Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 34 - Alamin Kung Saan Lulugar

Chapter 34 - Alamin Kung Saan Lulugar

CHAPTER 34: Alamin Kung Saan Lulugar

"Hindi ka ganoong tao, dahil alam ko kung anong ginawa sayo ni Qin Chu pagkatapos ng graduation. Mas mayaman pa sa akin ang pamilya niya pero nakipaghiwalay ka pa rin sa kanya. Obvious na hindi ka gold digger."

"Nakakatawa ka. Salamat sa compliment pero sa tingin ko hindi tayo para sa isa't isa."

"Sige na, aalagaan kita. Totoo, Huo Mian, pangako magiging mabuti ako sayo hangga't nabubuhay ako. Kaya ko ring alagaan ang nanay at kapatid mo habangbuhay."

"Wei Dong, salamat."

Pagkatapos niya magreply, nag-exit si Huo Mian sa WeChat application, walang gana ito para ipagpatuloy ang usapan.

Tumibok nang malakas ang puso niya ng mabanggit ni Wei Dong ang ginawa sa kanya ni Qin Chu noong graduation…

Nang biglang, nag-ring ang phone ni Huo Mian…

"Lingling?"

"Mian, sinasabi ko sayo, wag mo na pansinin iyang scumbag Wei Dong na yan. Pangit ang ugali niya at narinig ko na lagi siyang nagpapalit ng girlfriends. Ngayon lang, sinabi niya sakin na kumbinsihin ka na pakasalan siya. Nananaginip ata siya."

"Ha, nagbibiro lang yun. Hindi ko siya sineryoso."

"Seryoso siya, alam kong hindi siya nagbibiro. Noong nasa school pa tayo, patago siyang mag-iiwan ng snacks sa desk mo at kailanman hindi mo ito napansin. Naniniwala ako na gusto ka niya pakasalan, dahil para sa kanya, isa kang diyosa. Pero lahat ng lalaking katulad niya pare-pareho, nananabik sa hindi nila makuha. Kapag nakasama mo na siya pagkatapos ng ilang taon, magsasawa siya sayo at magloloko. Ang dami ko nang nakitang scumbags katulad niya."

"Alam ko, Lingling."

"Tama, pinapa-alalahanan lang kita."

Pagkababa niya ng tawag ni Lingling, napansin ni Huo Mian na dumating na siya sa Fourth People's Hospital.

May dalang buns at egg soup si Huo Mian papunta sa kanyang kwarto.

"Ma, alam kong gutom ka. Pasensya na, masyado kasing traffic papunta dito," ngumiti si Huo Mian.

Maasim ang mukha ni Yang Meirong nang kinuha niya ang pagkain na hawak ni Huo Mian.

"Gusto ko umuwi bukas."

Ilang segundo napatigil si Huo Mian bago niya ma-realize na okay na ang nanay niya para umuwi, "Mhm, Itatanong ko sa doktor. Aalis tayo agad pagkababa ng blood pressure mo."

"Kailan ka ikakasal? Narinig ko kay Zhixin na bumili na kayo ng apartment," mabagal na tanong ni Yang Meirong.

Kahit bihira lang bisitahin ni Ning Zhiyuan si Yang Meirong noong sila pa ni Huo Mian, wala siyang binigay na sakit ng ulo dito. Pero madalas, wala siyang gana.

"Naghiwalay na kami," sagot ni Huo Mian, habang medyo kinakagat ang kanyang labi.

Napatigil si Yang Meirong sa pagkain ng bun at tumingala nang may matalas na tingin, "Anong nangyari?"

"May gusto ng iba ngayon si Zhiyuan," piling sagot ni Huo Mian para hindi siya masisi. Naisip niya na magagalit na naman ang kanyang ina kapag narinig ang pangalan ni Qin Chu kaya mas magandang iwasan nalang sabihin.

Ngunit, umismid si Yang Meirong at tinanong, "Dahil ba talaga ito sa kadahilanang may gusto siyang iba? O dahil nakipagbalikan ka sa lalaking yun?"

"Ma, hindi ko ginawa yun," namutla si Huo Mian, hindi niya naisip na magiging sobrang prangka ng nanay niya.

"Huo Mian, sinasabi ko sayo, magkakaroon ka ng isang stable life kapag nagpakasal ka sa isang taong kasing-average lang ni Ning Zhiyuan. Lumipas na ang seven years at dapat alam mo na kung saan ka lulugar. Hindi ako makapaniwala na isa ka pa ring ilusyonada at sobrang baliw kay Qin Chu. Sinasabi ko sayo, ikaw ang naghuhukay ng libingan mo. Tandaan mo, binalak ka patayin ng mga magulang niya seven years ago, at nabuhay ka dahil niligtas ka ng Uncle Jing mo. Kapag nalaman nilang nakikipagrelasyon ka pa rin sa anak nila, paniguradong patay ka."

"Ma, hindi ko gagawin yan. Huwag ka na magalit," sabi ni Huo Mian habang inaabot ang kamay ng kanyang ina.

"Umalis ka! Huwag mo kong hawakan," sabi ni Yang Meirong habang tinapon niya ang pagkain sa lapag, nagdulot ito ng mga malalakas na tunog.

"Anong nangyayari dito?" Nagmamadaling pumasok ang nurse.

"Ayoko siyang makita, ilabas niyo siya dito," sigaw ni Yang Meirong habang nakaturo sa kanyang anak.

"Sa tingin ko kailangan mo nang umalis, nagiging unstable ang mood ng pasyente," payo ng nurse.

Sobrang sama ng pakiramdam ni Huo Mian; nag-aalala siya sa nanay niya ngunit ayaw niya itong mas magalit pa kaya wala siyang choice kung hindi umalis.

Pagkatapos, nagring ulit ang phone niya. Makikita sa caller ID na ang head nurse ang tumatawag.

"Head nurse, okay lang po ba ang lahat?"

"Huo Mian, na-aprubahan na ng director ang request. Pumunta ka na ngayon sa ospital."