatanda ni Huo Mian, ang kotse ni Director Bigwig ay Audi A8 lamang.

Kung sasakay siya ngayon sa isang Audi R8 sa tapat ng ospital, paniguradong hindi matatapos ang pakikichismis ng mga tao.

Natahimik si Qin Chu sa kabilang linya. Hula ni Huo Mian ay sumama ang loob nito.

"Kaya ko namang sumakay ng bus mag-isa," dagdag niya.

Clack! Biglang namatay ang tawag.

Kaparehas pa rin ng dati ang kainitan ng ulo nito, mapagmataas at suplado rin. Ang hirap pakisamahan.

Pagkatapos ng kanyang night shift, pagod na si Huo Mian. Ang unang ginawa niya sa umaga ay ang pag-aayos ng papeles para ma-discharge na ang nanay niya.

Pagkatapos, dumiretso silang dalawa sa VIP room. Hindi pa rin gising si Zhixin pero, ayon kay Doctor Liu, stable na lahat ng vital signs niya. Kaunting panahon nalang ang hinihintay para magising siya. Sa huli, nagpa-iwan ang nanay niya para alagaan si Zhixin. Si Huo Mian naman ay umuwi, umaasang makakatulog siya ng maayos.

Pagkatapos ba naman ng ilang araw na pabalik-balik sa ospital, pakiramdam niya tutumba na siya.

Pagkalabas ni Huo Mian sa ospital, isang puting Volkswagen CC ang huminto sa tapat niya.

Habang iniisip pa niya kung ano ang nangyayari, ibinaba ng driver ang binatana niya at nagsalita, "Pasok."

"Um… Bakit ka andito?"

Hindi naisip ni Huo Mian na tototohanin ni Qin Chu ang pagpunta at ang pagdating nito sakay ng isang simpleng Volkswagen CC.

Ang mga sasakyang naghihintay sa likod niya ay nagbubusinahan na. Itong walang pakialam na driver ay pumarada sa may entrance, hinaharanagan ang iba pang sasakyan.

Hindi na napatumpik-tumpik pa si Huo Mian, at mabilis itong sumakay sa may passenger seat.

Pagka-sakay niya, doon lang sinimulang paandarin ni Qin Chu ang kotse at umalis.

"Ikaw… bumili ka ng bagong kotse?" mahina niyang tanong.

"Kotse ito ng assistant ko, hiniram ko lang," walang bahalang sabi ni Qin Chu.

Alam ng langit kung paano niya tinawagan agad si Yang sa umaga para sabihan siya na gusto niya makipagpalit ng kotse.

Tanging ang diyos lang ang nakakaalam kung gaano nagulat si Yang. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin na gamitin ang Audi R8 ng boss niya papunta sa trabaho.

Maliban pa rito, ano ang magandang nakita ni boss sa less-than-thirty thousand-yuan CC niya?

Pagkatapos ng mabilis na usapan, hindi na nagsalita ulit si Huo Mian at nabalot sila ng hindi komportableng katahimikan.

"Anong gusto mong kainin?"

"Huh?" Nagulat si Huo Mian sa biglaang tanong ni Qin Chu.

"Anong gusto mong kainin?"

"Huwag na. Hindi naman ako ganoon kagutom."

"Chinese or Western?" tanong ni Qin Chu, hindi pinapansin ang sagot ni Huo Mian.

Pagkatapos ng pag-aalangan, napagtanto ni Huo Mian na itong lalaking ito ay bossy pa rin katulad ng dati. Ang tanging magagawa nalang niya ay makipag-kompromiso.

"Chinese."

Pagkatapos ng labinlimang minuto, tumigil ang kotse sa harap ng First Class Royal Palace.

Pinangunahan siya ni Qin Chu sa pagpasok at dumiretso sa mga pribadong kwarto sa second floor.

Pagkatapos, nag-order siya ng shrimp dumplings, crab congee at iba pang dimsum na pagkain.

Ang tagal na ring hindi nakakakain si HuoMian ng labis-labis na agahan. Habang kumakain, nagnanakaw siya ng tingin kay Qin Chu.

Nakita niya na habang kumakain siya ng may poise, may hawak siyang cell phone sa kabilang kamay, tinitingnan ang stock market ngayong araw.

Pagkatapos kumain, inilapag ni Huo Mian ang kanyang kutsara. "Tapos na ako," mabagal niyang sabi.

"Okay, kunin mo na ang card mo at bayaran ang bill," walang pakeng sabi ni QIn Chu.

"Ano? Bakit ako ang magbabayad?" Pakiramdam ni Huo Mian ay malapit na siya sumabog sa galit. Hindi niya inakalang ganito kakuripot si Qin Chu. Maliban pa dito, sa isang lugar na katulad ng First Class Royal Palace, ang agahan ay nagkakahalaga ng at least isang libong yuan.

Para namang may ganoon siya kalaking pera. Tanging dalawang daang yuan nalang ang meron siya.

Tumingala si Qin Chu. Dinampot ang napkin, at pinunasan ang dulo ng bibig nito bago magsalita.

"Inilagay ko sa card mo ang sweldo ko ngayong buwan," casual niyang sinabi, "syempre, ikaw ang magbabayad ng bill."

"Ako…"

Napatigil si Huo Mian.