CHAPTER 33: Hindi Tuloy ang Kasal
Ilang segundo lang ay mag nagreply na sa WeChat group.
"Hindi na ito tuloy, naghiwalay na sila," sagot ni Zhu Lingling.
Pagkatapos niya i-send ang message, dumagdag ang iba pa nilang kaklase na nagtatanong, "Anong nangyari?"
"Oo nga, di ba sinabi niya nakabili na sila ng apartment? Bakit hindi na nila itutuloy ang kasal?"
"Hindi sila ikakasal dahil hindi sila ang tama tao para sa isa't isa, kaya itigil niyo na ang pagtatanong. Nakatipid na nga kayo dahil wala nang wedding money. Siya nga pala, hanapan niyo rin si Mian ng maayos at single na lalaki,"pabirong sagot ni Zhu Lingling.
Online si Wei Dong at nagtanong, "Totoo ba ito? Huwag kang magbibiro."
"Syempre totoo, alangan namang magbiro ako tungkol sa isang importanteng bagay?" napa-irap si Zhu Lingling.
"Mabuti, single na ngayon ang diyosa, may chance na ako," walang nakakaalam kung nagbibiro ba o seryoso si Wei Dong.
Pagkatapos, maisim na sumagot si Siying Liu, "Yeah, single na ngayon ang diyosa. Kaya kung gusto mo siya, bilisan mo na para hindi mo na mapalagpas itong chance mo, rich boy."
Tahimik na binabasa ni Qin Chu ang chat at wala itong balak magreply…
Wala siyang interes kaninuman sa group maliban kay Huo Mian.
Dahil sa nangyaring ito, gusto niya magpasalamat kay Ms. Yao para sa last reunion. Kung hindi siya pumunta sa New Zealand at inanyayahan si Ms. Yao pabalik sa C City, baka hindi pumunta si Huo Mian sa reunion. Sobrang kilala niya ito.
Lahat sila ay nagsimulang magchismisan nang biglang nag-online si Huo Mian.
"Sorry, hindi ko na kayo malilibre sa reception. May nangyari kasi sa wedding."
"Diyosa, okay lang yan. Yung lalaki yung nawalan. Masaya kaya maging single, ha."
"Goddess Huo, bakit hindi mo ako bigyan ng chance?" sabi ni Wei Dong, hindi pa rin malinaw kung nagbibiro ba ito o hindi.
"Mian, hindi ba dapat nagtatrabaho ka ngayon? Libre ka ata kasi nasa WeChat ka ngayon," tanong ni Zhu Lingling.
"Mhm, Nag-assist kasi ako sa isang surgery kaya binigyan ako ng head nurse ng day off."
"Ha, hindi na masama para sa isang gurang. Tara kain tayo sa labas ngayong gabi, libre ako ngayon."
"Isama niyo ko. Ako ang magbabayad at kayo ang mamimili ng location," singit ni Wei Dong.
"Baka sa ibang araw nalang, Lingling. Kailan ko kasi bisitahin ang nanay ko sa ospital ngayon."
"Nasa ospital si auntie? Anong nangyari?" nagprivate message si Zhu Lingling kay Huo Mian.
"Wala lang ito, hypertension lang. Hindi naman ganoon kalala, kaya huwag kang mag-alala," sagot ni Huo Mian.
Pagkatapos, nagpalit siya, bumili ng pagkain at sumakay ng bus papuntang Fourth Hospital.
Patuloy pa rin sa pagtatanong ang mga kaklase niya sa group chat, ngunit tinatamad siya magreply. Minsan niya lang din naman ito mga maka-usap, kaya hindi niya kailangan magkunwaring close siya sa mga ito.
Nang biglang, may nag-pop out na WeChat notification…
Ito ay isang fund transfer na nagkakahalaga ng 888 yuan galing kay Wei Dong.
May naka-attach ditong message,"Narinig kong na-ospital ang nanay mo, ito ay simpleng tulong lang galing sakin."
BIglang na-realize ni Huo Mian na sinabi niya sa WeChatgroup ang pagka-ospital ng nanay niya. Biglang niyang tinanggihan ang fund transfer.
"Salamat, it's the thought that counts. Hindi mo kailangan gawin ito."
Sobrang onti lang ng pinagsamahan nila ni Wei Dong sa mga nakalipas na taon, kaya paano niya tatanggapin ang pera nito?
"Goddess Huo, single ka ba ngayon?"
"Mhm, kakahiwalay lang namin," honest na sagot ni Huo Mian.
"Pwede mo ba akong bigyan ng chance?"
"Huwag ka ngang magbiro, old friend," awkward ito para kay Huo Mian.
"Hindi ako nagbibiro. Totoo ito, Huo Mian, gusto talaga kita matagal na. Crush kita simula high school. Kung hindi ka naniniwala sakin, tanungin mo ang deskmate ko si Big Mouth, Li, dahil alam niya. Dati kasi lagi mong kasama si Qin Chu kaya wala akong chance na manligaw sayo. Pagkatapos naman ng graduation, nagkaroon ka ng boyfriend at ayaw naman kitang istorbohin."
"Pero, narinig ko kay Lingling na may girlfriend ka na," tanong ni Huo Mian.
"Wala akong feelings para sa kanya. Sumasama lang siya sakin para sa pera ng pamilya ko kaya pag naghiwalay kami, bibigyan ko nalang siya ng pera."
"Paano ka naman nakakasigurado na hindi ako makikipagdate sayo para lang sa pera?" tanong ni Huo Mian.